Definitely Last Chance


May mga taong masuwerte. May mga taong malas. At may mga taong sadyang nakatakda. Nakatakdang masaktan. Nakatakdang magmahal. Sa unang pagkakataon. Hanggang sa pinakahuli.

 

“Wala pa ba si Buds?”, tanong ni Marc. Medyo aburido. Pero kalmado pa rin naman. Habang nasa harap ng inventory, tumitingin siya sa mga customers. Merong tatlong customers doon. Hindi sila magkakakilala. Magkakalayo ng upuan.

 

“Wala pa po, sir.”, sagot ng isang tauhan niya. “Konti pa lang naman po ang customers, kaya ko pa naman.”

 

Hindi na sumagot si Marc. Alam naman niya na kaunti lang ang customers. At hindi pa naman inaasahan na dadami ng sobra ang customers sa ganoong oras.

 

Matapos ang ilang minuto dumating na ang mga kaibigan ni Marc. Dalawang lalaki. Medium built. Isang moreno. Isang mestiso. Parehas namang may itsura. Pero iba si Marc na iba na ang tindig. Tipong matured na. At alam na ang pasikot-sikot ng buhay.

 

“Oh, pare! Pasensya na di ako pwede kagabi e. Gusto mo ngayon na lang?”, pabirong sabi ng kaibigan ni Marc. “Oo nga e. Busy sa babae 'tong kaibigan natin e.”, dagdag pa ng isa.

 

Pagkatapos maayos ang inventory, pumunta na siya sa mga kaibigan. “Paul, sabihan mo nga yang kaibigan natin baka mahuli yan hindi natin mapigilan mga babae niya.” Umapela si Rico, “Sobra ka naman. Hindi naman ako chickboy e. Sakto lang” Sabay tawa.

 

Parang maayos lang ang pag-uusap ng barkada. Medyo maingay. Pero ayos lang. Hindi naman sila nakakaabala sa iba. May kanya-kanyang ginagawa at inaasikaso ang iba.

 

Sa hinaba-haba ng asaran, napunta na sa seryoso. Nanguna na si Rico. “Pre, bakit ka ba nag-aaya kagabi?” “Seryoso na ba?”, tanong ni Marc. “Oo. Sige. Kwento mo na.”, dagdag ni Paul.

 

“Kasi, ayoko nang mahirap siya.”

 

“Sino? Si Tin?”

 

“Bakit?”

 

“Alam niyo naman diba. Parehas lang kaming mahihirapan.”

 

“Sino bang mas nahihirapan? Hindi ba ikaw?”

 

“Oo. Alam ko yun. Pero…”

 

“Ano ka ba?”

 

“Kung mahal ka niya, handa siyang masaktan.”

 

“Mahal ko nga siya, kaya ayoko nang masaktan ko pa siya.”

 

“Paano ba? Anong nangyari?”

 

“Last night, I was thinking na magpopropose na ako sa kanya. I thought of moments na may pamilya na kami. Having kids. And living life together. Pero, reality check.”

 

“Ano ka ba?!”

 

“We were supposed to have a dinner. Then, before we start, I told her that I am letting her go.”

 

“Anong sagot niya?”

 

“Siyempre ayaw niya. She told me na kaya niya kahit anong mangyari after days, weeks, months, years, decades even longer.”

 

“Ayun naman pala e.”

 

“Pero, I insist. Hindi dahil hindi ko na siya mahal. But, because na mahal na mahal ko siya.”

 

“Ikaw naman pala nakipagbreak. Bakit mo kami tinawagan?”

 

“Aba. Loko ka ah.”

 

“Joke lang, pre.”

 

“Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko. Alam kong tama pero ansakit.”

 

“Iinom na lang natin yan.”

 

“Loko!”

 

“Ng kape. Ng tubig. Ng gatas. Ano bang nasa isip mo?”

 

“Wala!”

 

Nag-kwekwentuhan lang sila. Kwentuhan parang walang simula at katapusan. Kwentuhan ng mga magbabarkadang mukhang matagal hindi nagkikita. Kwentuhang walang dull moment.

 

Hanggang sa bumalik sa seryoso ang tema.

 

“Ano na bang balak mo, Marc?”, tanong ni Paul.

 

“Wala. Bahala na.”, sagot niya.

 

“Saan ba kasi yang tanong mo? Linawin mo kasi.”, sabi ni Rico.

 

“In general.”

 

“Wala. Alam ko yang tono ng pananalita mo.”

 

“Magkalinawan nga tayo. May babae ka ba?”

 

“Wala ah.”

 

“Wala ka nang balak balikan si Tin?”

 

“Hay. Wala na.”

 

“Maganda yan. Ako na lang didiskarte don. Ayos lang, pre?”

 

“Gago! Walang ahasan, pre!”

 

“Joke lang. Mas trip ko yung ate niya.”

 

“Ako rin. Hot non!”

 

“Basta, back off with Tin.”

 

“Sige. Pero may idea ako.”

 

“Ano yan?”

 

Nagkatinginan sina Paul at Rico. Nagkaintindihan ang dalawa.

 

“Wala. Laro lang.”

 

“Anong laro?”

 

“Dare.”

 

“What dare?”

 

Biglang may pumasok na apat na babae. Wala pa rin si Buds. Busy naman si Ray habang inaasikaso ang ibang customers.

 

Umupo na sila malapit sa may pinto. Pumunta kagad si Marc sa kanila para ibigay ang Menu. Nginitian sila ni Marc. Tumayo siya malapit sa kanila. At kinuha na niya ang orders nila.

 

Ayos naman si Marc. Matangkad. Fair complexion. Clean cut. Ayos naman ang porma. Kaya siguro parang tinutukso si Marc sa isa sa kanila. Pagkatapos makuha ang order, bumalik sa siya sa kaibigan.

 

“Kung mapapasagot mo yan?”

 

“Sino?’

 

“Yun oh.”

 

“Yung naka-stripes.”

 

“Kung magawa ko?”

 

“I’ll back off with Tin.”

 

“Game?”

 

“Game.”

 

“Ayos.”

 

“Teka, mukhang mahirap atang mapasagot yan a.”

 

“Walang bawian. Parang di ka lalaki nyan e.”

 

“Bahala na.”

 

Dinala na ni Marc ang order nila. Nginitian niya yung babaeng naka-stripes. Parang tinitingnan niya kung ano ang chances niya sa kanya. Hindi naman siya nagbibigay ng motibo. Mukhang malabo.

 

Pinagmamasdan ni Marc yung babaeng naka-stipes. Maganda siya. Mahaba yun buhok. Mapungay yung mata niya. Deep set. Sakto lang yung tangos ng ilong. Parang anlambot ng labi niya. Pero, parang malungkot siya. Hindi lang niya alam kung bakit.

 

Sumenyas ang kasama ng babaeng naka-stripes para sa bill nila. Lumapit na si Marc sa kanila. Baka ito na yung last chance na makita niya ang babae. Kaya hindi na niya inaksaya ang pagkakataon.

 

“Miss, can I get your number?”

 

“Sorry?”

 

“Can I get your number?”

 

“Sorry, I think this is kinda awkward.”

 

“Girl, angharsh mo naman. He is just asking for your number. Pwede mo naman ibigay yung number ko kung ayaw mo.”

 

“Hindi. Ok lang. I hope you enjoy our food.”

 

Umalis na siya. He was neither upset nor happy.

 

“Alice, hindi mo ba siya type?”

 

“Type. Pero.”

 

“Wala ng pero pero. I’m gonna write your number and name sa receipt.”

 

“Wag. Baka parang mga ex ko lang yan. Kasing tipo niya yun e.”

 

“Mukhang hindi na naman siya interesado sayo. Hindi na siya tumitingin dito simula kanina e.”

 

“Mas okay nga yun e.”

 

“If he texted you, then it must be destiny.”

 

“Maybe. Baka di na niya pansinin yung receipt.”

 

Umalis na sila. Umalis na rin ang pag-asa niya sa dare. Umupo na si Marc sa mga kaibigan niya. Nililinis na ni Buds ang table. Nakita niya yung tip at resibo.

 

“Sir, naiwan nila yung resibo.”

 

“Resibo lang naman yan e.”

 

“May nakasulat po e.”

 

“Ano?”

 

“Alice tapos may number.”

 

Natuwa si Marc. At kinuha kagaad ang resibo. Natuwa rin ang mga kaibigan niya. Hindi na niya nahintay ang paglayo nila. Tinawagan niya si Alice.

 

“Alice?”

 

“Yes? Who is this?”

 

“Marc.”

 

“Ah. Yung waiter kanina?”

 

“Yup.”

 

“Ah.”

 

“So, busy ka mamaya?”

 

“Hindi naman.”

 

“Dinner?”

 

“Okay lang.”

 

“Saan ka ba? Para masundo kita?”

 

“Sa EC Building near Crossings.”

 

“Sige. Be there mga 6 PM.”

 

Ambilis ng pangyayari. Dalawang tao na hindi magkakilala. Pero parang may nangyari na lang bigla.

 

Nagpatuloy ang restaurant. May dumarating na customers. May lumalabas. People come and go.

 

Pumunta sila Rico at Paul sa workplace ni Alice. Kinausap. Medyo seryoso.

 

“Alice?”

 

“Yes? What can I do for you?

 

“I am Rico. Friend kami ni Marc.”

 

“And?”

 

“I know this is really strange. Pero, I hope you could us a favor.”

 

“Ano ba yun?”

 

“Please don’t get offended. Sana sagutin mo si Marc.”

 

“Bakit? Hindi pa nga nanliligaw e.”

 

“Basta. We’ll tell you within a week.”

 

“Bahala na.”

 

“Please. Para sa kaibigan namin.”

 

Tuloy ang buhay. Patuloy sa pag-ikot ang mundo.

 

Naghihintay si Marc sa labas ng building. Twenty minutes na siyang naghihintay. Pero okay lang. Mga 6:10 bumaba si Alice.

 

“Saan ba gusto mong kumain?”

 

“Okay lang ako kahit saan.”

 

“Ano bang favorite mo? Siguro doon na lang tayo.”

 

“Take me anywhere. Marunong naman ako ng martial arts.”

 

“Awww. Hindi ko naman gagawin sayo yun e. In the first place, di tayo ganon magkakilala.”

 

“Mabuti nang malinaw.”

 

“Ano bang gusto mong food? Japanese? Korean? Chinese? Italian?”

 

“Kahit saan basta romantic.”

 

“Bakit kelangan romantic?”

 

“Siyempre, first date natin to. Wala namang babae na ayaw ng ganon.”

 

“Teka, bakit ganyan na yung topic? Kinausap ka ba ng mga mokong na yun”

 

“Hindi ba ako ganoong ka-convincing?”

 

“Siguro.”

 

“Ano bang meron? Para saan yan?”

 

“Napaka-inappropriate naman sa kalye kita kinakausap. Napakaganda mo naman para sa kalye kausapin. Haha.”

 

“Nambola ka pa.”

 

“Tara.”

 

Hindi na nagtanong si Alice. Pumunta na lang sila kung saan man sila dalhin nh pagkakataon.

 

“Para saan ba kasi ang pagsagot ko sayo?”

 

“Ganito kasi. I broke up with my girlfriend last night. Para di diskartehan ng mga mokong na yun yung ex ko, binigyan nila ako ng dare. Dahil mahal ko yung ex ko, I’m willing to do it.”

 

“Ikaw nakipag-break? Weird mo naman.”

 

“Basta. Mahabang kwento. Yun yung pinaka-thought ng mga nangyayari.”

 

“Fine. Mukhang mahaba nga. Ayaw mong ikwento e.”

 

“Let’s make it official.”

 

“Will you be my girlfriend?”

 

“Yes.”

 

“Andali naman. Haha.”

 

“Madali naman akong kausap e.”

 

“Let’s go somewhere.”

 

Hindi na rin siya nagtanong. Masyadong mabilis ang mga nangyari. Sobrang bilis hindi ko na maabutan.

 

Habang on the way,

 

“Paano ko kaya makikilala ang girl friend ko?”

 

“It’s so funny na kanina lang tayo nagkakilala and now, we are acting like na tayo na.”

 

“Pwede ko bang mahiram ang oras ng girl friend ko?”

 

“Bakit saan mo gagamitin?”

 

“Para mas makilala ko pa siya.”

 

“Ayos lang. Parehas naman tayo na mawawalan e.”

 

“I mean up to morning. Okay lang?”

 

“Bahala na. Siguro kung masaya kang kausap baka kahit hindi na ako pumasok bukas. Ha! Ha ! Ha!”

 

“Hindi naman.”

 

“Or I could spend the rest of my life with you.”

 

Pabulong niyang sinabi. “Malabo.”

 

“Ano?”

 

“Wala. Sabi ko sana.”

 

“Saan mo ba ako balak dalhin?”

 

“Hindi ko nga alam e. Wala naman kasi akong alam sa’yo e. I don’t know kung sa fast food or cuisine kita dadalhin.”

 

“Para di ka mahirapan, ipagluto mo na lang ako. Okay?”

 

“Ayos lang. Just help me. Para di ka mainip.”

 

“No prob.”

 

Nagmaneuver si Marc papunta sa condo niya. It was just near sa office ni Alice. Pero medyo malayo na sila doon. Non-stop ang kwentuhan. Cinocompress nila ang 25 years sa loob ng ilang oras. Mahirap pero nakakatuwa.

 

Parehas silang 25 years old. Single. Si Alice by choice. Si Marc kakabreak lang. Both came from a well-off family. Tapos na sa pag-aaral. Yung isa engineering. Yung isa business ad. Nasa Canada ang parents ni Alice. Sa Pinas naman yung kay Marc. May business sila dito.

 

Andami nilang napag-usapan. Tungkol sa pamilya ng bawat isa. Tungkol sa mga kapatid ni Marc. Si Marc ang panganay at meron pa siyang dalawang kapatid na babae. Tungkol sa mga magulang ni Alice. Tungkol sa trabaho nila sa Canada. At tungkol sa planong pag-alis niya sa Pinas. Tungkol sa mga kaibigan nila. Tungkol sa lahat ng bagay pero hindi pa tungkol sa kanila.

 

Napaka-strange for a girl na sumama sa isang lalaki na hindi pa niya kilala or sa isang guy na he just met hours ago unless flirt yun. Mukhang hindi naman ganoon si Alice. She’s composed. Well mannered. Refined.

 

Dahil siguro may rin itsura naman si Marc. Actually, they look good together. Parang anggandang casting sa isang pelikula. Kaso parang wala pang spark. Walang magic. Walang kilig.

 

Kapag ngumingiti si Marc parang ansaya saya niya. In the same way na parang sumasaya si Alice habang kasama si Marc. Nawala yung lungkot sa mata niya.

 

Nadedevelop na siguro si Alice. Baka si Marc din. Hindi lang nila kayang ipakita. Hindi lang din siguro nila napapansin.

 

Nang makarating  na sila sa building ni Marc,  nagpark sila sa 5th floor. Bago pa man patayin ni Marc ang makina ng sasakyan lumabas siya para pagbuksan si Alice. May kasama pang pag-alalay sa kamay iyon.

 

Parang ambilis. Kanina parang ayaw ibigay ni Alice ang number niya ngayon ay magka-holding hands na sila. Siyempre hindi pa yung intimate na hawak. Tamang holding hands lang.

 

They take the elevator up to 18th floor. Umakbay naman si Marc habang nasa lobby. He opened the door for her. Medyo magulo ang unit ni Marc. Pero usual naman para sa isang Yuppie na tulad niya.

 

He offered drinks for Alice. Nakita niya yung mga chocolates para kay Tin sa fridge niya. Naalala niya si Tin. Pero, binigay niya kay Alice. She ate some without knowing na it was for somebody else. Nothing unusual happened.

 

“You like chocolates?”

 

“Not really.”

 

“Bakit meron ka nito sa fridge mo?”

 

“Para sa girl friend ko yan. I mean ex.”

 

“Aww. Akala ko ba tayo na?”

 

“I know. Wag ka nang magalit. Let’s just enjoy this night.”

 

“Tell something about her.”

 

“Sino?”

 

“Yung ex mo.”

 

“Wag na. This would not help.”

 

“Sige na.”

 

“Wag na. Let’s just make new memories. He! He!”

 

“Magkwento ka na kasi.”

 

“Ikaw muna.”

 

“Anong ikukwento ko?”

 

“Pansin ko kasi anglungkot mo kanina. May problema ka?”

 

“Wala naman. Simpleng pagdadrama lang ng mga babae. Tipong bakit lahat ng mga lalaking napupunta sakin manloloko.”

 

“Ah. Hindi naman ako manloloko. I guess you have found your match.”

 

“Tapos na ko. Ikaw naman.”

 

“I’ll reserve it at the end of the day. He! He! He!”

 

“Andaya mo naman.”

 

“Ipagluluto ko na ang girlfriend ko.”

 

“Sige. Gutom na ko.”

 

“Medyo matagal to. Simulan na natin.”

 

“Ano ba ipeprepare mo?”

 

“Pasta?”

 

“I love Italian cuisines so you better do your best. He! He!”

 

“It’s on.”

Niluto na nila ang pasta. The key to prepare a good pasta is time. Kelangan hindi minamadali. Kelangan low fire. Para sakto ang luto. Aldente.

 

Buti na lang may stock si Marc sa unit niya ng ingredients. Otherwise, binili niya sa convenience store sa baba ng building. Si Alice ang in-charge sa paghiwa ng mga ingredients. Si Marc naman ang sa pagluluto per se.

 

It must a combination of butter and oil. Oil alone would be dull. Pag butter lang baka masunog. Hindi rin dapat nakasukat ang mga ingredients. Mas maganda kapag depende sa feelings at emosyon mo. Kapag masaya ka, masaya rin sila. And, the rest will follow.

 

Naluto na nila ang pasta. It took some time pero just enough para sa lahat ng bagay. At oras na para tikman nila ito.

 

“Based on the presentation, it is good.”

 

“Tumulong ka dyan eh.”

 

“Based sa lasa, it is…”

 

“Ano?”

 

“P…”

 

“P… ???”

 

“Perfect.”

 

“Really?”

 

“Sarap palang magluto ng boyfriend ko.”

 

“Is this the first time na tinawag mo akong boyfriend mo?”

 

“Yata.”

 

“Kain ka na.”

 

“Sure. I love this.”

 

“Nakakatuwa ka naman tingnan.”

 

“Bakit?”

 

“Gusto ko sa babae yung hindi nahihiya kung paano siya kumain.”

 

“Parang ganito?”

 

“Oo. Patweetums pa.”

 

“You know what.”

 

“Ano?”

 

“Parang ansarap mong kasama. Parang wala akong problema. I kinda like it with you.”

 

“Nako. Wag ka masyadong masanay baka hanap hanapin ko. Ha! Ha! Ha!”

 

“Ano nang plano mo?”

 

“Wala. Anything goes.”

 

“Wow. Spontaneous. It’s one of my turn offs. Yung walang plano. Pero ikaw, you presented it the way na magugustuhan ko. Ha. Ha. Ha.”

 

“Bolahan ba ‘to?”

 

“Hindi naman. Iyon ang napapansin natin sa isa’t isa e.”

 

“You know how to dance?”

 

“Sort of. Pero, hindi ako magaling.”

 

He played So Close by Jon McLaughlin.

 

“Napanuod mo yung movie?”

 

“Oo. Kasama ko yung pamangkin ko.”

 

“Ako, yung ex ko.”

 

“What about him?”

 

“Wag na. I am enjoying this dance.”

 

Natapos na ang kanta at tuloy lang sila sa pagsayaw. Hanggang sa magkatitigan silang dalawa. No words were spoken. But, something is being said. Not my mouth. But, by the heart.

 

Ayos ang weather sa gabing iyon. Hindi maulan pero hindi rin maulap. Just enough para sa binabalak ni Marc.

 

They went down sa 10th floor. Andun yung pool area. Nagdala si Marc ng drinks. Kahit bawal yun, hindi naman siya sisitahin.

 

“Ano bang plano mo sa buhay?”

 

“Hindi pa ako sigurado. Basta, ayoko pang mag-settle down. I’m on my peak.”

 

“Ah.”

 

“E ikaw?”

 

“Ako? Wala na. Kung ano na lang ang ibato ng tadhana.”

 

“Hmmm. Parang may laman yang sinasabi mo.”

 

“Wala. Inom ka na lang.”

 

“Baka naman nilalasing mo lang ako.”

 

“Hindi ah. Baka kasi makita ko ang tunay na ikaw kapag lasing ka na. Ha. Ha. Ha.”

 

“Tingin mo ba joke time lang to?”

 

“Hindi naman.”

 

“So, what was the craziest thing you did when you were drunk?”

 

“I din’t remember. Siguro, matagal lang talaga ako malasing.”

 

“Daya naman.”

 

“Ikaw ba?”

 

“Lahat ng tao hinahalikan ko. To the extent na kahit sino.”

 

“Wow. Gusto mo pa?”

 

“Take advantage ka naman.”

 

“Hindi. Joke lang yun.”

 

Masayang usapan. Masayang kwentuhan. Nangangapa kung ano ang dapat sabihin. Pero unti-unti na nilang natututunan ang ugali ng bawat isa.

 

It’s turning 1. Wala pa namang lasing. At hindi pa rin sila nagsasawa sa isa’t isa. Wala paring katapusan ang kwentuhan.  Wala paring gusting magpahinga. They want to share the day with each other.

 

Lumalalim na ang lahat. Lahat ng usapan. Lahat ng bagay. Lahat ng nararamdaman. Lahat. Lumalalim.

 

“Hypothetical question.”

 

“Hmmm. Ano yan?”

 

“What if may mahal ka. Mahal mo sobra. Pero he would only have a day. Anong gagawin mo? Would you set him free?”

 

“Ano ba yan? Ang morbid mo!”

 

“Hypothetical nga diba.”

 

“Hmmm. Ano nga ba?”

 

“Mahirap bang sagutin?”

 

“Hindi naman. Ayoko kasing isipin. Parang mahirap mangyari. At kung mangyayari man baka di ko kayanin.”

 

“Di mo naman sinagot.”

 

“Haha! Siguro I’ll do everything na mamimiss ko.”

 

“Selfish?”

 

“At lahat ng gusto kong maalala niya.”

 

“…”

 

“Ikaw? Anong gagawin mo?”

 

“Hindi ko alam.”

 

“Daya mo naman.”

 

“Bakit ngayon lang kita nakilala? Sana noon pa.”

 

“Siguro dahil ngayon mo ako kailangan.”

 

“Siguro.”

 

“Drama mo. Mahal mo na ko no?”

 

“Paano pag oo?”

 

“Edi mahalin mo lang ako. Hindi naman kita pipigilan.”

 

“Is this still part of the dare? You’re believable.”

 

“I just want to be happy. Be in love again.”

 

“So you think I am the right person?”

 

“Maybe. Yes? No? I don’t know.”

 

“Bakit?”

 

“Andami ko nang beses nasaktan. Niloko. Iniwan. At ayoko nang maulit yon.”

 

“Totoo na to. Walang halong dare o joke.”

 

“?????”

 

“Will you be my girl friend?”

 

“Yes?”

 

“Hindi ko alam. Pero kahit ngayon lang tayo nagkakilala, I feel that my soul knows yours. Matagal na.”

 

“I thank God na ikaw yung waiter kanina. Ikaw yung i-dedare. Ikaw.”

 

Lumipas ang oras. Masaya sila. Mag-uumaga na. Pero andun parin sila. Hindi nalasing ng alak. Pero nalasing sa mga nangyari. Sa pag-ibig.

 

Nasa pool side. Parehas nakalublob ang paa nila. Si Paul nakaslant ang katawan habang nakatukod ang dalawang kamay. Nakasandal ang ulo ni Alice sa balikat ni Paul.

 

Unti-unting inalis ni Paul ang kaliwang kamay sa pagkakatukod at inakbayan si Alice. Nagdikit sila. At niyakap ni Paul si Alice ng mahigpit. Mahigpit na ayaw mo nang bitawan.

 

1. 2. 3. Bigla silang nahulog sa pool. Nagulat si Alice. Medyo naiinis pero kahit ganon nakuha parin niyang ngumiti. Nilulunod ang ulo ni Paul. Pero hinahawakan naman ni Paul ang paa ni Alice.

 

Hanggang sa nagpatagalan sila sa ilalim ng tubig. Ilang sandali pa. Umangat kaagad ang ulo ni Paul tila kumikirot ang tiyan nito. Napakasakit na nanghihina na siya. Namumutla. Nawawalan ng lakas. Pero nasa ilalim pa rin ng tubig si Alice.

 

Pag-ahon niya ang parang naibsan ang sakit. Nawala. Pero hindi maiaalis ang pagkaputla nito.

 

“Paul, okay ka lang?”

 

“Oo naman. May nakita lang akong palaka diyan malapit sayo.”

 

“Palaka?”

 

Nag-freak out si Alice. Nagpabuhat kay Paul. Binuhat niya hanggang sa unit niya.

 

“Gusto mo ng coffee?”

 

“Sure.”

 

Naglalakad-lakad si Alice sa kwarto ni Paul. Nakita niya yung pictures ni Paul. Umikot pa hanggang sa makita niya yung books ni Bob Ong. She browsed over his collections. Naintriga siya dun sa violet na libro. She ran sa kitchen. She asked kung pwede niyang basahin. He said yes.

 

While drinking coffee sa may terrace ng unit ni Paul, she is reading page number 17 ng may mahulog na letter. A part of the letter says,

 

“Kahit gaano man kahaba ang isang lingo kaya kong pahabain para sa’yo. Para sa atin.”

 

It was dated exactly one week ago.

 

She had no strength to ask questions. Kahit na andaming tanong sa isip niya. Kahit na gusto niya ng sagot. Kahit na.

 

Papalapit si Paul sa kanya. May dala siyang towel kapalit nong ginagamit niya.

 

“Palit ka ng tuwalya. Baka basa na masyado yan.”

 

He saw that she is reading the letter. Suddenly, he felt that she was acting strange. Di na ganon kakulit. Di na ganon kasaya. Di na.

 

“Paul, ano to?”

 

Di siya makasagot. Ayaw niyang malaman niya. Ayaw niyang masaktan siya. She is really special.

 

“Please.”

 

“Baby, I am dying.”

 

Tears roll down her cheeks. Burst of emotions. Emosyon na kanina pa gustong lumabas. Emosyon na ngayon lang niya naramdaman.

 

“Ang daya mo naman! Why make me fall in love with you kung iiwan mo naman ako.”

 

“Hindi ko gusto yun. It’s not my intention”

 

Umiyak lang si Alice.

 

“Kaya ko gustong makipaghiwalay sa ex ko. Dahil alam kong masakit na iiwan ko siya. Masakit dahil alam kong she has to live without me.”

 

“Alam mo pala. Bakit mo pa ako dinamay?”

 

“Hindi ko naman alam na mamahalin kita. At hindi ko gustong masaktan ka.”

 

Parang tumigil ang oras sa kanilang dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong gumalaw. Walang gustong umalis.

 

“Can I kiss you for the first and last time?”

 

“Wag mo naman sabihin yan.”

 

He held her neck. He stooped. He kissed her like no other. They kissed like it was the last. They kissed like they are sharing the rest of their lives together. Passionate.

 

He carefully laid her in bed. They are looking at each other. They are lying side by side.

 

“Hindi pa kita ganoon kakilala pero iiwan mo na ako.”

 

“You still have the day to know me. And I willing to spend it with the one I love.”

 

“Mamimiss ko yung mga titig mo sakin. Mamimiss ko yung mga ngiti mo. Mamimiss ko yung amoy mo. Mamimiss kita. Pwede bang wag muna.”

 

“Kung pwede lang, sana kanina ko pa hiniling.”

 

“Sana nga.”

 

“Sana pwedeng magpakasal ngayon.”

 

“Bakit?”

 

“Para pakasalan kita.”

 

“Willing naman akong maghintay.”

 

“Okay lang?”

 

“Na ano?”

 

“We’ll get married.”

 

“Ha? Sigurado ka?”

 

“Oo naman.”

 

She called her parents. She told them she’s getting married. Now. They were shocked but they were happy for their daughter. She called her friends so they could witness.

 

Few hours after, they get married. Simple ceremony. Simple. Very spontaneous. No time to celebrate. Time is so precious.

 

It was unusual time for honeymoon. But, they did it. They shared that moment with each other. They shared every firsts and lasts. They shared every moment. Intense. Emotional. Pure.

 

They learned everything about each other. What they did was sacred. They explored everything. They understood the A’s to Z’s of love. How to express it. How to show it.

 

It was afternoon. He drove her to her house. They both said goodbyes. That was a quick love but it would last a lifetime.

 

While driving, he called her and said, “I love you.”

 

She turned on the TV. She was so happy. She was browsing over the channels. And, a report came in. She cried.

 

A car was involved in a collision. The driver was dead. His phone was near him. He was supposed to send a message.

 

“You complete my life. Thank you for sharing a part of your life with me.”

 

We all have our chances. It is up to us if we hit it or blow it.

 

We all have our chances. People come and go.

 

We all have our chances.

 

After 18 years, things have changed. Lahat ng bagay nagbabago. Dumadaan sa wear and tear process. Umuunlad. May growth. Pero may natira. May nanatili.

 

“Paul, halika na.”

 

“Teka lang po mommy.”

 

“Halika nga dito.”

 

“Ano po kaya kung andito si daddy?”

 

“E di mas masaya. Baka may kapatid ka pa. Baka…”

 

“Mommy, wag ka ng umiyak.”

 

Parang kahapon lang ang lahat. Parang kanina andyan lang siya. Kapiling. Kasiping. Kaniig. Katuwang. At lahat ng masasayang bagay na pinagsamahan nila. Lahat ng detalye sa pagkatao nito. Lahat ng bagay. Sariwa pa.

 

Nararamdaman pa rin niya ang mga titig niya. Nakikita pa rin niya ang mga ngiti niya. Naamoy pa rin niya ang samyo ng pabango niyo. At ang pagmamahal niya ay hindi nabawasan.

 

Madalas kausap niya ang mga bituin. Umaasa na naririnig niya ito.

 

“Hindi kita makakalimutan, Paul. I know it was a short-lived romance. Pero it was pure. At wala akong balak kalimutan ka.”

 

“Mommy.”

 

“Paul, bakit gising ka pa?”

 

“Mommy, okay ka lang?”

 

“Oo naman.”

 

“Naiisip mo pa rin ba si daddy?”

 

“Hindi naman siya nawala sa isip ko.”

 

“Mahal mo talaga siya no.”

 

“Sobra. Halika nga dito.”

 

Kapag nagmamahal, walang pinipiling oras. Walang pinipiling pagkatao. Walang pinipiling lugar.

 

Kapag nagmamahal, hindi kailangan ng dahilan. Hindi kailangan ng paraan. Hindi kailangan ng pagkakataon.

 

Nagmahal ka na ba? Paano kung huli na? Paano kung hindi pa siya? Susuko ka na? O ipaglalaban mo lang?

 

“I know it was our last chance. Kaya ko pinili maging masaya.”

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT