Gusto kitang Ayoko

(Note: matagal na bago ako nakagawa ng isang matinong akda. I never asked for something like this. Though I have not started anything yet. I know this will be something good. I hope so.)

Gusto kita.
Gusto kitang makasama.
Gusto kitang makita.
Gusto kitang makita araw-araw.
Gusto kitang makita araw-araw o kahit bawat segundo.
Gusto kitang makasama habang buhay.

Gusto kita.
Gusto kita kahit di ko na alam kung tama.
Gusto kita kahit sinasabi ng isip ko na hindi.
Gusto kita kahit alam kong hindi pwede.
Gusto kita kahit ayaw ng mundo.
Gusto kita kasi hindi ko kayang wala ka.

Gusto kita.
Gusto kita kasi hindi ko alam.
Gusto kita kasi 'yon ang para sakin ay tama.
Gusto kita kasi hindi ko talaga alam.
Gusto kita kahit di ko na malaman ang dahilan.

Gusto kita.
Gusto kita kasi nagiging corny ako pag kasama kita.
Gusto kita kasi higit pa sa dictionary ang dating mo sa buhay ko.
Gusto kita kasi higit ka pa sa Crayola sa pagkulay ng aking mundo.
Gusto kita kasi talo mo ang road sign sa pagbigay ng direksyon.
Gusto kita kahit di pa rin ako natuto ng aking leksyon.

Gusto kita.
Gusto kita kasi kahit alam kong di na maganda, andyan ka pa rin.
Gusto kita kasi kahit sa anong pinagdadaanan ko, andyan ka.
Gusto kita kasi kahit alam kong hindi mo na kaya, ginagawa mo pa rin.
Gusto kita kasi kahit di na pwede, pinipilit mo pa rin.

Gusto kita.
Gusto kita kahit di mo alam.
Gusto kita kahit di ako sigurado.
Gusto kita kahit alam kong suntok sa buwan.
Gusto kita kahit ano.

Gusto kita.
Gusto kita kasi andyan ka nong oras na walang wala ako.
Gusto kita kahit di mo alam kung gaano mo ako tinulungan.
Gusto kita kasi di mo alam kung gaano mo siya pinapaalala sakin ang nakaraan.
Gusto kita kasi pag nakikita kita naaalala ko lang lalo siya.
Gusto kita kasi kahit ano nagagawa mong maganda.

Ayoko sa'yo.
Ayoko sa'yo kasi hindi ko na siya maalala sa'yo.
Ayoko sa'yo kasi pag naalala ko siya, ikaw na yung nakikita ko.
Ayoko sa'yo kasi lahat ng kaba ko, bumabalik.
Ayoko sa'yo kasi natatakot akong mawala ka.
Ayoko sa'yo kasi hindi ako sigurado na kung gugustuhin kita magiging masaya.

Ayoko sa'yo.
Ayoko sa'yo kasi andami kong tanong.
Ayoko sa'yo kasi alam kong mas madami yung sa'yo.
Ayoko sa'yo kasi hindi ko na kayang sagutin yung akin.
Ayoko sa'yo kasi mas lalong di ko kayang sagutin yung iyo.
Ayoko sa'yo kasi wala talagang kasiguraduhan.

Ayoko sa'yo.
Pero gusto kita.
Pero kahit pa ganun, basta maging masaya ka lang.

Gusto kita.
Kahit ayoko sa'yo.
Kasi wala na akong magagawa.
Ito lang ang alam ng puso ko.


Comments

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT