vampires-filled dream

ui! may chika ako sa'yo ngayong Holy Wednesday!! interesado ka ba? oo. willing naman akong i-share. oo. sure ka na ba dyan? talaga? na-excite naman ako na gusto mo ding malaman. talaga ha? sure ka dyan ha.

okay. eto na. eto na. ok. walang aaaaaaaaaaaaaaaah. gasgas na yun e. pero, meron pala. aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah. nakakatakot naman yung panaginip ko. medyo naman. ewan.

NOTE: di ko alam kung ano ang ginawa ko kung bakit may bampira na umentra sa panaginip ko. at eto pa, akala ko umentra lang sila pala ang sentro ng plot. grabe. sa mga nakakapag-interpret ng dreams (o nightmare? hahahaha) paki-comment naman dyan o. o kaya kung masyadong nakakabagabag na di pwedeng isambulat sa buong world wide web, i-message mo na lang sakin. ..^_^..

SPOILER: syempre, obvious na naman sa title ko na may bampira sa panaginip ko. pati na din sa note. bwahahaha. weird tong panaginip na to. kasi obvious naman kung normal lang itong phenomenon na ito ay bakit ko pa ichichika sa buong multiply community. hahaha

CHARACTERS: (ang mga sumusunod ay ayon na lamang sa aking natataandan. at main characters na lang ang aking idedescribe at ipapakilala.)

*** (NAME HERE) bigyan na lamang natin siya ng pangalan if and ever na malaman ko na wala pang nagmamay-ari sa ideyang ito o pati konsepto. i respect the rights of the maker of such ideas and i don't want to steal his properties for it makes him who he is. what he has is what he is. respeto. grabe lang. sana walang nagmamay-ari sa konsepto na ito. gusto kong gawan ng nobela. amp.

ulit na lang. ang korni na kung balikan ko pa yan. pero parang natandaan ko kasi na artista yung gumanap sa mga roles ng mga characters na ihahain ko sa'yo. sorry sa mga artistang ito kung cheap yung panaginip ko. pangit ang productions. haha. pero sorry kasi kung nakaladkad yung name niyo dito. pero i salute you sa mga talents niyo. magaling kayo.

(sa mga makakabasa nito na mga scriptwriters ng any network o kahit mga EP or whatever, if you want my ideas, ito o yung previous posts ko, (wait. sorry if inangkin ko muna itong idea na ito. ewan basta. sana nga akin na lang to.) buy it na lang. please wag niyo naman pong i-steal yung idea. (hahaha. alam kong hindi pa ako refined mag-isip pero okay naman ako. i'm sane pero okay yung ideas ko, right?) mura ko lang naman ibebenta sa inyo e. hahaha. gusto niyo pati yung script. may discount na! hahaha. pero mas maganda kung i-render niyo na lamang ang service ko. mas mura. ..^_^..)

interlude: natatawa ako sa previous paragraph or whatever. alam kong wala namang nagagawing ganyang tao sa blog ko e. hahahahaha LOL mode

*** rich - boyfriend siya nong babaeng bida.

*** kyla - bida na eventually...

*** jay-r - out-of-the-box na bampira

o ha! na-carried away ako dun sa mga previous paragraph kaya tinipid ko yung description. hahaha

okay. ganito yung nangyari. si rich ay na-destino sa isang lugar. dito din sa pinas kaso medyo malayo sa hinagap niya na madedestino siya don. kung ano man ang trabaho niya hindi ko natandaan. pero let us just say na sa military siya. sinama niya ang kanyang girl friend na si kyla. hesistant pa si kyla kaso syempre engaged na naman sila. parang practice na ito sa marriage nila. kung ano ang mangyayari sa kanila, bitinin muna natin talon tayo sa next chapterssssshanggang sa yung rumors na may bampira daw na dumating sa lugar na yon ay lumalapit na sa katotohanan. dumating si jay-r. nawala naman si rich. alam ni kyla na si jay-r ang may pakana. alam na din niyan bampira siya. alam din niya kung saan siya hahanapin. dala dala ni kyla ang lahat ng armas na kaya niyang bitbitin. kasama at asong parang kasama ni will smith sa i am legend. kasama ang kwintas na bigay ni rich na may kasamang krus. action type ang scene. action talaga. tumatakbo si kyla. slowmo. pero biglang bumilis. pati ang pintig ng puso bumilis. tumatakbo siya. hawak ang baril. hinahanap ang kalaban. tumakbo pa ng tumakbo hanggang dumapa para mahanap ang kalaban. katabi ang aso. nakatuon na sa tinitingnan niya ang camera. yay! pagbalik sa kanya di na makita ang aso. nasa likod siguro. nang hinawakan siya.... si jay-r na pala! kinagat siya sa leeg. presto nakita sa screen ang ngipin niyang matulis at bibig na pulang pula. may nararamdaman ng masama si kyla. bumaluktot na siya. kumikirot. hanggang sa mawalan ng lakas. hingal na sabi ni kyla: maninipsip na din ba ako ng dugo? sabi ni jay-r: hindi. isusuka mo lahat ng dugo mo. at nagkatotoo nga. lumabas ang dugo mula sa balat ni kyla. magaling. at lalong nanghina si kyla. namutla. binuhat siya ni jay-r papunta sa simabahan. galing! nag-aaway sila. galit si kyla pero wala naman siyang magawa. maraming tao. sa kalagitnaan, akala nila ay wala nang dugo pang ilalabas pero meron pa! nabulagta si kyla. tumulong si jay-r. akala ng iba sweet sila. pero di nila alam nag-aaway sila. di nila makita ang dugong nakakalat sa sahig. lumapit ang isang babae. kinagat din siya ni jay-r. patay.

(di na kasama to) grabe lang. angdami kong tanong. bakit nila isinusuka ang dugo. di sila takot sa krus na silver? di sila takot sa simbahan? grabe. bakit ako nandun? bakit di nila nakikita yung dugo? bakit ako nakikita ko?

ewan.weird talaga. tsk tsk. grabe.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT