ADTW Chap 9

-----------


Life is fair. Totoo iyan. But the word fair is relative. Depende sa tao kung paano ang fair sa kanya. Sa iba, ang fair ay parehas as in pantay. Equal in other terms. Sa iba, quits quits ang laban. Tipong 3 - 3 ang score. Kahit gaano kahirap mo nakuha o kadali ang score na iyon, it won't matter.

May mga bagay na itinatago. Para walang masaktan. May mga bagay na kailangang ipang-front para wala nang mahabang usapan. Maraming ganito sa buhay ng tao. Imposible na walang ganito. Imposible.

October 10, 2009. 3:30 PM. Prince's on his bed. Just woke up. He called someone. You know who. She's internet-ing. Catching up with the three days of enjoying. Uploading photos.

Prince: Best, ready ka na?

Abby: Saan?

Prince: Basta. Just be ready at 6. Susunduin kita ha.

Abby: Ok. Tell me the details na lang.

Prince: Sure.

Parang wala naman sa plano ni Prince ito. Ni wala ata sa balak niya na umalis ngayon o pati mamaya. Maybe, there is an enough reason for him to change his plan/s. To add some loads. To do something spontaneous. Hindi ko mahulaan kung saan sila pupunta. His mind was blank but pure.

It was just less than two hours and a half. Still, he had no idea on what he must do. Sa totoo lang, parang nagsisisi na siya na ginawa niya ito. Parang lahat ng lakad nila ay planado. Seems perfect. Seems to be a date. O date talaga yun pero ayaw lang nilang aminin sa isa't isa that they were dating. Romantic date should I say.

Matagal na siyang nakaupo. Nag-iisip. Nagpapatugtog. Nagpapakanta ng kung anu-ano. Hoping na baka may idea na sa kanta na pwede niyang magamit. O kahit ma-inspire man lang. He even clicked photos on FB. Nagbabakasaling may makitang magandang place near the metro.

Nevertheless, walang nakatulong. Wala siyang naisip. Wala. Wala. Nagsayang lang siya ng oras. Instead of calling restaurants for reservation for a dinner. Instead of planning for a good night. Nag-aksaya siya ng oras. Pero mukhang nakuha niya ang lesson doon sa nangyari. Sana. Kasi sayang yung oras.

Time passed. Malapit nang mag-6. It seems to be a desperate move. Wala talaga siyang maisip. Pinasundo na lang ni Prince si Abby sa driver nito. Matagal na rin siyang driver. Since, he was five pa ata. Antagal na.

Kuya, ito na ang time to shine para sa'yo.

Si Mang Ben ang isa siguro sa mga nakakakilala ng lubos kay Prince. Sa bawat frustration nito. Sa lahat ng mood swings niya. Sa lahat ng mga gusto niyang makamit sa buhay. At iba pang detalye ng buhay ni Prince.

Almost 6PM na nang andyan na ang Fortuner na black. Nakabukas ang bintana. Iba ang driver. Umupo si Abby sa likod. Unusual. Dead air kumbaga. Until, Mang Ben broke the silence.

"Abby, kumusta na?"

"Okay lang naman po. Medyo pagod sa studies pero kaya pa naman."

"Kumusta kayo ni Prince?"

"Kami?"

Medyo matagal siyang napaisip. Kung ano ang isasagot niya sa simpleng tanong. Sa simpleng tanong na parang difficult round ng isang contest sa finals. Pero hindi naman masyadong matagal na magtaka ang kausap niya na may iniisip siya na sobra.

"Kami? Okay naman. Ganon pa rin po. Kulitan. Ganon. Ganon naman kami palagi."

"Ahh."

"Bakit niyo naman po naitanong?"

"Akala ko kasi hindi kayo okay e."

"Hindi naman po."

"Pinasundo ka kasi sa akin. Parang kakaiba lang kasi."

"Sabi nga po niya sa akin siya susundo sakin."

"Pero alam mo, maswerte yung magiging girl friend ni Prince."

"Opo! Sakin pa nga lang napakaalaga na niyan. Paano na kaya sa girl friend niya?"

"Hindi lang yun. Ambait pa ng batang yan. Kahit may sumpong ay iniisip pa rin ang iba."

"Ha ha ha. Ano pa po bang sikreto ng best friend ko?"

"Napakaloko kaya niyang batang yan. Noong mga nag-swiswimming lessons pa siya, nalulunod siya. Ako naman tumalon ako sa pool. Akala ko malalim. Yun pala hanggang tuhod lang."

Napangiti si Abby. May dagdag na impormasyon na naman sa utak niya. Impormasyon na ikinatuwa niya ng sobra. Kung bakit, siya lang ang nakakaalam. Siya lang. Baka balang-araw tayo rin. Hindi natin alam.

Nagpatuloy lang si Mang Ben sa pagsasalita at pagkwento. Sanay naman siya na makipagkwentuhan habang nagmamaneho. Pampatanggal antok. Pampawala rin ng bagot.

"Makulit din yan. Noong bata siya. Binilhan siya noon ng bolpen yung nagiging basketball. Sobrang sabik na buksan. Ayun sumabit yung stapler (he meant staple wire) sa daliri. Iyak siya ng iyak. Dumugo ng todo yung daliri niya. Pero concerned pa rin sa bolpen."

Naaliw si Abby. Hindi niya alam ito. At natutuwa siya na malaman ang mga detalyeng ito ng buhay ni Prince. Para na rin siyang naging parte ng buhay ni Prince. Kahit saglit lang.

"Isa pa. Nong bumili sila ng tinapay dun sa French Baker ba yun? Basta. May nakita siyang tinapay yung mahaba. Excited na naman. Kinagat niya. Bigla na lang umiyak. Naiwan yung ngipin sa tinapay."

"Akala mong ambait ni Prince, pero nakikipag-away yan. Nakipagsuntukan yan noong grade 5 sila. Wag mong sabihin ha. Ha ha ha."

Bagong impormasyon. Lalo pa niyang nakilala ang best friend. Sa isip nito, natanim ang lahat. Natatahi tahi niya ang lahat.

Kasalakuyan namang papasok na sila sa NLEx. Ilang minuto na lang ang makakarating na sila sa bahay nila Prince. Mga 15 - 20 minutes pa. Depende sa lagay ng trapiko.

Hindi pa tapos si Mang Ben sa kanyang mga expose sa buhay ni Prince. Nagpatuloy pa siya sa pag-uulat.

"Naku. Noong fourth year high school lang siya natutong uminom ng gamot. Pahirapan pa yan sa pagpapainom. Hangga't maari in liquid form. Kahit anong sama ng lasa, kinakaya wag lang tableta o kapsula."

"Mas lalong takot yan sa karayom. Pahirapan yan sa pag-injection. Dati nga noong bata yan, hinabol yan ng mga nurse at doctor para saksakan ng injection. Hindi nila mahabol. Napakabilis. Parang palos ba."

"Hindi nga marunong maghintay yan e. Sanay sa andyan na lahat kapag kailangan niya. Kapag kakain na restaurant, oorder lang tapos aalis na. Pagbalik nila, andyan na ang order. Basta, may tigahintay."

Napakarami pang nasabi ni Mang Ben. Mga bagay na hindi alam ni Abby. Hindi alam dahil wala pa siya sa buhay ni Prince. Hindi alam dahil ayaw ipaalam ni Prince. Hindi alam dahil wala namang kwenta kung malaman niya. At marami sa nasabi ni Mang Ben categorized sa ikatlo. Hindi ko na rin sinama.

"Iha, ano nababagot ka na ba sa kwento ko?"

"Hindi po. Enjoy nga ako e."

"Buti naman."

"Hindi marunong maghintay si Prince? Parang di naman ganon kapag kasama niya ako?"

"Oo. Pero, ewan ko. Baka nagbago siya."

"Siguro po."

"Maiba tayo. Naalala ko noong ma-basted yan noong high school. Naawa ako sa kanya."

"Bakit naman po?"

"Parang yun na kasi yung nakita ko siya na parang nawalan ng gana na mabuhay. Lahat parang walang saysay."

"Paano po?"

"Nakita ko sa mata niya yung lungkot. Parang naramdaman ko kahit di siya magsalita."

"Bakit po ba siya binasted?"

"Yung nililigawan niya kasi campus crush. Pero kaibigan niya yun. Hindi siguro kasing close niyo ngayon. Pero, magkatext sila halos gabi-gabi. Nagsasabihan ng mga sikreto."

Sana may rewind button ang remote ko na pwedeng pumunta sa takbong iyon. Hindi available e. Sayang. Gusto ko pa sanang makita yung girl. Umasa na lang tayo kay Mang Ben. Mukhang sa kanya na lang manggagaling ang impormasyon na ito.

"Halos magkagrupo sa mga project. Kilala nila ang mga parents ng isa't isa. Kumbaga relasyon na lang ang kulang."

"Bakit hindi naging sila?"

"Ayaw kasi niyang masira yung pagkakaibigan nilang dalawa. Parang pinili lang daw niya kung saan sila magtatagal."

"Parang ambabaw naman non."

"Okay naman si Prince pagkatapos non. Nang magka-boyfriend yung babae after two days, nasaktan ng todo si Prince. Para kasing hindi naging totoo sa kanya yung babae."

"Awwww."

"Doon siya nakatira oh."

May tinuro na bahay si Mang Ben. Hindi nasa high way. Pero makikita mo. Lampas ng palengke sa Balintawak. Basta may kanto na lilikuan para marating mo yun. Di ko man nakikita, nararamdaman kong makikita ko yun.

Kahit di nakita ni Abby kung nasaan yung bahay na itinuturo ni Mang Ben, nag-maangmaangan na lang siya na nakita niya. Nagfocus na lang sa itatanong.

"Ano na po nangyari sa kanya pagkatapos non?"

"Bilib ako sa batang yan. Napakagaling magtago. Hindi ipinapahalata ang sakit na nararamdaman. Kung di ko nakikita yung mga pag-iyak niya. Pati na rin ang mga buntong hininga niya, bago pumasok, baka isa na rin ako sa nabiktima ng drama niya."

"Paano po siya naka-recover?"

"Hindi ko alam e. Basta isang araw parang tumatawa siyang mag-isa sa kotse. May katext. Alam kong totoo yung tawa na yun. Mga first year ata kayo non."

"Ganon?"

"Ayan. Malapit na tayo. Mag-ayos ka na. Saka, wag mo na ring sabihin na kinuwento ko ang mga sinabi ko ngayon."

"Sige po."

Kahit ano pa man ang gawin tago ni Abby parang halata sa mukha niya na nabagabag siya ng huling parte ng pag-uusap nila ni Mang Ben. Tungkol sa girl na nambasted sa kanya in high school. Kung bakit. Kung paano. Basta lahat ng tanong. Pero pinilit niyang itago ito sa kailaliman ng puso niya. Pinakasulok na sa susunod na lang niya iisipin at aalalahanin.

Bago siya pumasok sa bahay nila Prince, huminga siya ng malalim at inayos ang damit niya. It wasn't elegant as Karen's. Hindi rin kasi formal ang attire niya. Casual lang. Normal jeans niya na pamasok. Green shirt. No dangling earings. No bracelets. No rings. Just the necklace Prince gave her.

Hindi eleganteng elegante. Pero kayang kayang dalin ni Abby. Pumasok na siya. Sa sala muna siya umupo. Mukhang wala ang parents ni Prince. Hindi kasi sila kumakain sa dining. Supposed to be ganitong oras sila kumakain. Lumapit ang kasambahay sa kanya at sinabi na sa kwarto si Prince.

Hindi naman siya nag-aksaya ng oras. Umakyat na siya sa third floor. Sa kwarto ni Prince. 40 sq. meters. Ganon pa rin. The door is closed. Silence is over it. Medyo nag-alangan si Abby na pumasok. Medyo nakiramdam sa paligid. Hindi naman gloomy ang atmosphere neither tragic or what. Kaya kumatok na lang siya. With matching Prince pa.

knock knock knock

Walang who's there o kung ano pa man. Alam kong medyo nauuso siya ngayon. Pero hindi ito yun.

"Prince"

"Pasok"

Two words. One word to ask kung pwede siyang pumasok. One word to say na pwede. 1 + 1 = 2

Nasa kama si Prince. Both hands nasa ulo. Knees are unbent. Lights are bit dimmed. Yellowish yun. Tahimik siya. Parang may iniisip o problema. Abby sat on the other side.

"Best, may problema?"

"Meron."

"Ano? Love? Family? Studies? Financial? Hindi. That would be one of the last in the list."

"Uhmmmmm."

"Ano? Tell me."

"Di ko alam kung saan tayo pupunta."

"Huh?"

"Sorry, best. I was not really prepared. I thought makakapag-isip ako. But,..."

"Sus. Hindi naman big deal yun."

"No."

"Andami kaya nating gimik na almost perfect. Planado. And this will not affect them."

"Talaga?"

Blank face turned into a happy one.

"Oo. Alam mo yung salitang joke?"

Then, back to blank again. He looked down the floor. Leaning on his left.

"Sorry na."

Naglakad si Abby papunta kay Prince. Yumuko si Abby. Hindi level kay Prince pero mas mataas ng kaunti. Inangat ni Abby ang ulo ni Prince para magkakitaan sila. Hindi tumingin si Prince kay Abby.

"Best, ako nang bahala. Trust me."

"Talaga?"

"Oo. Bihis ka na."

"Anong susuotin ko?"

"Casual lang. Isipin mo ordinary school day lang ito."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Hindi ko pa alam. Haha."

"Wow."

"Bihis ka na. Hintayin kita sa baba."

Nagdadrama lang ba si Prince? May ready na kasi siyang damit. Jeans. Gray shirt. Wax ng konti sa buhok. Sporty na sapatos. Bumaba na siya.

Nasa couch naman si Abby. Checking on her phone. Nagtext na rin sa parents niya. Nagpapaalam ata. Di ko alam kung saan. O di ko lang nabasa kasi bumaba si Prince at nakatuon sa kanya ang camera.

Tumabi si Prince kay Abby.

"Saan ba tayo pupunta? May naisip ka na ba?"

"Oo naman. Ako pa?"

"Wow. Galing. Saan nga?"

"Bakit ko sasabihin?"

"Ako kaya magdadrive."

"Hahaha. Sabagay."

"Ano saan na?"

"Sa sasakyan ko na lang sasabihin."

Sumakay na sila sa sasakyan. Same position. Katulad ng usual. Driver seat. Passenger seat. Walang dead air. O ano? Hindi ko alam. Pero siguro naman hindi masyadong maraming ganito.

"Saan na tayo?"

"Basta. Andar ka muna."

Lumabas ng gate ang sasakyan. Syempre may nagpatakbo. Pero it stopped. Hindi alam kung saan pupunta. Parang yung driver lang.

"Then?"

"Actually, di ko rin alam kung saan e. Maybe, pili ka na lang sa dalawang kamay ko. Kanan o kaliwa?"

"Uhmmm. Kaliwa?"

"Sure ka na ba?"

"Siguro. Wala naman akong magandang basis for making a decision. First thing comes first na lang."

"Okay. Tagaytay na lang tayo."

"Whaaaat?"

"O bakit?"

"Kagagaling lang natin ah."

"Trust me. Meron pa tayong di napupuntahan."

Naguguluhan si Prince. Gusto niyang tanungin kung saan kung pinili niya yung kanan. Gusto. Kaso mukhang the choice has been chosen. Mahirap na. Baka sa huli masisisi niya lang ang sarili kung bakit yon ang pinili niya. Pero weird lang ang lahat.

"Bakit kasi hindi kanan ang pinili mo. It would have been better."

"Bakit naman?"

"Tagaytay rin yun eh. Hahaha."

"Wow. Anong pinagkaiba? Bakit mo pa ako pinapili?"

"Syempre meron. Basta."

"Saan ba sa Tagaytay?"

"Sa may bahay namin."

"Sige."

Parang replay ang lahat. Same destination. Pero iba ang suot. Iba ang intensyon. Iba ang kasama. Iba ang plano. Iba ang lahat. Parehas lang ang pupuntahan.

Weird rin ang mga conversation nila. It was like saying goodbyes. Parang less of kulitan. Less funny moments. More on serious stuffs. Still, the boundary is not yet crossed.

Abby checked her phone. Binasa ang text ng daddy niya. Si Prince naman nagpaalam via voice call.

Nothing new actually on their conversations. Less pictures nga lang. More on sight seeing. Puna dito. Puna doon. Chika. Kwento. Everything is normal.

At parang parehas kami ng nararamdaman ni Prince. Wala na siyang maisip. Same as I do. They keep me hanging. Unpredictable. Di ko ma sila mabasa. Kung ano na. Kung bakit. Kung saan. Kung paano. Kung fu!

Sound trip. Archie. Miley. Freestyle. MYMP. Nina. Southborder. iPod.

Hindi naman nagtagal. Finally, Starbucks na sila. It was just 5 minutes sa bahay nila Abby. 1.5 km.

"Best, pumunta tayong Tagaytay para mag-Starbucks? Sayang sa gas."

"Woah. First time I hear you say that. Haha."

"Starbucks lang ba ipununta natin? Maraming kape sa bahay. Haha. Sana don na lang."

"Of course not. Pancake house. Haha"

"Ewan ko sayo."

"Galit ka na nyan?"

"Asa ka. Libre mo ko."

"Balik mo lang yung dati. Mas gusto ko yun."

"Asa. Libre mo ko dali."

"Demanding ka na boy ha!"

"Tae. Ano ba? Libre mo na ko. Frappe lang."

"Frappe ka dyan. Money down."

"Adik mo. Pakiss nga."

May napatigil. Sino? Check it out. Yung babae na nasa likod nila. She's 20-25. I think. Uhm. Not so slimy. Hair's brown. Might have been dyed. Maybe, she's just shocked of things. Conservative? Wow. Got shiny nails. Haha.

"Ayoko na. Kalokohan na yan."

Nakalabas na si ate. Boyfriend niya ata yung kasama e. Sweet-sweetan ang drama nila e. Ewan. Hindi ko alam.

"Seryoso. Pa-kiss."

"Ewan ko sayo."

"Libre mo na ko?"

"Oo na. Basta alam kong uutusan naman kita someday e. Haha. Kasama ba doon ang libre?"

"Asa to."

"Order na. Enjoyin mo lang ang araw na to."

"Sige lang. Alam mo naman e."

"Okaaaay."

Hindi sila ang focus ng camera. Parang papasok yung arrive ng camera. Pababa. Then papasok sa loob. May hagdan. Pero dumeretso sa may magandang view. Kita mo yung taal. Siyempre sa tulong ng mga ilaw. Then, pumaling lang sa kaliwa yung camera. Presto! Sila na.

They had a weird conversation.

"Best, tingin mo end of the world na sa 2012?"

"Hindi ko alam. Siguro. Hindi ko alam."

"Kung totoo yun, anong gagawin mo?"

"Magpapakasal na kagad? Magkakaanak? Magkakaapo? Hindi ko alam."

"Family ha."

"Ikaw ba?"

"Hindi ko rin alam. Anghirap naman non."

"Hindi mo lang siguro alam ang priorities mo."

"You mean priority mo ang pag-aasawa?"

"Hmmmmmm."

"May dapat ba akong malaman?"

"Meron. Wala pa."

May paluan na na naganap. May umiwas. Pero siyempre di yun papayag. Papayag? Na makahampas. At malaman na rin kung 'meron' na yun. Pero siyempre sa bagay na yan wala siyang nahita.

"Best, ano na bang plano mo?"

"Plano? Saan?"

"Sa buhay mo."

"Ahhh. Meron na siguro."

"Uhmmm. Ano?"

"Mag-aasawa. Hahaha."

"Seryoso ako."

"Papakasalan mo ko?"

"Lakas mo, boy!"

"Haha."

"Anoooo nga kasi?"

"Bakit mo ba gustong malaman?"

"Masama na bang magtanong?"

"May bayad."

"Magkano?"

"Kiss. Kaya mo?"

"Sus. Naman. Ako pa. Kiskis kita sa pader."

"Oo na. Sasabihin na. Mahal ko buhay ko."

"Bibigay ka rin pala e."

"Tikas mo kaya."

"Naman."

"Plano? Siyempre work. Experience muna. Siguro 3-5 years. Tapos magtatayo ako ng sarili. Pamilya. Yon siguro. Ikaw ba?"

"Bukod sa tapusin ko muna ng isang taon pa. Hahaha. Gagayahin lang kita."

"Napaka-authentic ha."

"Naman. Nakakatouch ba?"

October 10. Almost 9:30 PM. Still, andoon pa sila. Kwentuhan. It was not the perfect gimik. Pero it was fun.

Fun naman ang element ng kung anong bagay ang nagpapamukhang perfect ng kahit ano e. Without it parang wala lang. Pero, siguro marami pang elements ang kulang. Hindi lang natin napapansin pero siguro meron na.

"Best, kwento ka naman."

"Anong ikukwento ko? E parang alam mo naman lahat e."

"Hindi rin. Parang lang."

"Ano ba gusto mong malaman?"

"Uhmmm. Kahit ano?"

"Kahit ano? O si ano?"

"Sino?"

"Kunwari ka pa. Alam kong alam mo na."

"Hindi ko nga alam pangalan non e."

"Bakit mo ba gustong malaman?"

"So, I can help you out?"

"Bakit mukha bang hindi pa ako over sa kanya?"

"Hmmm. Yup?"

"Hindi ah. Nakatulong ka na. Don't ask me why and how."

"Why and how?"

"Angkulit. Ayoko baka pagsisihan ko lang ang lahat."

"Trust me."

"Hindi sa di kita pinagtitiwalaan. I don't trust myself. I should say this. Trust me."

Mukhang serious mode na sila. Pero mukhang may pupuntahan naman ang usapan nila.

"Okay."

"Uhmmmm. Paano ko ba sisimulan ito?"

"Alin?"

"Uhmmmm. Maybe, eto na yung last na lalabas tayo ng ganito?"

"Bakit? May problema ka ba? Aalis ka ba? Saan? Bakit?"

"Dami mo namang tanong. Kasi..."

"Kasi ano?"

"Kasi busy sched? Saka..."

"Saturday? Sunday?" Di na ba pwede?"

"Saka marami na kasi akong aasikasuhin. Baka aalis aalis ako. Puntang ibang lugar."

"Bakit? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ngayon ko lang din nalamanan. If I had time, hindi sana ganito."

"Best, naman e."

"Mamimiss ko to. Mamimiss kita."

"Di ko kaya pag wala ka."

"Ako rin naman. Pero kailangan. Kung pwede naman iba na lang. Iba na lang sana. Pero hindi e."

"Ang unfair mo naman e."

Medyo iba na talaga ang mood.

"Kaya nga kahit wala akong maisip kung saan tayo ngayon, I insist. Alam kong baka last na ito. At ayokong kaunti lang ang maalala ko kapag mangyari na ang lahat."

"You'll be coming back, won't you?"

"Oo naman. I'm just saying. Baka hindi na ganito."

"Ano na?"

"We'll be having texts, chats and less of gimiks."

"Ano bang nangyayari?"

"I don't want to spoil this moment. Next time na lang."

"Uwi na tayo. Pagod ka na siguro."

"Sige."

October 12. 9:00 AM. MIT.

"Uy, alam niyo na ba? Si Karen daw. Ikakasal na."

"Talaga? Kanino daw? Balita ko wala na sila nong boyfriend niya ah."

"Ewan. Di ko alam."

Bulungan sa hallway. Incidentally, narinig naman ni Abby. Parang affected siya masyado. At napagtahi-tahi niya ang lahat. Goodbyes. Last gimik. Whatever.

Comments

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT