the big question is...
Men! the movie was great. tingnan mo napa-english ako hahaha. yehes. totoo naman. basta. panuorin mo na lang. ayokong mag-spoiler.
pero, wait gusto kong mag-spoil kasi about sa isang part dito yung gusto kong i-share.
anyway, gusto ko sana i-share yun kapag nakalampas na tayo sa picture sa gilid. so, pahabain muna natin itong part na ito. bakit hindi natin i-share kung gaano ka-ganda yung concept. oo. maganda. pati yung effects. amazing. basta. nakakaamaze. lalo na kung ang ingay ng kasama mo. kasama mo ba naman si stef saka si bea. yung dalawa lang na yun wala na. ang ingay na. si grace.. uhmm. medyo maingay lang kasi naman nagastusan e. bwahaha. joke. si carlo?? hahahaha. nasa tabi e. di makapag-ingay. hahahaha. ako? naka-focus lang ako e. may panyo. handang nakasalo na dugong lumalabas sa ilong. nosebleed. english e. hahaha.
eto na ata. nakalampas na sa picture. let's start it on.
ang tanong. (napag-usapan namin ito sa chocolat. umuwi na si grace e. kaya kaming apat na lang. see picture for reference... sa facebook ko iuupload. hahaha) paano kung end of the world na bukas, ano ang gagawin mo?
sagot ko: mag-bablog hahahaha
sagot ni bea: magsasama-sama lahat ng gustong makasama (di ko tanda yung exact words.. pero alam ko sino palang binara na ni carlo hahahaha)
sagot ni carlo: pupunta sa kapilya tapos magdadasal. lumilipad daw kasi yung kapilya nila e.
sagot ni stef: wala. hahaha.
wait.
napaisip talaga kami. as in nawala yung laughter na nangyari nong nag name-that-person kami hahaha.
ok. ikaw naman ang tatanungin ko. PAANO KUNG END OF THE WORLD NA BUKAS, ANO ANG GAGAWIN MO? isipin mong mabuti.
(isip ka muna.)
(isip ka muna sabi e)
(nakapag-isip ka na??)
hirap no. dahil dyan, mag-sasuggest ako ng sampung magandang gawin para mairaos mo ang one last day mo sa bahay mo. sa luzon. sa pilipinas. sa south east asia. sa asia. sa world. sa solar system.
1. gawin ang lahat ng di mo pa nagagawa. kung di ka umiinom ng alak. magpakalango ka sa alak. gawin mong pampaligo. patay ang germs mo. kung di ka pa nainigarilyo, manigarilyo ka. gawin mong lollipop. kung birhen ka pa, magpakasal ka muna bago ka mag-enjoy sa piling ng isa't isa. hahahahahahahahahahaha. in short, live life to the fullest. wag aalis sa earth ng di mo nararanasan ang sarap. wag kang papayag na natikman nila ang mga bagay na di mo natikman at di mo matitikman. kagaya ng flaming alaska sa five cows. kagaya ng baked mac sa tita marie's. kagaya ng choco caramel sa chocolat. kailangang ma-itry mong mag-commute. maglakad sa daan. at mag-trip.
2. mag-sorry sa lahat ng taong nagawan mo ng kabalbalan, kawalang-hiyaan, kabalasubasan, kabalahuraan at ka-bastusan. hahaha. una na yung babaeng inokray mo sa may chocolat. yung lalaking sinabihan mong si *** *. yung mamang nananahimik na idinamay mong siya si super mario. dun parin sa chocolat. kasama na din sa number na ito ang pag-thank you sa lahat ng taong nagbigay ng kulay sa buhay mo. si kuya na nag-asikaso sa pagbabayad mo sa treasury. pati na si manong driver na naghatid sa inyo sa sm. at si ateng nag-entertain sa inyo habang nasa harap kayo ng KKK sa the annex. habang gutom na ang mga kasama mo. sama mo na din yung sa harapan niyo habang nanunuod ng knowing na magsyota na ahem. pati na yung nasa dulo na kung saan saan dumadapo ang kamay hahahaha.
3. manuod ng movies. makinig ng music. manuod ng teleseryes. makipagtext sa lahat. remember walang ganyan sa pupuntahan mo. kaya as much as possible. panuorin mo na ang knowing. how to lose a guy in ten days. enchanted. constantine. quarantine. at kung fu panda. makinig ka na lahat ng kanta ni david archuleta. ng boyce avenue. ni danny gokey. ng mymp. ni kyla at nina. pati na ng jologs na bandang na-inlove ka sa tunog. damay mo na ang close ni paolo santos. manuod ka na ng lahat ng teleseryeng alam mo. simula noong 1980's kahit di ka pa buhay. mag-ipon ka na ng kuwento kasi kwentuhan at enjoy ang gagawin mo pagkatapos ng paggunaw. makipagtext ka sa lahat ng taong nasa phonebook mo. pilitin mong basahin lahat ng isesend nila kahit napakaselfish naman non. pilitin mong maniwala sa mga chain. pati na ang mga jokes na corny. tawanan mo. pero wag kong kalimutan sa tumawa sa bababa joke na yun.
4. magpaganda ka. magpagwapo ka. basta. alam kong kahibangan ang pagpunta sa parlor o barber shop para magparelax o haircut. hahaha. pero di mo ba alam na baka may talent agent don at kunin kang artista o model kaso 1 day lang hahaha. isa pa. para sayo din naman yan e. isipin mo na lang na sa last day mo. maganda o gwapo ka. at least diba, achievement. hahahahaha
5. bumili ka ng maraming junk foods, ice cream, soft drinks at lahat ng pwedeng bilhin sa grocery o sari-sari store. oo. magstore ka ng marami. para habang hindi mo pa nahihintay ang end of the world. may chibog ka. di ka kinakabahan na baka wala ng supply. at di ka rin maiinip sa biyahe mo patungong kabilang buhay. at eto pa. di ka mag-hihysterical na end of the world na kasi may nakapasak na bibig mo. remember don't talk when your mouth is full. hahahaha.
6. spend an hour or more sa parents, guardians and/or relatives. one hour? mahabo na yun. pero kung mahal na mahal mo sila kagaya ng pagmamahal ni proserfina kay ulysses hahahahaha. mahigit pa sa one hour. one hour and one second. hahaha. dapat lang na bigyan mo sila ng panahon para magpasalamat at mag-usap kung saan kayo magkikita-kita kung nagkahiwalay kayo sa biyahe. hindi magkatabi sa jeep, fx or bus. o hindi kayo parehas ng ruta. mabuti na rin na alam niyo ang itinerary. at syempre. alam niyo kung saan ang stop-over kaya tancha niyo ang pagpigil sa ihi.
7. puntahan mo na ang mga high school, elementary at college friends niyo. pati na rin ang mga teachers, instructors at mga professors. kung pwede pati dean. o mga nag-oojt.mag-door-to-door kayo ng friends mo. time na rin para magkaroon kayo ng bonding time for a long time. lalo na yung mga di mo naging close. at siyempre. para magkakilanlan ang mga friends mo. at masabi nilang baliw ka talaga. at akala nila sila lang ang nakakapansin na may saltik ka pala talaga. hahaha. pero, wag niyong kalimutan ang mga memorabilia na ginamit, nakuha at ginawa niyo for a certain event. pictures will do. hahaha. lalo na yung mga mukhang ewan na hitsura niyo don. para laugh trip pa rin. oo. laughthrift.
8. spend a second with your loved-one. oo. late ba itong item na ito? syempre naman. pero nagtaka second lang ang sinabi ko? hahaha. siyempre naman. oo, mahal niyo ang isa't isa. sobra. you want to spend the rest til the end together. pero, may switch e. hindi lang ikaw ang gusto niyang makasama. naiisip na rin niya yung items 1-7. feeling mo ikaw lang ang may gustong makasama ang mga minamahal mo. awts. syempre naman. pwede na iyong second. kung mahal niyo ang isa't isa. as in sobra. di man kayo magkita, ang mga puso niyo na ang nag-uusap at nag-cocommunicate para sa okay na ang lahat. parang sa ibang crowded place. sobrang daming tao. madilim. mainit hahaha. mahahanap at mahahanap mo siya. di dahil nakita mo siya. kundi naramdaman mo.
9. aminin mo na sa crush mo na crush mo siya. lahat naman tayo may crush. kahit may mga syota na, meron pa din naman. wag kang mag-deny. pero, depende pa rin sa depenisyon mo ng crush ang crush dito. para sakin. crush yung na-attract kasi you like something, pwedeng physical, emotional or sa traits niya. ganon. at wala namang masama sa pag-amin ng crush. sobra. crush lang. unless nakapag-invest ka ng emotions. hahaha. may masaya kung dito ka umamin na mahal mo ang mahal mo. una kapag na-basted ka, sandali lang yung hiya. di mo na kailangang magbungkal ng lupa tapos magpabaon ka don. wait ka na lang ng bukas, tapos na ang problema. dude, okay no. pero sabi nga, risks coexist with opportunities. wala lang. akalain mong naisingit ko pa yun. amazing me.
10. siyempre naman, mag-isip ng top 10 mong dapat o suggested na gawin kapag end of the world na bukas. hanep no. siguro ako maiisip mong gawin ang lahat ng di mo pa nagagawa. mag-sorry at magpasalamat sa lahat ng taong dapat mong sorry-han at thank-you-han. naisip mo ding manuod ng movies, makinig ng music, manuod ng teleserye at makipagtext sa lahat. naisip mo din na magpaganda o magpagwapo ka. nafeel mo na din na magstock ng pagkain at supplies. naisip mo ding makipag bonding sa magulang at relatives. at naplano mo din na mag-schedule ng gala niyo. naisip mo naring makipag-HHWW sa syota mo. naisip mo ding umamin ng crush. hahaha. pero ang totoong 10 ay magdasal na sama kung end of the world man bukas, pupunta ka sa heaven. at syempre. smile! pangit naman na mag-goodbye earth ka ng mukhang busangot. :D
ang habaaaaaaaaaaaaaaaa sana pede tong ma-achieve within 24hours nuh? but then,oks naman ang mga suhestyon mo. ganyan gagawin ko pag nalaman kong may cancer pala ako at mamamatay na pala ako bukas =p hahahahahah
ReplyDeletehayyy. ndi nman maxadong mahaba. hanep! dami ko pa plang pwedeng gawin noh. pero parang hirap gawin yan ng isang araw lang. haha. kaya uumpisahan ko ng gawin ung iba bukas. manunuod ako ng "knowing". hahaha.
ReplyDeletesandali lang to fifol. may mga shortcuts naman sa buhay. like sa movies, synopsis na lang. sa kanta lyrics na lang. sa teleseryes, ep guides na lang. hahahahahaha
ReplyDeleteows. ako. iba. kasi mas masaklap kung ikaw lang ang mag-gegraceful exit samantalang yung iba iniwan mo sa earth. more on the 6-10 part ako hahahahahahaha
ReplyDeleteoks lang???? sabagay hindi ko naman kasi pinag-isipan ito. parang at random. lumabas na lang sa utak.
ReplyDeletedi ko naman ugali na mag-blog na super prepared. with outline. hay.
yan ang magic ng buhay. di mo alam pwede mo palang gawin yan. again, sabi ko nga may mga shortcuts naman. hahahahaha
ReplyDeleteikaw lang mag-isa??? weird. hahahaha. try watchmen. hahahahaha
ReplyDeleteteka. naka-copywright na tong word na ito. kay kim yan.. recognition lang hahahahahaha
ReplyDeleteteka.
ReplyDeleteSALAMAT PO PALA SA MGA NAG-VIEW!!!!
sincerely, salamat :D