A DEAL TO WIN. PART 8

-----------
 Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko rin alam kung paano tatapusin. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito. Hindi ko rin alam ang lahat ng dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

 Mali! It was not my line or narration. Kay Prince yun. Nag-monologue siya. Hindi ko alam kung kailan o kung paano. I just hear it. Hindi ko alam. Nakikipaglaro ako with my playmates. Hindi naman siguro masama iyon. Unti-unti nang nare-reveal ang aking pagkatao.

 Back to Batangas. October 9. 10:30 PM. Tapos na silang kumain. Tapos na rin silang mag-ayos ng mga gamit. Maglinis. At magligpit. Hindi man naubos ang ihaw-ihaw. Pati na rin ang manok na binili nila Abby. Pero parang planado naman ang lahat. Tinabi nila ito. Hindi sa fridge. Sa la mesa lang. At mukhang alam ko na ang balak nila.

 Naglatag si Lara ng towel sa buhangin para makaupo siya. The others are just sitting on a trunk or sa sand na mismo. May bonfire sa gitna. Angkewl ng set-up. May pagkaromantic. May pagkaspooky rin. Parang may kababalaghang magaganap.

 Normal lang ata sa kanila ang ganyan. Hindi ang romantic. Hindi rin ang spooky o kababalaghan. Inuman. Alcoholic beverages. Hard drinks. Happy happy.

 Ganoon ata talaga sa kanila. O sa karamihan ng mga barkada. Inuman kapag get-together. Inuman. Inuman. Pero hindi ko feel ang ganyan. Parang wala namang naidudulot na kung anuman yan. Hang-over. Nakakasabi ka pa ng kung anu-ano. Nakakagawa. Nakakaramdam. Nakakasuka. Again, I'm not a fan.

 Pero, ano bang magagawa ko? Manunuod lang naman ako. I can't object or what. Hindi ako ang direktor. Hindi rin ako ang actor. Siguro ipipikit ko na lang ang mata ko. Pero paano kayo?

 Hindi na umabot ng bahay si Prince. Wala naman sila doon. Nandoon sila malapit sa bahay. Nakaupo. Sa may videoke. Sa may sand. Sa may bonfire. Nakaupo na siya sa tabi ni Bryan. Incidentally, katabi rin ni Karen. After a minute dumating na si Abby. Or less than a minute siguro.

Abby: Best, iinom ka?

Prince: Hindi ah.

Jake: Dude, hina mo naman! (sinok)

Prince: Hindi talaga ako umiinom e.

Abby: Good boy kasi ang best friend ko.

Prince: (smile)

 Totoo naman na hindi umiinom si Prince. Never? Hindi naman. Nakainom siya ng beer. Pero ilang shots lang. 4 or 5 lang ata. Pero hindi na siya umulit. Kahit wine hindi niya gusto. Pero, iba naman ang case ni Abby. Hindi siya yung hindi umiinom. Hindi rin tomadora. Ewan ko. Siguro, in moderation ang lahat. O hindi rin siya umiinom. Siguro tama lang. Pero, ayaw ni Prince na uminom siya.

 Walang pilosopo. Siyempre alak ang sinasabi ko. Wish mo lang na hindi siya umiinom kahit tubig man lang. E di nadeds na yan. Tsk.

 Anong bang meron doon? The Bar ba yun? San Mig ata. Hindi ko alam. Basta may inumin.

 Balak din ata nilang mag-truth o dare. Kaso nagmumukha naman daw na My BFGF sila. Hindi naman nila gusto yun. At isa pa. Wala namang Ivo at Grace doon. Walang mag-ex. Walang may bitter. At higit sa lahat walang nagpapanggap. Wala nga ba?

 Speaking of that movie. Sa movie na iyon ko ata narinig yung linya na, "Akala ko mahirap mag-panggap na mahal kita, mas mahirap pala na magpanggap na hindi kita mahal." Si Marian ata nagsabi non.

 Kanina pa ata nagsisimula ang session nila. Kasi parang may nalalasing na. O nililinlang lang ako ng aking paningin?

 Paano nga ba mapapansin o malalaman na lasing na isang tao? Kapag ba sinisinok na siya? Pwede siguro. Kapag ba nahihilo na siya? Pwede. Kapag ba hindi na siya makalakad ng diretso? Oo. Kapag ba may sinasabi na kakaiba? Oo. Kapag ba nagsusuka na siya? Oo. Kapag hindi na kayang uminom pa? Pwede. Kapag nakatulog na sa kalasingan? Siguro.

 Tungaan sila. Isang bote. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa hindi ko na mabilang. Marami silang nainom. Estimate ko. Mga 4 kay Lara. 3 kay Denice. 6 kay Paul. 4 kay Bryan. 1 kay Karen. 12 naman kay Jake. Marami ba? Hindi ko alam. Si Abby at Prince. Si Abby tikim lang. Parang isang shot glass. Si Prince wala. Inienjoy lang nila ang pulutan. Ginawa nilang midnight snack. Pwede naman kasi halos isang oras na lang.

 Pumasok na si Lara at Denice sa loob. Nag-ayos na rin sila ng gamit. At natulog. Tinamaan ata sila. Naiwan naman sila sa labas. Okay pa naman ang iba. Lasing na ang isa. Hindi naman siya nagwawala. Hindi rin siya yung magulo as in maingay. Makwento lang. 

Jake: Hi, everyone! Are you having fun?

Jake: Do you know me? Well, I think not!

Jake: I am Jake Hoffman. I lived in US. My mother is Filipino. Our family decided to migrate here when I was about to be Grade 7. (naka-accent)

Paul: Do you have any sibling?

Jake: I'm not yet done. (sinok)

Jake: I went to the same high school with Abby. I must say she is prettier now than we were in high school. I was the heartthrob!

Abby: Oh no!

Jake: Of course. I was the center. Varsity e.

 Tumayo si Jake. Naka-board shorts din siya. Pula at yellow ang motif. Apoy? Hindi naman. Medyo abstract ang dating. Suot niya ang isang bracelet na may pagka-tribal. Madalas yun makita sa kanya. Hindi nga niya ata inaalis e. Hindi maskulado ang katawan. Just enough for a basketball player. Hindi yung mukhang gym buff. Pero mahahalata mong nag-eeffort siya to build his body. Kita mo rin ang itim niyang buhok. Medyo mahaba ito than the usual. Pero maiksi pa rin compared sa buhok ni Dora. Nagmana siguro sa kanyang ina. Pero nakuha niya ang blue eyes ng ama. Hindi naman bad boy looking si Jake. May pagka-maangas lang.

 Parang nakikinig lang naman ang iba. Nakikinig sa monologue niya. Madalas kasi siya lang ang nagsasalita. No need for interruptions. 

 At marami pa siyang sinabi. Tungkol sa sarili niya. Tungkol sa buhay niya. Tungkol sa pamilya niya. Tungkol sa frustrations niya sa buhay. Tungkol sa mga babaeng nakarelasyon niya. Tungkol sa lahat ng bagay na kailangan mong malaman. At pati ang mga bagay na hindi kailangan. Lahat iyon nasabi niya. Madalas monologue. Umeentra ang iba kapag nakakatawa. Nakakagulat. Nakakaaliw. Nakakabaliw. At iba pang nakaka.

 Hindi naman sila tumagal sa kapapakinig. Nakakabagot ang ganon. Nakakabore. Nakakarindi rin sa tenga at times. Hindi nila tinapos ang monologue ni Jake. Kaya nga ganyan na rin ang nangyari sa narration ko.

 October 10. Saturday. 12:00 AM. Nanahimik na si Jake. Nagtigil na rin ang pagsasalaysay niya ng kung anu-ano. Magmula sa buhay niya hanggang sa buhay ng kung sino. Tumigil na siya. Nakatulog na rin siya. Siguro hindi lang ganoon ang oras. Mas maaga pa siguro. Hindi ko lang napansin. Hindi ko rin siguro inintindi. Wala na sa kanya ang focus ng camera.

 As usual, kulitan pa rin ang dalawa. Harutan. Kilitian. At iba pa. Masyado na silang maraming nagawa. Marami para sabihin. Marami na halos paulit-ulit na lang. Minsan may kaunting pagbabago. Madalas parehas na parehas. Pero parang sa kanila ay bago pa rin. Parang sa 50 First Dates. Pero iba. Nag-iiba. Mag-iiba.

 Safe naman na iwan nila si Jake doon sa labas. Sa loob pa rin naman ng nirentahan nila yun e. Isa pa may rumoronda naman na ewan doon. Basta. Sigurado ako hindi mapapahamak si Jake doon. Pustahan?

 Natulog na ang iba. Nag-ayos naman ang natira. Si Karen may kausap sa phone. Hindi ko alam kung sino. Pero mukhang importante. Si Abby at Prince matutulog na sa ikatlong kwarto. Pero hindi pa naman. Si Paul at si Bryan ay nag-aayos ng gamit sa labas. Mga bote. Mga lata.Mga pinggan. Mga sticks. Mga bagay-bagay. Pero higit sa lahat pinatay na nila ang bonfire.

 Ayos na sila. Tapos na silang mag-ayos. Hindi naman sila lasing. Matutulog na. Pero ang dalawa hindi pa rin. Hindi pa sila matutulog. Siguro. Hindi naman sila lasing. Wala rin silang tama. Pero hindi pa sila tinatamaan ng antok. May balak pa ata ang isa. 

Prince: Best?

Abby: Bakit?

Prince: Mainit ba?

Abby: Hindi naman.

Prince: E bakit ganito ang nararamdaman ko?

Abby: Nag-iinit ka?

Prince: Hindi ko alam.

Abby: Malamig naman kaya.

Prince: Coz I'm hot! Haha.

Abby: I'm hotter.

Prince: We're both hot! Haha.

Abby: Do you want to continue what happened yesterday?

Prince. It was not yesterday. It was two days ago.

Abby: Whatever!

 They are both wearing their beach attires. Naki-English din ako ah. Kung inaakala mong sensual ang tono ng dalawa, nagkakamali ka. Another pustahan? Hmmm. Ayaw mong maniwala sakin. Hindi ko alam. Ano ba yung sensual?

Abby: Come and get me. (Tinatawag ang best friend gamit ang hintuturo.)

Prince: Are you sure? When I get you, I will not let you go. (Umakmang papalapit nang pagapang.)

Abby: Why not try?

 Unti-unting gumapang si Prince papunta kay Abby. Mabagal. Parang sumasaliw sa isang tunog. May trumpeta sa background. Malapit sa dingding si Abby. Umuurong din siya papalapit sa dingding. Ang mata niya ay parang nanlilisik. Pero parang may ibang intensyon. Unti-unting bumilis sa paggapang si Prince. Paakyat sa kama ni Abby. Naka-akyat na siya. Malapit na. Ilang segundo na lang. Malapit na malapit na. Kinuha ni Abby ang unan. Itinakip sa mukha. Kinuha ni Prince. Itinapon sa kabilang kama. Andyan na si Prince. Halos magkatapat na ang mukha nila.

 Matatalo ata ako sa pustahan. Para kasing totoo ito. Akala ko joke lang. Totoo na ata. Magkano ba? Mapapasubo ata ako nito. Dapat hindi ko na lang sinabi iyon.

Prince: Are you sure, best?

Abby: Yes. (Kinakabahan. Halata sa boses. Shaky)

Prince: You're so beautiful!

 Ginamit niya ang ilong niya para maramdaman ang balat ng kaibigan. Mula sa mukha pababa. Sa leeg. Sa braso. Sa kamay. Hinawakan niya ang kamay ng best friend. Hinalikan niya. Bumalik siya sa mukha ng best friend. Hindi niya hinalikan. Pero nagkatitigan sila. Hindi naman malagkit. Hindi rin malabnaw.

Prince: Bakit hindi ka pumipiglas?

Abby: Kasi alam kong hindi mo kayang gawin sa akin yun?

Prince: Eh kung gawin ko ngayon?

Abby: I bet. Hindi mo talaga kaya.

Prince: (Umakmang hahalikan ang best friend sa labi.) Ano?

Abby: Sige. Ituloy mo?

Prince: ...

Abby: Hindi mo kaya.

Prince: Oo. Hindi. Nirerespeto kasi kita. Matulog ka na. Alam kong nabitin ka.

 Next thing I know ay nasa magkabilang kama na sila. Hindi naman malaki ang kwarto na iyon. Maliit lang siya. Iyon ata ang pinakamaliit sa tatlo. Pero maayos naman. Madilim din kasi wala nang bukas na ilaw. Pero hindi naman ganoon kadilim para hindi sila magkakitaan. Maganda naman ang sinag ng buwan noon. Gloomy.

 October 10. 1:30 AM. Tulog na ang iba. Iba ibig sabihin ko kasama na sila Abby at Prince. Si Jake? Tulog pa rin. Pero malapit na siyang ginawin. Malapit na rin siyang magising. Safe ba naman? Oo.

 Shocks! Napindot ko ba ang forward o kahit next chapter? Bakit ganito ang nangyayari?

 Kwarto ni Prince. Ganon pa rin. Ang itsura. Ang laki. Ang mga nangyayari. Pero iba ang date. Nagbago na ba ang kalendaryo? Pagkatapos na ba ng October ay January? Bakit ganito?

 Nakikita ko si Prince. Nakaupo sa kama niya. Nakaharap sa TV na hindi nakabukas. Nasa likod niya ang speaker.Kumakanta si Archie. Kung anong kanta iyon ay hindi ko naintindihan. Worried din ako. Kinakabahan. O kung anuman. Hindi ako sanay na nagugulat sa mabilis na pagtalon ng oras.

 Malungkot siya. Hindi ko rinig ang kung anuman ang mga paputok na maririnig kapag new year. Paano ko nalamang new year? Kasi may bumati sa kanya. Happy new year daw at mahabang text na kung anu-ano ang sinasabi. Hindi ko rin dama ang excitement sa kanya. Parang ayaw niyang iwan ang 2009. Parang ayaw niyang magpalit ng taon. Magpalit ng bagay-bagay na nakasanayan niya. Sa taong ito. Sa taon na masaya siya. Sa taon na sana ay tulad ng dati.

 Gusto rin niyang magsend ng message na mala-spam ang dating. May greetings. May batian. May dramahan. At kung ano pa. Pero dinelete niya kaagad iyon. Nagsend na lang siya ng "HAPPY NEW YEAR TO YOU AND YOUR FAMILY." Send to all. Hindi naman all as in lahat. Pili lang kasi yung iba doon ay hindi na gumagana. Yung iba hindi naman niya ganoon kakilala. Yung iba doon ay hindi niya trip batiin. Yung iba naman ay may espesyal siyang mensahe sa kanila.

 Kasama na roon ang pamilya niya. Super close na friends. Mentors. At mawawala ba ang best friend niya?

To: Abby

Message: Happy New Year, best! Sana walang magbago. (Binura niya yung nagbago at pinalitan ng magbago.) Bakit hindi mo na ako tinetext? May problema ba? Hindi ako sanay. Sana maibalik ko yung tulad ng dati.

 Nag-isip siya ng mabuti. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa naisipan niyang burahin hanggang sa ika-pitong salita. Sayang ang tinype niya. Sayang. Pero napag-isipan niya nang mabuti. Hanggang sa binura na rin niya ang huling tatlo pang salita. Hanggang sa unti-unti nang kinukurot ang puso niya sa sakit. At hanggang sa binura na niya ang natitira pang salita. Hanggang sa nakatulugan na niya ang lahat. Wala siyang nasend na kahit ano. Wala. Wala.

 "Hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi ko rin alam kung paano tatapusin. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito. Hindi ko rin alam ang lahat ng dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

 Ayun! Naalala ko na. Dyan niya iyon sinabi. Masakit sa damdamin. Masakit sa isipan. Masakit sa lahat ng parte ng katawan. Hindi ko alam. Pero naramdaman kong kaugnay nila ako. Parang apektadong apektado ako. Ganoon na ba nila ako ka-fan? O sadyang may mas malalim na dahilan?

 Bago pa man maramdaman ng aking kasu-kasuan ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Bago ko man maramdaman ang sakit na iyon. Bago pa man. Nanumbalik na ang lahat sa normal.Wala nang sakit. Wala nang aray. Bumalik na rin ang tamang panahon. Hindi na ako nangangamba sa oras. October na ulit. Hindi na New Year. Hindi pa rin 2010. Nasa beach pa rin sila. Wala sa bahay ni Prince. Hindi totoo ang iyon. Panaginip lang. At napukaw ang lahat ng bukas ng pinto. Si Jake. Nagising na siya. Safe.

 Tumayo agad si Prince para tingnan si Jake. Ayos naman siya. Medyo mabuhangin lang. Tinanong kung okay lang siya. Nang pumasok na si Jake sa kwarto nila. Bumalik na si Prince sa loob. Nakaupo lang siya sa kama niya. Indian seat. Hindi siya makatulog. Hindi niya rin gustong matulog. Ayaw niyang mapanaginipan ulit iyon. Ayaw niyang mawalay sa kaibigan. Kahit hindi siya i-text sa isang araw ay isang parusa para sa kanya. Mas gugustuhin pa ata niyang makatanggap ng isang libong spam messages pero may isang text ang best friend niya.

 Kahit ganoon. Umaasa pa rin siya na kabaligtaran ng sa panaginip ang realidad. Umaasa pa rin siya na magiging maganda ang pasok ng bagong taon. Umaasa na lahat ay ayon sa plano niyang walang linaw.

 Hindi ko kayang makipag-pustahan. Nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon. Hindi man totoo yun e para kasing totoo. Masyadong detalyado ang mga bagay-bagay. Malinaw. May kulay. Hindi tulad ng ibang panaginip.

 Naghalungkat siya ng gamit sa bag niya. Nakita niya ang cell phone. Nagbasa ng ilang mensahe. As usual, spam. Hindi naman nag-text ang magulang niya. Nagpaalam naman kasi ng maayos. At tumawag naman siya pagdating sa Tagaytay at pagdatin sa Batangas. May tiwala na sila sa kanya. Isa pa busy rin sila.

 Itinabi na ang cell phone. Nahawakan niya ang cam. Digi cam. Simula nang papunta nila sa Tagaytay. Si Abby ang nakikita. Minsan si Prince. Stolen. Kapag traffic silang dalawa. Nang nasa Tagaytay na sila noon, ay silang dalawa na. Madalas. Pero alam mo na si Prince ang may hawak ng cam kapag si Abby ang subject. Si Abby naman ang may hawak kapag scenery. Silang dalawa o kapag si Prince lang. Madalas stolen. Kung hindi man. E di hindi stolen.

 Hindi pa rin siya tinamaan ng antok. Inalala na lang niya ang lahat ng gusto niyang gawin sa best friend. Inisip niya yung mga plano niya na sana ay sila. Inisip niya lahat iyon nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay na makakagambala sa kaibigan. Tahimik pero masinsinan.

 October 10. 5:00 AM. Tulog na si Prince. Ganon din si Abby. Naghahanda na ang iba sa almusal. Medyo may hang-over. Pero kaya naman nila. Nadaan sa kape. Ligo. At tulog.

 Pumasok si Jake sa kwarto nila Abby at Prince. Sakto naman ay palabas naman si Prince sa kwarto. Si Abby naman ay paggising pa lang. Bumalik na si Jake. Kumain. Si Prince ay nag-ayos kaunti. Si Abby ay hindi na. Naligo na silang lahat. Hindi sabay-sabay. Habang kumakain yung iba ay naliligo naman yung natitira.

 Tapos na silang kumain. Naunang natapos si Abby. Chineck kasi ni Prince ang sasakyan. Nauna na ring maligo si Abby. Sumunod naman si Prince. Sa ibang banyo. Tapos na si Abby. Nasa kalagitnaan naman si Prince.

 Nakabihis na si Abby nang pumasok si Prince. Nakatowel. Nag-aayos lang si Abby ng gamit niya.

Abby: Teka lang, best! Labas lang ako.

Prince: Wag na. Alam kong gusto mo naman akong makita eh.

Abby: Don't tempt me.

Prince: I know you want me!

Abby: ...

 Tinanggal ni Prince ang twalya. Natawa siya. Naka-shorts na kasi siya. Natawa rin si Abby. Lumabas na siya at binato niya ang best friend ng unan na nadampot niya.

Prince: (Habang lumabas si Abby.) Disappointed ka no!

Abby: Labas na ko. Ha ha ha.

 By 8:00 AM, umalis na sila ng Batangas. Nakabalik sila within an hour. Dating set-up. Dati talaga. As in yung dati. Si Prince ang driver. Bago pa man mangyari ang palitan. Sa kabila ay si Lara na ang driver. Si Paul ay bumalik na sa kabila.

 Wala na masyadong stop-overs. Ayos na ang lahat. Busog na. Nakatulog na rin. Iba-iba na sila ng ginagawa. May nagtetext. May soundtripping. May nakikipag-kwentuhan. May picture-taking. May nag-dadrive. Nagpatugtog si Prince ng Archie.

 At a moment ay narinig ko ang phone conversation na ito. Hindi kay Karen. Hindi rin sa iba. Kay Prince.

Prince: Hello?

Prince: Yes. Ako nga.

Prince: Oww. What can I do for you?

Prince: Ok. Talk to you later. I'm driving.

 I don't have any clue kung sino yun. Kung ano man yung kailangan nila kay Prince. Kung anuman iyon wala akong alam. Pero, kahit gusto ko walang akong magagawa. Pati si Abby walang napala.

Abby: Best, sino yun?

Prince: Wala yun.

 Nasa bulsa ni Prince ang phone. Naka-headset lang siya. Hindi na nakuha ni Abby for further interrogations. Hindi niya rin naman kayang kuhanin. Baka mabangga sila.

 October 10. 9:30 AM. Nakarating na sila sa Tagaytay. Balik sa room destinations nila. Kinuha ang gamit. Inayos. Inilagay sa mga sasakyan. Inayos na ang bahay. Chineck kung may naiwan. Naiwang twalya? Naiwang wallet? O naiwang ano?

 Prince convinced Karen na sa kanya na lang sumabay. May photo shoot si Jake. Aalis si Lara. Nakiki-ride si Denice. Kailangan nang umuwi ni Bryan. Si Paul ang BFF niya. Walang choice si Karen. She has to go.

 Dating set-up. Jake on Hilux. Lara at Denice sa Altis. Paul at Bryan sa Frontier. At Abby, Karen at Prince sa Fortuner. Iba iba na ang pupuntahan. Hindi na magkakasabay. A sad happening sa lahat ng tao. Sa lahat ng pagkakataon. Sa lahat ng panahon.

 May nauuna. May nahuhuli. May papunta sa kanan. May papunta sa kaliwa. May didiretso. May liliko. May hihinto. May tutuloy. May makakauwi. May naglalakbay. Hindi lahat ng bagay ay isa lang ang pupuntahan. Karamihan sabay-sabay aalis pero hindi sabay sabay sa pagdating.

 Unusual. Tahimik ang sasakyan ni Prince. Hindi sila ganoon nagkukulitan ni Abby. Hindi sila nagkwekwentuhan. Hindi malakas ang tawanan. Hindi naman sila magkagalit. Wala ring Best friend's quarrel. Hindi rin sila naiilang kay Karen. Pagod lang si Abby. Nakatulog. O nagtutulug-tulugan?

 Mauuna ang bahay nila Karen. Susunod ang kay Prince. At pinakamalayo ang kay Abby. Dahil tulog na si Abby. Tingin ni Prince ay pagod na siya.

Prince: Karen, hatid na muna natin si Abby ha.

Karen: Sige. Mukhang pagod na rin siya oh.

Prince: Teka, sino ba yung kausap mo? Hindi mo pa rin sinasabi ah.

Karen: Naku, wala yun.

Prince: Wala? Bakit umiiyak ka?

Karen: Hindi ah.

Prince: O kung hindi, malungkot ka.

Karen: Wala talaga yun.

Prince: Sige sige. Pero, maayos din ang lahat.

 Nadaanan nila ang maraming bagay. Sa sobrang dami ay di ko na matandaan. Dagdag na rin ang sobrang bilis. Sinadya ata ni Prince yun kasi may hinahabol siya. Pero kahit mabilis na takbo nila ay hindi pa rin nila naiwasan ang traffic. Traffic nga naman. Dumarating kapag hindi mo inaasahan. Kahit na nagmamadali ka, eepal siya.

 Almost 10:30 AM na rin nakarating si Abby sa bahay nila. Ginising na Prince si Abby. Ibinaba na rin niya ang mga gamit ni Abby. Hinatid sa loob. May pinag-usapan din sila.

Prince: Best, may gagawin ka mamaya?

Abby: Meron, bakit?

Prince: Ah sige.

Abby: Bakit nga?

Prince: Wala. Wag na lang.

Abby: Ito naman oh. Nagbibiro lang.

Prince: Pwede ka?

Abby: Oo. Bakit?

Prince: Basta. Sunduin kita ng 6 PM ha.

Abby: Ok.

Prince: Wag kang mag-alala hindi tayo gagabihin masyado. Uumagahin lang. Hahaha

Abby: Saan ba pupunta?

Prince: Basta.

 Bumalik na sa sasakyan si Prince. Lumipat na sa harap si Karen.

Karen: Can I take this seat?

Prince: Sure.

Karen: Akala ko kasi para sa isang tao lang ito e.

Prince: Hahaha. Hindi ah.

Karen: Deny ka pa.

Prince: Hindi ah.

Karen: Bakit ayaw mo siyang ligawan?

Prince: Huh?

Karen: Tayong dalawa lang dito.

Prince: Hindi ko alam.

 Parang hindi makaiwas si Prince kay Karen. Kung gaano siya katahimik kanina, ganoon pala siya katindi mag-interrogate. Dapat hindi siya nag-engineering.

 Hindi naman malayo ang bahay nila Karen. Manila girl siya. Mga 25 to 45 minutes ang biyahe mula sa bahay ni Prince. Nagmadali na rin ako. Fast forward na ang drama. Nagmadali rin ang sasakyan. Parang isa lang ang topic nila. Yung kanina rin. Sensitive kasi kapag ibalik ni Prince sa kanya ang pang-iinis. Baka malaman.

 Ayan. Play. Ibinaba na rin ni Prince ang gamit ni Karen. Two-storey ang bahay nila. Cream ang kulay nito. May kaunting brown. Ayos ang painting job. Ganda ng bubong. Roof tiles pala. Ceramic. Ayos. Pero bago ko pa man ma-criticize ang bahay nila ay nakalabas na ulit si Karen. Bago kasi yun ay:

Prince: Bilisan mo ha.

Karen: Bakit?

Prince: Basta. Wear your best.

Karen: Saan tayo pupunta?

Prince: Basta. Semi-formal wear ha.

 Ayun. She is wearing an elegant purple dress. Cocktail especifically. Designed with beads and crystals. Fascinating. Matched with silver mule. Her hair is curled of 25-mm from ears down.

 Uh-oh. Fashion is not my forte. But, anyway, on my point of view, maganda siya. Even, without any make-up.

 Pumasok na sila sa sasakyan. Clueless man si Karen, sumama na lang siya. Wala naman siyang magagawa. At hindi naman siguro siya ipapahamak ni Prince.

 After driving for more than 20 minutes mula sa Manila, I see them in front of a hotel near Punchline. Malapit rin sa McDo. Malapit lang sa National Bookstore na nasa Crossing. Sa Aberdeen Court ata ang destinasyon nila. Not sure. Nakikita ko kasi na may ano dun e.

Karen: Saan ba?

Prince: Ah eh.

Karen: Dyan ba?

Prince: Teka.

 Parang may hinihintay siya. Tao ba? Bagay? Hayop? Pangyayari? Ano?

 Hindi naman sila tumigil doon. O lumapit man lang. They just roamed along the area. Tinutukoy ni Karen ang The Block. Kayo ko nakita yun at dahil sa aerial view. Astig. Galing.

 11:55 AM. Dumaan sila sa Sagip Kapamilya. Hindi sa Scout Bayoran. Dun sa isa. Sa Examiner. Then, tama nga ako.

 12:00 PM. Nasa harap na sila ng Aberdeen Court. May mga bata rin ang nandoon. Mga 30-40 siguro sila. Lahat sila ay may dalang rose. Not white. Not red. Not any other color. Purple. Ang pinakamaganda sa mata ni Karen. She loves it.

 May clue na siya kung ano ang mangyayari. Pero ayaw pa rin niyang i-entertain ang idea na iyon. O kahit ano. She just wants to see kung ano man ang mangyayari.

 Binuksan ni Prince ang pinto. Lumabas naman si Karen. Elegantly. Lahat ng words na may -ly pertaining to a woman positively. Lahat na. Hindi sila nakapark or what. After ng ilang hakbang. Lumapit na isa-isa ang mga bagets. Binigay ang. 1. 2. 3. 4. 5. Di ko na mabilang. Prince left her that way.

Prince: Dude, andyan na siya. Best Wishes!

Unknown: Thanks. Salamat talaga. Sana kayo rin. Haha.

Prince: Pati ba naman ikaw?

Unknown: Haha. Invited kayo ha. Sana kayo makasalo.

Prince: Kailan ba?

Unknown: Hindi ko pa alam. Siguro 2010 or 2011.

Prince: Balitaan mo kami ha.

Unknown: Sure, neighbors right?

Prince: Haha!

 The conversation gave me it. Alam na. Umalis na si Prince. Umuwi na. Natulog sandali. Pero hindi siya ang naka-focus sa camera.

 Tinuro siya ng mga bagets sa loob. She was guided by a waitress. Pumasok sila sa loob. There was nobody. (Nobody but you. :D ) The tables were not the same. Ibig sabihin hindi katulad ng dating arrangement. Dati medyo magulo ang dadaanan mo. Pero ngayon, may pupuntahan. Take note, there are rose petals on the floor.

 Pagkatapos malampasan ang ikalawang la mesa, lumabas naman ang musikero. Mga musikero. They played Always Be My Baby. Medyo binagalan yung kay Mariah. Parang kay David Cook. Pero retained yung key.

 Naglakad pa siya sa mga petals. Umiiyak na siya. She knew what will happen. She found herself staring at a large heart. All she can see is a box with a tarp saying "GET ME!" Secondary na lang ang napakaraming petals sa paligid niya.

 Nang hawak na niya ang box at buksan niya, wala itong laman. Lumabas na si Michael. On his Americana, he rushed to Karen. He genuflected. Pinakita niya ang diamond eternity ring. Sinabi na niya ang magic words, "Will you marry me?"

 Of course, alam na natin ang sagot. That was a nice idea. Ilayo mo muna sa'yo ang girl friend mo bago ka magpropose. Para hindi ka mamroblema sa pagtatago. At malaki ang chance na umoo siya. Great idea!

 Wedding bells are ringing! They are counting the days of being single. Last whatever. Will there be a last date?

Comments

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT