pre-occupation
sa wakas. nagkaroon din ako ng pagkakataon at lakas ng loob para harapin ang page na ito ng multi. oo. kinakabahan ako. hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. masaya ba dapat ang sasabihin ko. malungkot? o simpleng kung ano ang nararamdaman ko ngayon? hindi ko alam.
ang utak ko ay gulong-gulo. halo-halo. parang yung laman ng tiyan ko kaninang tanghali. pepsi. melon milk. mineral water. juice. wheat bread. garlic butter.
nag-ja-jive masyado ang mga pagkain. parang kung ano man ang nasa utak ko ngayon. grades. nobela. jamlegend. para kay b. grades. nobela. jamlegend. para kay b. grades. nobela. jamlegend. para kay b. grades. nobela. jamlegend. para kay b. grades. nobela. jamlegend. para kay b. grades. nobela. jamlegend. para kay b. at ang init na dulot ng panahon.
ang weird ng realization ko kanina habang pumipila kami sa tapat ng physics department.
************************************************************************************************************
kwento ko ha.
ang nangyari ay ganito. 8.30 palang nasa mit na ako. umaasa na makakauwi ng maaga at makakapagliwaliw sa sm, trinoma o kahit saang mall na makakapagbigay sakin ng panadaliang kaaliwan.
mukhang ayaw ng tadhana.
it's fate. dinala ako sa third floor. umaasa na pwede nang buksan ang pinto ng pag-asa at malaman ang kapalaran. kaso napakamapaglaro nito. may papel na dudurog sa plano. 10-12 verification.
naman! di ko pa tinatanong may sagot na. nagtext naman si bev at sinabing nasa canteen siya.
ang paa ko ay dinala ako sa may canteen. ang mata ko itinuro si angel na nag-iisa. nilapitan ko at kinausap. nakita ko si bev. lumipat kami sa upuan nila.
later, nagtext si sir cervantes para mas durugin ang basag ko ng plano. 1:00 pm pa daw siya darating.
ang mga lumipas na oras ay nangyari ng lutang ang isip ko. lutang lutang lutan tang tang tang.
nang papalapit na ang 10. umakyat na kami. mabagal. mahinahon. pero kabado. sana pasa. sana okay lang.
gawa ng inaasahan. maraming tao. wala pang prof. wala pa si sir jimenez. wala. amazing. may meeting. ibig sabihin wait lang kami.
*************************************************************************************************************
dumating na ang oras ng paghuhukom. kung paano ka masasabitan ng medalya. kalabasa ba o gintong kalabasa? kung paano mo kukumbinsihin ang sarili mong ayos lang ang lahat. aja!
nakapila na ang karamihan. naisip ko lang na pila ito sa audition. may audition piece. kakanta. talent show. at depende sa talent mo ang kalalabasan. yes or no.
bigla na lang silang umentra. american idol daw. at pag labas, ahemm. welcome to physics 4!
*************************************************************************************************************
may cinut na akong part. ayokong ma-frustrate. ayokong ma-pressure. fast forward. advance.
sana may ganitong feature ang buhay. for sale. saan? pwedeng bilhin?
wow. physics4 ka na. galing galing talaga.
ReplyDeleteweh. hahahha. ambaba naman ng gwa ko .ahahahaha. dadaan ka din dyan. kaya mo yan.
ReplyDeleteou kakayanin ko. sasabayan kita grumaduate.hahahah
ReplyDeleteyehes, that's the spirit :D
ReplyDelete