saying goodbye to childhood (..wave..)

maraming magbabago. maraming maiiba. expectations. responsibilty at maturity. hindi naman necessary itong post na ito. hindi ko planado. pero parang lumabas na lang sa utak ko. why not make it a substance.

iba na hitsura. iba na ugali. iba na yung outlook. at iba na ang halos lahat ng bagay. at hindi ko masisisi ang panahon kung bakit ganoon ang nangyari. oo. marami rito ang di ko gusto pero sa tingin ko mas marami pa rin ang dahilan kung bakit ko kailangan mahalin ang buhay.

oo. hindi. baka. siguro. ewan. hindi ko talaga alam. ang daming tanong sa buhay pero hindi mo alam iilan lang naman ang pwede mong ipangsagot. kahit gaano pa kakomplikado ang lahat, simple lang ang solusyon. ang mahirap kung paano makukuha ang solusyon.

ako. ikaw. tayong lahat. biktima at salarin. walang inosente. walang malinis. lahat madumi. in any way you look at things, may naagrabyado. may natatalo. hindi naman pwede sa lahat ng oras may tabla. ikaw. pwedeng nasaktan mo ako. at pwede ring nasaktan kita. patas?

hindi! gaano kalala. gaano kasama. maliit. malaki. mabigat. magaan. nakasakit ka pa rin. ako. lahat. may problema? wala. normal lang makasakit. imposible ang hindi makasakit. lalo na ang magkamali. tao lang.

tao? ang hirap idescribe. napakacomplex kasi e. sa tipong pag-ibig lang ang gulo na. paano pa sa iba? ewan. parang wala namang rules. what you feel is what you show. gara. bakit ang physics may laws. sa geom may theorems at postulates. ewan.

emosyon. napakaunpredictable. minsan tatawa. minsan iiyak. magagalit. ma-eewan. aba. malay ko. nakakasakit lang ng ulo. di mo tuloy alam ang gagawin mo para di makasakit. para makapagpasaya. ang gulo.

napakasubjective ng tao no. ok lang kung minsan at least may considerations. pero, parang mas magara e. gusto nila yung nakakabenefit sila. ayaw nila yung nasasaktan sila. yung naagrabyado pero gustong gusto yung sila yung nagbebenefit. futch!

time. oras. di ko alam kung ano yung importansya niya dati. elem ako, gusto ko na sana tumanda na ako. yung makatapos. pero ngayon gusto ko sana matagal yung oras sa college. pero ayoko na matagal as in delayed. gara ko no.

pag-aaral. parang andali lang. pero nakakatamad minsan. gusto mo yung course pero yung prof. hindi. wala ka namang magawa. ayun. naniwala tuloy ako na hindi lang sa estudyante ang dahilan kung bakit sila bumaba ang grade at bumabagsak.

priorities. oo. alam ko na to. dati ako si oo. lahat gustong magpabibo. sa lahat ng okasyong kelangan present o may partisipasyon. kundi man may kontribusyon. pabibo ba. ganong tipo. pero nag-iiba talaga siya.

ngayon. i prefer to do my own. my things. my passion. di ko trip kung ano sabihin nila (o niyo). my priorities are set. as of this moment, di pa siya magbabago. fulfilled ako. walang pakielaman.

kontrabida. di sila mawawala sa buhay ninuman. ako madami. nagtext nga e. nagpm naman yung iba. ako lang naman ang nakakaalam. masama ba? oo. pero akin na lang. di ko sila trip pero i keep my friends close and my enemies closer. XD

bida. syempre tayo yun sa buhay natin. pakielam nila. basta sa buhay ko ako bida. at sayo ikaw. supporting lang ako sa iyo at ikaw sa akin. pero pwede din sana na maging hero kita at hayaan mo akong maging hero sayo. otherwise. hahaha

confessions. di naman ako lasing. pero importante din ito kasi nagpapaluwang sila ng damdamin. pero kung sa tingin mong magpapalala lang ng sitwasyon, siguro wag na lang. may mas maganda pa namang paraan ang mga bagay.

friends. importante sila. mas masaya sana kung may bff ka.o kahit hindi basta may makakausap ka sa oras na kelangan mo sila. pwedeng maiyakan. pwedeng awayin kapag kelangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

lovers. romantically, pwede naman wala pa. pero mas masaya sana kung meron. pero hindi naman ganon kaimportante ang lover. haha. basta may trust magwowork naman ang relasyon. ewan, tama ba?

family. salamat. i need them so much. kahit anong mangyari sila yung taong sasama sa akin hanggat andyan sila. mahal na mahal ko ang mga magulang ko. pinalaki nila ako ng maayos. salamat. ^_^ di man lahat ok, basta we're together, ok na.

classmates. nakoo. anong aasahan mo sa kanila? kwela. naman. ewan. kasama sa araw araw ng hirap at sarap. kwentuhan. chikahan. aral kuno. sleep overs. gimiks. movie hoppings. summer getaways. name it. love it to do with them.

elementary buds. ano pa ba? sila yung makakakila sakin kung paano ako magreact sa bawat bagay. hindi pa ako controlled noon. kung paano makipagaway. kung paano makipagasaran. kung paano lahat.

high school. naku. tampo ako sa kanila. basta. hahaha. (baka baligtad) hindi ko na sila nakikita. nakakamiss sobra. lahat ng practices. lahat ng open forums. lahat ng kadramahan. lahat ng kaweirdohan.

sila yung mga taong makikilala ako kung paano ako magreact ng spontaneous. hindi nag-iisip. natural. controlled na konti pero kadalasan hindi. kung paano magmahal. masaktan. tumawa. umiyak. dito ko naranasan, sa kanila.

college. naman. high school the best diba. pero college, i like it also. parang hs lang din. pero parang medyo nakapag-invest ako ng konti sa kanila. sa kanila ko natutunang tumawa sa lahat ng mali, kapalpakan. at nega.

sila yung kilala ako bilang isang taong quite controlled. magaling umarte. haha. masayahin. ewan. yung na naman yung naproject ko. sila yung makakapagsabing pilantropo ako. hahaha. kahit hindi. in short lokohan.

gamit. oo. salamat sa mga gamit ko. minahal ko kayo. cell phones. laps. at iba pa. si gigicam pa pala. lahat kayo. salamat dahil may maaalala ako sa pagtanda ko.pics vids recordings lahat. mamimiss ko ito.

profs. they make or break me. salamat kay mam hamilton (slhs) engr cervantes (ce) mam sabino (math) dahil in your own little ways. binago niyo ako. kung sakaling mabasa niyo to. salamat. di ko kayo lilimutin.

profs ulit. sa lahat ng mga mababang magbigay. pahirap sa buhay at pa-terror in short pa-star. mas salamat sa inyo. kung hindi dahil sa inyo hindi ako matututong lumaban sa buhay at maniwalang pagkatapos ng bagyo may bahaghari.

aking bituin. maningning ka. oo. di mo lang alam. sobra. kahit malayo ako kitang kita kita. maliwanag. marami mang tumitingin. hahaha. umaabot. ayos lang. hindi ko alam kung kanino ka nakalaan pero salamat.

sa musika ng buhay ko. sa saliw at tunog nito. magpapatuloy ang buhay. tumigil at tumindi man ito. sa init o sa lamig. patuloy lang sa paglago. sa kahit anong panahon. payapa man o maalon ang dagat. humuhupa din yan.

GOD. to my GOD, di lang thank YOU ang karapat dapat. IKAW ang nakakakilala sa akin more than anything. IKAW lang ang nakakaalam. ng buhay ko at kapalaran. magtitiwala ako hanggang malaman ko ang katapusan.

sa mga makakabasa nito. sa lahat ng nais makabasa. pahalagahan mo ang bagay na gusto mong makasama at makamit pa. kung ano man ang kailangan mong pagdaanan. kailangan mo yan.di ko alam kung bakit. basta makakatulong sayo yan.

ang bawat magandang simula ay may katapusan. tragic. happy ending. ikaw na ang bahala, my story is just to start. i'm planning to make you part of my story. whatever role it is. my novel is yet to be a good one.

Comments

  1. Gusto ko ang spontaneity ng post na ito. :)

    ReplyDelete
  2. really?? bakit? hindi ko nga naintindihan yung post ko hahahahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT