11 - 10 = 1

tingin ko kailangan kong magpost ngayon. hindi ko alam kung bakit. para kasing may koneksyon kami ng page na ito. kapag hindi ko ito nakikita, nanghihina ako. kapag nakikita ko siya, para naman kaming likes charges na nagrerepel sa isa't isa.

hindi ko alam kung paano ako nakakatulog sa nagdaang linggo. napakadaming dapat gawin. sobra. napakadaming kailangang ipasa. napakadaming pressures na kailangang harapin. quizzes. portfolios. lectures. at marami pang requirements. hanep talaga ang school. akalain mo nga namang demanding sila. mas demanding pa sa mga syota. sa girl friend. sa magulang. grabe. kakainin ang oras mo na parang kumunoy na kapag tumapak ka kung hindi ka maabilidad e kakainin ka na lang ng sistema. hanep. hanep ang comparison ko.

kung tutuusin wala naman masama sa pagiging demanding. demanding ka din naman a. wag kang mag-deny. ako inaamin ko demanding din ako. pero in moderation lang buddy. yes. key to success?? moderation. lahat naman ng bagay basta in moderation ayos.

pero sa tingin mo, in moderation pa ba ang tambak na school works? hindi. tambak na quizzes, seatworks at battery tests? hindi. ang tambak na recitation, reports at field works? hindi.

bakit parang conflicting ang mga pinagsasabi ko kanina. ganyan naman talaga ang buhay. may conflict. tama? sa mga pinaniniwalaan mo pa lang. marami nang kokontra. eepal. magpapastar na alam ang lahat ng bagay.

may masama sa conflict? wala. masaya nga ang conflict kung minsan. makikita mo kung sino ang sino. ano ang ano. kung pano gumalaw ang isang tao kapag unexpected ang problema. kung paano siya magrereact sa pinakamasaklap na bagay? magpapakain na lang sa problema o lalaban ang magpopopopoker face na lang?

conflict. di lang sa sched pati sa utak. mas lalo na sa attitude. towards sa ibang bagay iba ang approach ko sa approach ng iba. marahil magulo pero oo magulo ang post na ito. hindi ko alam ang patutunguhan. ang mararating. mas lalo na ang katapusan.

katulad ng lahat ng bagay sa mundong ito, ang bawat saya may kaakibat na lungkot. the same way na ang kulot uunat sa takot. matatapos lahat ang ebolusyon na magaganap. change? matatapos din yan. pano ko nalaman. basta.

sa tambak na school work. sa eleven na dapat kong gawin this week. (note: hindi lang simpleng item ang bawat isa. vital lahat. leave one behind and you'll see your first blood) isa na lang ang natitira. i won over eleven mountains.

nanalo man o hindi. bakit? masamang lumaban. kahit minsan lang? walang batas. walang kalatas.

magulo ang utak ko ngayon. madaming iniisip pero i reserved few neurons for this post and for the succeeding tasks.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT