wangmorchens
nagtataka ka ba sa title? one more chance lang yan. ayaw ko lang na ipahalata na ngayon ko lang siya napanuod. actually, kaninang tanghali lamang. sorry naman, kung napakabagal ko. at parang napakalaki ng mga hadlang kung bakit ganoon ako kabagal mag-react. ehem. hahahaha.
una sa lahat. nagtataka ka bakit sa blog ko ito nilalagay hindi sa review. baka sabihin mo di ako marunong gumamit ng review hahahaha. pero sa totoo lang. mas feel ko ang blog kesa review. ayoko lang. choosy e.
tingin mo naiyak ako? hahaha. oo na. mababaw na ang luha ko. marinig ko lang yung i'll never go. iiyak na ako. bwahahaha. joke lang. pero, naiyak naman ako. mababaw lang naman ang luha ko. super.
sa tingin mo, weird na yun? ewan. tingin ko. oo e. weird kaya. as in. weird. weird weird. hahaha. inaantok na ako. pero sana may one more chance talaga. nakakatawa lang kasi sa movies pati na sa serye. binibigyan niyo ng false hopes ang mga tao. tingin niyo okay lang ang lahat. at happily ever after pa rin ang ending. tingin niyo lang yon. in real life. walang blockings. walang scripts. walang spiels. walang cameo appearances. walang malalaking production. pure truths. isa lang ang masasabi ko. bitter hahahaha
pero sa totoo lang naman talaga. anghirap makaranas ng masayang ending. hindi lang sa love. sa friendship din. sa pamilya. sa academics. sa social life. sa buhay. napansin mong nabubulol ang totoong tao. ang artista di pwede. unless kelangan. di sila pumapangit kahit umuulan kelangan di sila nababasa. kapag kinagat ng piranha kelangan kalahati ang ang nasira.
weird. pero totoo. i won't dwell masyado sa idea ng one more chance. as in sa plot. popoy and basha. whatever. maganda ba ang story? medyo. ang acting? oo. ang production? oo. ang direction? oo. pero anong kulang at di ko ma-enjoy ng todo ang movie? di ko alam. the fact na di ko alam ang ilalagay dito ay alam ko na kung saan ako nagkamali at the first place. at alam ko na kung ano ang hahanapin ko.
mas weird ang iniisip ko. imposible. malabong mangyari. pero ano ba ang iniisip ko? tungkol saan? kanino? ano? bakit? para saan? una sa lahat. wag mo akong pangunahan. ni ako na mismong nagtatype para sa post na ito ay di alam ang direksyong tutunguhin ng post na ito whether sa tipong ikagagalak ng sinumang babasa o sa tipong masasabi nya lang na too selfish at waste of time.
pinakaweird na ipost ko ito sa blog ko. habang naghihintay. umaasa. teka kanta na yun hahaha. at lalong nakakabagot na maghintay na umalis ang antok. di dahil sa paghahantay. kundi sa walang magawa. kung may makakabasa at makakaintindi salamat. buti ka pa.
Comments
Post a Comment