Posts

Showing posts from February, 2011

Definitely Last Chance

May mga taong masuwerte. May mga taong malas. At may mga taong sadyang nakatakda. Nakatakdang masaktan. Nakatakdang magmahal. Sa unang pagkakataon. Hanggang sa pinakahuli.   “Wala pa ba si Buds?”, tanong ni Marc. Medyo aburido. Pero kalmado pa rin naman. Habang nasa harap ng inventory, tumitingin siya sa mga customers. Merong tatlong customers doon. Hindi sila magkakakilala. Magkakalayo ng upuan.   “Wala pa po, sir.”, sagot ng isang tauhan niya. “Konti pa lang naman po ang customers, kaya ko pa naman.”   Hindi na sumagot si Marc. Alam naman niya na kaunti lang ang customers. At hindi pa naman inaasahan na dadami ng sobra ang customers sa ganoong oras.   Matapos ang ilang minuto dumating na ang mga kaibigan ni Marc. Dalawang lalaki. Medium built. Isang moreno. Isang mestiso. Parehas namang may itsura. Pero iba si Marc na iba na ang tindig. Tipong matured na. At alam na ang pasikot-sikot ng buhay.   “Oh, pare! Pasensya na di ako pwede kagab...

nakakatawang experience...

Habang nagmamasid sa tapat ng faculty kahapon... Student 1: Kuya, dyan ba yung essay writing contest? Ako: Di ko alam e. Bakit? Tanong niyo kaya sa guard. Student 1: Hindi po nila alam e. Akala namin dyan yung klase niyo. Ako: Ahh. Hindi. May meeting lang ako sa CE. Student 1 and 2: Ahh (bulungan sila. HAHA) Ako: Anong year na ba kayo? Student 2: (sumenyas ng 1) Ako: Ah. Student 2: Anong year na po ba kayo? Ako: 4th year na ko. Student 1: Akala ko 2nd year palang kayo. BENTA!

Para Sa'yo

Para sa iyo. Para sa akin. Para sa lahat. Para sa lahat ng nagmahal. Para sa lahat ng nagmamahal. Para sa lahat ng napagod nang magmahal. Para sa wagas na nagmamahalan. Para sa wakas na ang pag-iibigan. Para sa lahat ng nasaktan. Para sa lahat na umaasa. Para sa lahat na umaasa na magkabalikan. Para sa lahat na umaasa na totoo ang pag-ibig. Para sa lahat ng tawa. Para sa lahat ng luha. Para sa lahat ng ligaya. Para sa bawat sandali. Para sa bawat pighati. Para sa bawat pagkakamali. Para sa iyo. Ang lahat ng ito. Alam ko. Hindi mo malalaman. Hindi ko rin sasabihin. Walang makakaalam. Walang makakaramdam. Wala. Para sa akin. Ang lahat. Itatago ko. Hindi mo malalaman. Hindi ko ipapadama. Wala kang mararamdaman. Wala kang malalaman. Wala. Para sa lahat. Sana. Wag nang tumulad. Hindi niya malalaman. Hindi niya maririnig. Walang mangyayari. Walang mapapala. Wala. Para sa lahat. Para sa akin. Para sa iyo. Magmahal. Masaktan. Magmahal muli.

Cast The First Stone

Paradox. I am sick with the constant Congress (both Upper and Lower Houses) hearing which leads to what? Grand standing? Free exposure? Free campaign for next election? Nooooo. I am not blaming the Senate nor House of Rep. But, are there any laws made? Any changes felt by an ordinary Filipino? Anything? Whew! Naaah! It's not what I want to post something. It's about the incident yesterday. *Moment of Pause and Silence* First, condolence to the Reyes' Family. I know it's hard to lose someone. It's even harder when it is the patriarch. Second, condolence to the Philippine Justice System. When people resort to killing themselves rather than facing the truth. Third, condolence to the Filipinos. My point. I have nothing to say. I do not have the right to judge Former Sec. Angelo Reyes. Although, he had been persecuted by the reports in media. I still believe in the goodness of everyone. Assuming the reports are right, he may not be good on that aspect but in some aspects...