CHAPTER 1.... (READ ME)

Ano kaya kung may magic ako? Yung tipong mapapagalaw ko ang bawat bagay, mababasa ang nasa utak, mapapabagal ang oras at iba pa. Ano kaya? Sana meron para masaya!

*Beep!*

“Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mamamatay? Uminom ka ng lason! Wag mo akong idamay!”, anlakas ng sigaw ng mamang ewan.

“Yan kasi magic magic ka pa dyan. Naku, umayos ka nga!”, sabi ko sa sarili ko.

“Hoy, pre! Muntik ka ng masagasaan ha! Ok ka lang?”, medyong pang-aasar ng kaibigan ko.

“Naku! Hindi naman masyadong halata. Hahaha.”

“Mukhang malalim iniisip mo.”

“Ha? Hindi, nagkakabisado lang ako ng formula sa calculus at physics.”

“C’mon mamon! Hindi ka naman nagkakabisa eh. Niloko mo pa ako.”

“Malay mo naman gumana.”

“So, ano nga yang iniisip mo?”

“Naku wala yun! Trip ko lang. Malay ko ba naming muntik nang totohanin.”

“Adik ka talaga!”

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*

“Pare, una na ako. Late na ako kay Sir. Alam mo naman yun.”, sabi ko habang nagmamadaling pumunta sa gate.

“Hay, buti naman nakatakas na ko dun sa timang nay un. Tiyak na kukulitin lang ako nun. Pag sinabi ko naman, hahamakin ako nun. Tama! Hahamakin is the term!”, mga salitang naglalaro sa isip ko habang napakaingay ng buong corridor. Walang binatbat ang palengke. Hanep sa lakas. Tindi.

*Hingal*

“Nakakapagod umakyat sa 7th floor! Ano ba naman ‘to? Shocks! Ang mahal mahal ng tuition ditto tapos wala man lang elevator o escalator. Naku! Asa naman ako diba. Naturingang Tech. School. Ehem!”

“Hay, nakakamiss nong freshie pa ako. Ang kulit ng block naming. Parang extension lang ng high school. Hindi mo aakalaing lahat pa noon ay walang kakilala. Nagtayo lahat ng pader para mahirapang makapasok ang sinuman pero sa huli sila din naman ang tumibag. Hindi ko maisip na yung taong umisnab sa akin ang nagging super friend ko.”, habang dahan-dahan kong inilalapat ang paa sa sahig kasabay ang pagsulyap sa bawat room magkabila.

“Naaalala ko pa sa room na to, katabi ko siya. Hahaha. Tinuturuan ko siya palagi. Nakakatuwa siya. Dito naman ang ingay naming. Nagbibilang ng tatlumpung minuto at umaasang hindi na darating ang prof. Naman! Gumana na naman ang imagination mo. Napapahamak ka dahil dyan eh.”

*Shiing!*

“Sir, sorry I’m late!, mapapatigil ako bigla.

“Hmmm. Hindi ko classroom to. Hindi ko prof to at hindi ko sila kilala. Malas ba talaga ako? Andito pa siya! Gusto kong magtago sa forest ng 100 years. Nakakahiya!”, pangiti kong sinabi sinasabi sa utak ko at sinasabing ok lang yun. Wala lang.

“Parang gusto ko ng umuwi. Malas ata ang araw na to. Nagdasal naman ako pagkagising. Hay. Ano kaya ang susunod? Please, sana wala na.”

*Shiing!*

Pagbukas ng pintuan, wala akong nakitang prof. Zero. Negative. Wala! Hanep naman. Akalain mong wala ang terror kong prof. Parang ngayon lang siya nag-absent ever. Talagang may ever. E-V-E-R! Hay, 1 hour pa ako maghihintay. Makapunta na nga lang sa canteen!

“Ate, combo 1 po.”, madalas kong marinig sa stall na madalas ko ding bilhan. Ewan ko ba bakit yun ang binibili ko palagi parang ansarap kasi. Baka may magic something silang nilalagay.

“Ate, combo 1 po! Para maiba naman.”, pabiro kong sabi kay ate. Natawa din naman siya.

“Ate, eto po.”, sabay abot ng P100. “May four ka?”, dagdag niya. “Wala po eh. Teka bili lang ako ng drinks.”

“Kumusta naman yung math mo? Ok na ba?”, tanong ko sa kaibigan ko sa isang table. “Ah ok! Kaya mo yan!”, sagot ko sa sagot niyang di ko naman naintindihan.

“Uy, bakit wala si Sir?”, tanong ko sa isa kong kaklase sa kabilang mesa. “Hindi ko alam eh. Baka you-know. Hahaha!”, tugon niya. “Adik to.”, “Teka, may assignment siyan pinaiwan. Text ko na lang sa’yo mamaya.”, “Ok. Hintayin ko yan ha!”

“Pare, sa AVR daw tayo sa SS mamaya, sabi ni Sir.”, paalala ng kaklase ko sa subject na yun. Sabi ko naman, “I know. We’re friends, ya know!”, pabiro kong sagot na tila nagyayabang.

Inabot ako ng halos 4 minutes bago makarating sa bilihan ng drinks. Hindi naman malayo yun ah. Madami lang talagang friends na ineentertain. Para ko na ring bahay ang school, bisita ko sila kaya kelangan pasiyahin ko sila para sa susunod na ako naman ang bibisita sa bahay nila, pasisiyahin din nila ako. Ganti-gantihan lang!

So far so good. Wala pa naming fatal na nangyari sa akin bukod sa muntik na pagsagasa at maling classroom, wala pa.

Nakabili na din ng soft drinks. Ibang daan na lang ako para hindi na rin ako magtagal. Medyo gutom na ako eh. Aga-aga pa gumising.

*Lakad!*

“Bro, tapos mo na yung lab report mo?”, nakakagulat na tanong ng lalaki mula sa pinakadulong table sa canteen. Sabi ko na lang, “Bukas ko pa gagawin eh. Alam mo naman medyo hell week!” Nagsinungaling na lang ako na hindi pa ako nakakagawa pero sa totoo ay analysis at conclusion na lang ang kulang ko. Pihadong mangongopya lang naman siya kapag sinabing meron. Hayaan ko naman siyang gumawa. Sana lang lahat ng makausap niya ganyan ang sabihin. Hahaha!

After long years, nakuha ko na ang mala-heaveng combo 1. May java rice, sirloin, pancit at gravy! Combo 1. Arar-araw na laman ng aking tiyan. Di nagsasawa kahit may ano pa yan. Naman! Ang sarap parang balunbalunan. Harhar! Rhyming lang po.

Makakatakas na din ako sa makapit na amoy ng canteen. Makakaalis sa lugar na parang batong dinadaan-daanan na lang kapag kailangang kumain o magpalipas-oras. Bihira na ang makakapagsabi na favourite place ko ang canteen kasi relaxing o kaya naman conducive for learning. Nakakalungkot nga lang na kapag may nagka-cuting, siguro 50% noon makikita mo sa canteen, kung hindi don sa gym o sa labas.

Speaking of gym, vacant pala nila ngayon. At sigurado akong nasa bleachers sila. Wala naman ata silang ibang alam na tambayan kundi doon. At guilty ako na isa ako sa pasimuno.

CHAPTER 1

DEMANNU

Comments

  1. Nice. :) parang ang sarap ng combo 1 :)

    ReplyDelete
  2. bwahahahaha. what about the style? words? punctations? hahahaha

    ReplyDelete
  3. Notice: yung next chapter para na lang sa nagcomment. salamat bwahahahaha

    alam kong panget to hahaha

    ReplyDelete
  4. try to read ricky lee's novel, para kay B. malaki ang maitutulong nun sa'yo.

    ReplyDelete
  5. familiar un mga pangyayari sa chapter1. heheh. parang i've seen it sa real life. magaling.!!=)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT