Para Sa'yo
Para sa iyo.
Para sa akin.
Para sa lahat.
Para sa lahat ng nagmahal.
Para sa lahat ng nagmamahal.
Para sa lahat ng napagod nang magmahal.
Para sa wagas na nagmamahalan.
Para sa wakas na ang pag-iibigan.
Para sa lahat ng nasaktan.
Para sa lahat na umaasa.
Para sa lahat na umaasa na magkabalikan.
Para sa lahat na umaasa na totoo ang pag-ibig.
Para sa lahat ng tawa.
Para sa lahat ng luha.
Para sa lahat ng ligaya.
Para sa bawat sandali.
Para sa bawat pighati.
Para sa bawat pagkakamali.
Para sa iyo.
Ang lahat ng ito.
Alam ko.
Hindi mo malalaman.
Hindi ko rin sasabihin.
Walang makakaalam.
Walang makakaramdam.
Wala.
Para sa akin.
Ang lahat.
Itatago ko.
Hindi mo malalaman.
Hindi ko ipapadama.
Wala kang mararamdaman.
Wala kang malalaman.
Wala.
Para sa lahat.
Sana.
Wag nang tumulad.
Hindi niya malalaman.
Hindi niya maririnig.
Walang mangyayari.
Walang mapapala.
Wala.
Para sa lahat.
Para sa akin.
Para sa iyo.
Magmahal.
Masaktan.
Magmahal muli.
Comments
Post a Comment