24
I don't care who will read this. I don't care on what people think. I don't care about people who don't even care. I just can't give any of it to them.
I will clearly state everything sa paraan na maiintindihan mo. Oo. Ikaw. Ikaw na lagi kong inisip. Lagi kong gustong isipin kahit anong oras. Kahit na hindi na dapat. Kahit hindi na pwede.
Siguro, wala nang dahilan para umulit pa. Wala na ring dahilan para subukan pang muli. Hindi sa ayaw ko nang masaktan. Ayoko lang na maulit yung mga pagkakamaling hindi ko na dapat ginawa. Alam ko naman. Masyado lang akong nagpabulag sa gusto kong makita hindi sa ano yung nasa harapan ko.
Kung mababasa mo to. Alam mong hindi ko kayang magalit o kaya magsalita man lang ng masakit. Pero kung sa ibang mundo, baka nagawa ko na. Ilang ulit pa. Pero, alam kong alam mo kung ano lahat ng gusto kong sabihin.
Higit pa sa bakit. At kung bakit hindi.
Marahil kalokohan lang ang lahat ng ito. Kalokohang minsan kong kinagiliwan. Kalokohan na minsan kong pinaniwalaan. Kalokohan na sana inasam kong maging tunay. Pero higit sa lahat, kalokohang nagbigay ng sakit sa bawat sandaling umaasa akong hindi ito isang kathang-isip lamang.
I never thought love is as real as it was. I never thought this feeling was real. I never thought this would be all real. But, it turned out to be the biggest nightmare of all.
Minsan na akong nabaliw. Pero hindi ko hinayaan na matuluyan akong mahatak sa aking katinuan. Ngunit nang ika'y nanghikayat upang kumalas sa isang kagila-gilalas na pagkakataon. Wala akong nagawa kundi sumabay sa daloy ng pagaspas ng iyong pagdaluyong. Hindi ko ginawang magpumiglas.
Kaso napadpad lang ako sa lugar na ako na lang ang nandoon.
Mahirap. Pero kung parati na lang akong mananatili. Hindi ako makakarating sa tama kong landas.
Ngunit eto na naman ako. Umasa. Nangarap na sa panibagong pagtigil ng mundo, unti-unti kong mararamdaman ang tunay na kahulugan ng buhay. Pero, ang totoo ay isa lamang ito sa dapat kong pagdaanan.
Hindi na siguro ako hihinto sa lahat ng stop-over na makikita ko sa daan. Tutuloy na lang ako. Bababa pag tinawagan ng kalikasan o kalam ng tiyan. Pero, hindi na ako titigil sa isang lugar na hindi ko naman pagtatagalan.
Isa ka pa. Hindi ikaw ang aking destinasyon. Mas lalong hindi ako ang sa'yo. Pero, hindi na kita hihintuan. Tama na na minsan na tayong nagkita. Nakilala. Pero hanggang duon na lang. Wala nang babaan pa.
Wala ka namang dahilang ibinigay para babaan kita. O kaya tigilan man lang. Biyahe. Pero, masyado nang malayo ang narating ko. Hindi ko alam kung kalahati o wala pa sa isang kilometro ang natatakbo ko.
Pero ang tantsa ko, paubos na ang gas ko. Hindi ko na kayang magmahal. Hindi ko na kayang masaktan. Hindi ko na talaga kayang magsayang ng panahon para sa iasng bagay na lilipas rin.
Wala nang wala na tayo. Kasi wala naman talaga simula pa lang. Wala naman kasi hindi natin sinimulan. At mas lalong wala tayong balak tapusin.
Kung may magbabago, hindi natin kasalanan. Sadyang hindi tayo ang nakalaan.
I never wished someone misfortune. I can't see someone special in their darkest phase. But, I can't see them the happiest especially when I am not the reason of their happiness.
Selfish. Pero sana kaya kong panindigan ito. Siguro hindi ko talaga kaya. Pero para wala nang usapan pa. Gagawin ko na 'to. Para sa'yo. At para sa'kin.
Hindi ako. Hindi rin ikaw. Mas lalong hindi sila. Walang dapat sisihin.
Kung sa paglipas ng panahon, maisip mo kung ano yung dapat mong gawin. Pwede ba? Wag na lang. Kasi hindi rin makakatulong. Ni hindi rin makakabuti. At alam kong pinaaasa ko lang ang sarili ko sa isang bagay na kailanman hindi mangyayari.
Pero kung maisip kong mali ako. Nasa ipinaglaban pa kita kahit isang beses. Sana mauntog ako at wala nang maalala. Hindi ko na kayang magpakatanga sa isa pang pagkakataon. Na muli na namang manikluhod. Magmakaawa.
Kung sakaling ipaglaban mo ako sa susunod pang panahon. Gawin mo na ngayon habang may natitira pa akong pagmamahal sa sarili ko. Habang wala na pa akong nais ipansara.
Sa paglalim ng gabi. Hanggang sa lahat ng tao ay mapayapang nakahimlay. Eto ako. Patuloy na umaasa na minsan sa isang gabi mo, maisip at maalala mo ako. O kaya naman ay pumasok sa iyong isip na sana.
Pero wala nang umaasa. Pero may nagnanais. Naghahangad. Pero kung wala. Edi wala.
E sa wala. E di hindi na ipilit.
Comments
Post a Comment