Gusto kitang Ayoko
(Note: matagal na bago ako nakagawa ng isang matinong akda. I never asked for something like this. Though I have not started anything yet. I know this will be something good. I hope so.) Gusto kita. Gusto kitang makasama. Gusto kitang makita. Gusto kitang makita araw-araw. Gusto kitang makita araw-araw o kahit bawat segundo. Gusto kitang makasama habang buhay. Gusto kita. Gusto kita kahit di ko na alam kung tama. Gusto kita kahit sinasabi ng isip ko na hindi. Gusto kita kahit alam kong hindi pwede. Gusto kita kahit ayaw ng mundo. Gusto kita kasi hindi ko kayang wala ka. Gusto kita. Gusto kita kasi hindi ko alam. Gusto kita kasi 'yon ang para sakin ay tama. Gusto kita kasi hindi ko talaga alam. Gusto kita kahit di ko na malaman ang dahilan. Gusto kita. Gusto kita kasi nagiging corny ako pag kasama kita. Gusto kita kasi higit pa sa dictionary ang dating mo sa buhay ko. Gusto kita kasi higit ka pa sa Crayola sa pagkulay ng aking mundo. Gusto kita kasi talo mo...