ADTW. PART 7. merry CHRISTMAS!

-----------

Lahat naman sa kanila ay hindi na naligo since pupunta din naman sila sa beach. Except for Lara. Ang sosyalera. Vain kung vain. Fashionista. Hindi lang basta basta ternista lang. Maarte na kung maarte. Pero mabait siya. Super feminine version ni Abby. Less the beauty by 4 times. Increase intelligence by 0.8. Minus sporty. Pero, malaki ang difference nilang dalawa. I'll make kwento next time. Aww. Nakakahawa rin pala siya.

Hindi ako ganoon nakapagsalita kanina. Shocked? Oo. Kinabahan? Sobra. Kinilig? Ewan. Natawa? Super. Nagulat? Yeah! Mixed emotions ang nangyari. Speechless ang kinalabasan. Ang weird nga. Parang scenes lang sa pelikula. Parang nanunuod ako ng fantasy. Parang hindi ba? O medyo ano.

Beach ang destinasyon nila. Matabungkay. Maraming beaches ang pwedeng pagpilian. Hile-hilera kasi sila. Isang beach na nabili ng iba't ibang tao. Thus, naging iba-ibang beaches ang lumabas.

On the road na ang set-up. Kung before si Abby at Prince ang nasa Fortuner, sina Paul at Bryan naman ang nasa Frontier. Sila Lara, Denice at Karen naman ang magkakasama sa Altis. At, mag-isa si Jake sa Hilux. Naiba na. Sa Frontier, andun sila Paul, Bryan, Lara at Denice. Sa kabila naman, sila Abby, Prince, Jake at Karen sa Fortuner.

Sa kabila, nandoon nakalagay ang pagkain. Mga ihaw-ihaw. Drinks. At iba pa. Malaki-laki rin kasi ang space sa likod ng Frontier. Kasama na rin doon ang damit ng apat na nakasakay. Camper shells? Pwede. Sa isang sasakyan naman, nagdadrive si Prince. Katabi niya si Abby. Anong bago? Palagi namang ganoon. May kasama lang sila. Si Jake at Karen. Pero kahit may tao sa likod nila hindi pa rin napigilan ang usual kulitan nila.

"Best, sabi na na-enjoy mo yung kagabi e."

"Gusto mo ng repeat mamayang gabi?"

"Hahahaha."

"Gusto mo talaga no."

"Best, mas intimate na!"

"Don't worry! I'll give you what you want!"

Medyo natutuwa si Karen. Jawdrop pa rin si Jake. At chorus naman sila sa pagtawa. Parang ganoon pa rin sila. Parang. Hindi lang nila alam na kahit papaano ay may nagbabago sa kanila. Kung ano man yun. Hindi ko alam. O kung alam ko man, hindi siguro dapat sabihin. Kung may alam ka quiet ka na lang. Para kasing you are preparing for a prank and it ended up na ikaw ang na-prank. Weird pero nakakagulat. Anong koneksyon? Wala. I just want to insert it.

There was nothing unfamiliar to the conversation. Kulitan. Tawanan. Pa-cute. Cute. Umaarte na sila. At higit sa lahat nagrerespond naman yung isang partido. Pero, I can't help not to mention this.

Jake: Dude, kayo na ba?

Abby: Shut up! What the hell is that?

Prince: Dude, hindi ah. Masyado lang pihikan ang best friend ko. She needs to see someone better than me.

Karen: Woah! Cheesy ba?

Abby: Best?!

Prince: Di ba sabi mo?

Jake: I think I am.

Karen: Better than Prince? (roll eyes)

Abby: No way.

Prince: If you wish.

Jake: What's the matter?

Prince: Wala naman.

Abby: Play some good music, best!

Karen: That would be the best idea!

Hindi siguro iyon ang pinakanakakatawa nilang pag-uusap sa sasakyan na iyon. Hindi rin siguro yun ang pinakanakakainis. Hindi rin pinakanakakaaliw. Pero, it has something to do with reality - their reality. Ang totoo. Hindi naman ngayon pero bukas.

Sa kabila naman. Hindi ganoon ka-remarkable ang pinag-uusapan nila. Or they haven't talked at all. Sound trip lang sila. Mojofly. Sessionroad. MYMP. Freestyle. Band fever.

Denice: Are you sure na doon niyo pinasakay si Jake?

Lara: Girl, I know they can handle this. Perhaps.

Chunks lang ang binigay ko na detail inside the car. I hope na magkwekwento sila about this kapag nagkita-kita na sila mamaya. Hindi ko naman intensyon na-i-cut short ang istorya. I know gusto mo ng kaunting details. Pero, naniniwala ako mas magugustuhan mo ang susunod na eksena. Di man ako direktor. I know what the audience wants.

Akala ko tuloy tuloy na ang byahe nila papuntang Batangas. But, after 30 minutes, di na kinaya ni Prince ang pagdadrive. Kahit may tulong pa ng Cobra, Sting at Lipovitan, wala pa ring epekto. Tinawagan ni Abby si Paul para i-drive ang Fortuner ni Prince.

Paul: Kaya mo pa?

Prince: Oo. Kaso baka hindi ko na kayanin mamaya. Sumasakit na ulo ko e.

Umalis na ang Frontier. Si Lara na ang nagdadrive. Kailangan pang ipa-gas ang Frontier. Medyo malayo pa ang gas station.

Jake: Ako na lang magda-drive.

Abby: Too late the hero.

Jake: You call me hero?

Prince: Dude, ikaw na. (Bumaba na sa driver seat.)

Umupo na si Jake sa driver seat. Si Paul naman ang sa tabi niya. Si Prince ang nasa likod ni Jake. Si Abby ang nasa gitna nila ni Karen.

In a few minutes, nakatulog na si Prince. Nakaakmang akbayan si Abby pero nakasandal ang kamay sa upuan. He was leaning towards the window. Hindi ko alam o sadya niya yun. Pero mukhang ayaw niyang masandalan ang best friend.

Hindi masyadong kaskasero si Jake. Enough para makatulog si Abby. With her shades on, hindi mo alam na nakatulog siya. Until you see here na nakalean kay Prince. On his chest. Pero hindi rin siya ganoon ka-smooth magdrive. Dahil after few more minutes, nagising naman si Prince. In that position siya nagising. He was gentleman para subukang hindi gumalaw or wag gumalaw na magpapagising sa best friend.

Biglang nagsalita si Paul. Hindi nila alam na nakamasid sila sa kanilang dalawa. Trying to keep their eyes unnoticed. Pero, he broke the ice.

Paul: Did you just act na inaantok ka?

Prince: (in a soft voice) Hindi ah. Inaantok talaga ako kanina. Bigla na lang nawala.

Karen: Angsweet niyong tingnan. Haha.

Prince: Bakit palaging kami ang topic?

Paul: May something kasi.

Karen: Bakit hindi niyo pa aminin.

Prince: Ang alin?

Jake: Pwede ba?

Paul: Pare, bakit parang affected ka?

Medyo nagkagulo sa sasakyan. Umingay. Kaya nagising si Abby.

Abby: What's the commotion all about?

Karen: Si Jake.

Paul: Si Prince.

Jake: Si Paul.

Prince: It's you.

Abby: Huh?

Hindi man magkasundo ang apat. Pero natawa sila doon. Straightforward man o trip lang. Na-enjoy pa rin nila ang lahat.

Prince: Play this.

Inabot niya ang CD ng freestyle kay Paul. Ininsert naman ni Paul ang CD sa player. Medyo mahina pa ang volume noon kasi kagabi ay pinahinaan ni Prince para kay Abby.

Paul: Anong track?

Prince: Kahit ano na.

Abby: Sweet Sexy Thing

Paul: Okay.

Live @ Araneta ata yung album. I was not in the position to see it clear.

"Sweet sexy thing bring your body to me. Baby I'm in the mood to make sweet love to you. Waited so long, now, I've got you alone. You sweet little, sweet little sexy thing."

Sabay sabay sila. Though yung iba sweet sexy thing lang talaga ang alam. Ang iba ay nagmemurmur na lang. Halata naman e. Pero it's a good effort na katunog naman ng totoong lyrics. Iba naman ay kunwari ayaw pang kumanta pero kumakanta din naman.

Halatang hindi sila ganoon kabata. That was so long ago. Pero, na-retain pa rin sa utak nila ang kanta. But, I had to admit the song was good. And also the band. Hindi ko man genre yun, I bet magaling sila.

Dahil sa Freestyle hindi naging nakakaantok ang byahe. Patok talaga ang Freestyle sa lahat ng ages. Kahit magpalit palit sila ng band members, vocalist as long as their sound is there, AYOS!

Masaya rin kasi yung album na yun. It was fun. Hindi emo ang dating. Tama lang for that occasion. Enough siguro ang mga kanta ng Freestyle para sa lampas na isang oras nilang byahe. Siguro. Lalo na na naulit pa ng isang beses ang Sweet Sexy Thing.

Pagkatapos non ay Play naman ang tumugtog. May Good Evening Araneta pa! The whole thing was fun. May sasayaw. May kumakanta. May nagdadrive. May parang.

There were no more important na lines silang binitawan.

Prince: I ......

All: Let you go I want to say I

Prince: love you. (nakasecond voice)

Yun na ata ang last song. Before I Let You Go. The next thing I know ay nasa harap na sila ng isang beach. Hindi man kasing puti ng sa Boracay. Pero pwede na. Minsan hindi naman importante ang lugar. As long as you are with the ones who are important to you. Additional na lang kung maganda ang place.

Almost 8 na sila umalis ng Tagaytay. Nag-ayos pa sila ng gamit. Bumili na rin ng ibang supplies para sa beach mamaya. Malapit lang yun sa village. A few blocks away. Also, malapit lang sa main road. Sa main road makikita mo yung Starbucks na madalas nilang puntahan. Nila, I mean, Prince at Abby.

Almost 10 na ata sila nakarating. Hindi naman masyadong traffic. Pero, hindi rin kasi sila nagmadali na makarating kaagad. Mabilis naman na naka-catch-up ang Fortuner sa Frontier. Nagkita sila sa gas station. Okay na si Prince. Nagising siguro sa Freestyle sessions. Okay na rin si Abby. Nakatulog na siya. Mas nag-enjoy siya sa tugtugan.

Are you asking about the place? Uhm. Alam ko lang yung katabi ng beach na ni-rentahan nila.

Hindi ito kasingganda ng sa kanila. May parking space naman sa mga darating. Siyempre sand din yun. May isang mahabang table kung saan pwedeng kumain. Gawa yun sa kawayan. Matibay naman. Estimated na tao na pwedeng umupo ay 15. May concrete hollow block naman na nagseseparate sa beach at sa kainan nila. Mali. Hindi pala. Kawayan lang pala. Pero parehas lang ng beach na pinagliliguan.

Nahihiwagaan ka siguro sa akin kung paano ko nalalaman ang lahat ng ito. Hindi ko rin alam e.

Pagpasok mo doon sa nirentahan nila sa gate na kulat puti at makikita mo ang bahay na puti. Bungalow type ito. May parking space rin. Conrete naman. Enough lang para sa dalawang sasakyan. Kita naman ang videoke na nandoon. Kita rin naman ang isang malaking kubo na pumapagitan sa dalawang nabanggit ko. Nagsisilbing CR yun para sa kabilang establishment.

Pagpasok nila sa bahay, inayos na nila nag lahat ng gamit nila. Ang pagkain nilagay nila sa dining room. Mga gamit naman sa sala muna. Pero ang iba nilagay na sa kwarto.

Tatlo lang ang kwarto. Hindi na alam ang room assignments. Hindi napagplanuhan ni Abby or ni Prince o kaya ninuman. Supposedly, parang sa bahay lang nila Abby ang set-up. Pero dahil hindi nila alam na ganito ang mangyayari. Then...

Jake: Boys on one room. And the girls on the other.

Karen: Parang ayaw mo lang magkasama yung dalawa.

Prince: Okay na yun. Baka pagsamantalahan pa ako nito. (Inakbayan ang best friend.)

Abby: Talaga ha? (Nginitian ang best friend tapos ay siniko niya ito sa tiyan.)

Hindi naman malakas iyon. Sanay na siya. Nananakit si Abby. Pero immune na si Prince. Parang sa batuhan lang nila. Magaling bumato yung isa. Yung isa naman expert sa pagsalo. Someone has fallen.

O parehas kaya sila - Nagtawanan. Nagkulitan. Pero kasama na ang iba. While some are practicing their culinary expertise, ang iba naman wala lang. Nag-iihaw sila Prince, Bryan at Denice. Magagaling sila sa pagluluto. Hindi lang pala yun. Multi-tasker pa. Kasi nagluluto rin sila ng kanin. Then, nagpreprepare din ng desert.

Si Lara, Abby, Paul at Jake naman ang naiwan sa sala. Naglalaro sila ng cards. Pusoy dos ata. Yung diba yung highest yung dos na diamond, next yung heart, spade then clover? Tapos pinaka mababa yung tres? Pwede ring bumuo ng combination? Yung ata yun.

May kulang ba? Si Karen? Oo nga no. Ayan. Nasa labas siya. May kausap sa phone. Hindi ko alam kung sino. Pero parang malungkot siya. Uhmm. Parang iiyak na rin. Kanina pa ata siya doon. Pero, I have a hint kung sino.

Nakabukas ang malaking pinto papuntang beach. Malapit din doon kung saan nag-iihaw ang tatlo. Kitang-kita rin ng mga naglalaro ang mga nag-iihaw. Kita mo ang usok. Ang beach. Pati na rin ang daraan.

Tapos na ang usapan nila sa phone. Nakayuko si Karen. Poise pa rin ang paglakad niya. May dating pa rin. Dumaan siya sa may mga nag-iihaw. Nakita iyon ni Abby. Napansin din siya ni Prince. Nag-alala si Prince. Sinundan niya si Karen. Nakita ni Abby. Affected ba siya?

Flush ang nasa baba. Ang nagbaba non ay si Paul. Hawak ni Abby ay Full House.

Jake: Pass

Lara: Pass

Abby: (Nakatingin sa pintuan.) Pass.

Hindi ko alam kung may ibang style siyang binabalak. With that she can alreaady win. Kasama ng Full House niya ay isa pang sais na diamond.

Buti naman at naubos na ang cards ni Lara. Naibaba ni Abby ang flush. Hindi siya natalo. Hindi rin siguro halata na nakita niya yun at naapektuhan siya. Pero, ikaw? Tingin mo hindi?

Hindi naman siya makaalis doon. Kahit gustong gusto na niyang malaman kung anong nangyari o nangyayari. Ayaw din niyang makasama pa si Jake. She is waiting na sunduin siya ni Prince. Pero parang hindi posible ito ngayon. Marami siyang ginagawa.

Hindi naman nakakainis si Jake sa tingin ko. Mabait naman siya. Siguro. Pero ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw makasama ni Abby si Jake? Sabi nga nila, crush ni Abby si Jake before. Is that a form of pagpapapansin? O talagang may dahilan?

Huwag mong i-misinterpret na isa itong reality show. I assure you hindi. Ito ay totoo. Wag mo ring isipin na ito ay parang iniisip ko lang ito. Wag.

Wala pang 12 ng matapos ang kanilang pagpreprepare. Tapos na ang lahat ng lulutuin. Itinabi muna nila ang pagkain sa dining area. Nakita ni Prince si Abby na nakatingin sa kanya.

Abby: Best.

Prince: Bakit? Namiss mo ako?

Jake: I guess not. Andito naman ako e.

Prince: Hiramin ko muna ang best friend ko.

Kinuha na nila ang gamit nila sa isang room doon. Mag-swiswimming kasi muna sila. Kinuha na ni Prince ang board shorts niya. Nagpaalam siya sa best friend na sa baba na lang siya magbibihis. Hindi na nakasagot si Abby. Parang ambilis naman kasi nawala ni Prince.

May gusto pa man din atang sabihin si Abby. Pero siguro ayos na rin na ganon kasi hindi pa niya alam kung paano, ano at bakit. Parang idea pa lang. Hindi pa nabubuo sa draft. Ewan. Magulo pa e.

Nagswiswimming na yung iba. Si Lara, Denice, Paul, Bryan at Jake. Si Karen naman ay nasa may dalampasigan. May kausap. Naglalakad-lakad naman ang mag best friend. May pinag-uusapan din. Parang masinsinan.

Prince: Best, okay ka lang?

Abby: Oo naman. Bakit mo naitanong?

Prince: Kasi parang kanina may problema ka e.

Abby: Wala.

Prince: Sure?

Abby: Oo.

Prince: O gusto mo lang i-kiss kita? Para sumaya ka na.

Abby: Adik ka! Sige nga!

Prince: Gusto mo talaga?

Abby: Wag na. Baka magselos si Karen.

Prince: Huh? Hindi naman kami ah.

Abby: Magiging kayo pa lang?

Prince: Hindi ah.

Abby: Sabihin mo na.

Prince: Nagseselos ka ba?

Abby: Hindi noh. Marami namang lalaki dyan.

Prince: Lalaki nga lang din ang gusto.

Abby: Hahaha! Hindi ah. Si Jake.

Prince: Sabi na gusto mo siya e.

Abby: Hindi ah. Mas gugustuhin kong wag na lang kaysa siya.

Prince: O ako ang gusto mo?

Abby: Shocks! Paano mo nalaman?

Prince: Nararamdaman ng puso ko. Sa'yo ba?

Abby: Akala ko hindi ko na maitatago.

Prince: Pero?

Abby: Asa! Tara na doon. Ibang resort na to.

Nakita kong tumakbo ang isang babaeng naka-blue na short at white na t-shirt. Mahaba ang buhok niya. Nakalugay. Kaya kita mo kung paano hanginin ang buhok niya. Parang may pictorial lang. Hinawakan niya ang mata niya. Pinunasan o napuwing? Malakas kasi ang dating ng hangin.

Naiwan naman ang isang lalaking naka-board shorts. Blue rin ang kulay may kaunting puti sa gilid. Shades lang ang kasama ng board shorts. Naka-tsinelas rin siya. Paano naman ang mga bato sa mga buhangin. Pati na rin ang mga seashells. Hindi siya ganoon kaputi. Pero hindi rin maitim. Tama lang. Nakaayos rin ang buhok niya. Yung parang bagong gising.

Sa kabila ng alon ng dagat. Kantahan sa videoke. Narinig ko pa rin ang bulong na iyon. "Sana totoo na lang iyon." Galing sa puso. Walang halong joke. Tapat. May kalungkutan din na kasama.

Hindi nila namalayan na mag-aalas dose na. Nag-ayos na sila ng kakainin. Mainit pa naman ang pagkain. Kumain sila sa labas ng bahay. Doon sa may pinag-ihawan. Mayroon din kasing lamesa don sa labas. Yung iba nakatayo. Yung iba nakaupo.

Marami silang pagkain. May barbecue. Bangus. Refrigerated Cake. At mechado na niluto ni Denice. Si Abby at Karen na ang nagvolunteer na mag-urong. Si Lara at Paul naman ang nakatoka na maglinig ng dining room.

Abby: Karen, kunin ko lang yung dishwashing liquid sa sasakyan.

Prince: Samahan na kita.

Karen: Sige lang. Take your time.

Prince: (Tumingin kay Karen. Pabulong.) Thank you.

Dumaan sila sa sala. Nauna si Abby. Nakahabol naman si Prince. Sabay sila na lumabas ng pinto. Binuksan na kagad ni Prince ang Fortuner niya.

Prince: Galit ka ba?

Abby: Hindi ah.

Prince: Parang hindi ka masyado nagsasalita.

Abby: Kailangan ba sabihin ko sa'yo?

Prince: Sorry na.

Abby: Akala ko ba babantayan mo ako. Alam mo naman ayoko sa kanya ah.

Prince: Sorry na. Hindi na kita iiwan.

Abby: Ewan ko sa'yo.

Prince: Ano bang gusto mo? Lumuhod ako? (Luluhod.)

Abby: Alam mo ba yung salitang joke?

Prince: Seryoso ka bo o ano?

Abby: Joke nga.

Prince: Hindi na kita kailangang bantayan?

Abby: Best, bantayan mo ako. Plsss.

Prince: May sakit ka ba? Hahaha.

Abby: Nakakainis ka.

Prince: O sige. Bili na lang tayo ng pagkain sa labas para hindi na kami magluto.

Abby: Thanks, best!

Pumasok na sila. Kahit parang may nag-iba, okay naman sila.

Abby: Nakalimutan ko yung kukunin ko.

Karen: Okay lang. Nandito pala.

Abby: Hahaha.

Tanghali na. Hapon na. Pa-gabi na. Nagswiswimming lang sila. Pa-minsan minsan umaahon. Yung iba gumagawa ng castle at kung anu-ano pa.

Hindi ko alam kung anong meron sa beach. Hindi ako fan ng beach e. Mahapdi sa mata ang tubig. Pumapasok sa damit ang buhangin. May kung anu-ano ka pang maapakan. Weird.

Bumili na lang ng manok sila Abby sa labas. Dahil na rin sa pangako nito sa best friend. Nagkulitan sila sa sasakyan. Tinatanong kung ano na sila ni Karen. Wala naman makuhang sagot ang dalaga.

Pagkabalik nila ay nailuto na nila ang iba pang pagkain. Masaya sila. Kakain na naman. Parang hindi sila napapagod. Balak pa nilang magswimming ulit. Ayos!

Gabi na nga. Kaunti na lang ang nandoon. Sa tulong ng mga torch ay nagkaron ng liwanag doon. Ang ganda pa ng ambiance.

Nagswiswimming naman ang iba. Lahat pala sila bukod kina Abby at Prince. Naglalakad-lakad ulit sila. Medyo mabagal na ang takbo nila. Mga one foot per second siguro.

Abby: Best, ano na bang plano mo pagka-graduate mo?

Prince: Hindi ko pa alam. Gusto ko magtrabaho muna tsaka na ako magtatayo ng firm.

Abby: Saan ka magtatrabaho?

Prince: Hindi ko alam. Kung saan may magandang offer o yung magandang experience.

Abby: Paano ako?

Prince: Hindi ko alam, best. Gustuhin ko man na isama ka, e mukhang ayaw mo.

Abby: Hindi naman. Hindi ko rin kasi alam ang mangyayari. Gusto ko sabay tayong magtatrabaho.

Prince: Pwede naman. Paano kapag nagkaboyfriend ka na? Tingin mo ganito pa rin tayo?

Abby: Oo naman.

Prince: Siguro, ikaw. Pero yung boy friend mo. Tingin mo ba hindi siya magseselos sa kin?

Abby: Hindi ko alam.

Prince: See. Hindi mo alam. Hindi ko rin alam. Kaya hindi ako makapagplano.

Abby: Bahala na ang tadhana.

Prince: Parang hindi naman ata tama yun. Paano kung pwede mo namang baguhin iyon, hindi mo ba gagawin ang lahat para umayon sa gusto mo?

Abby: Ewan.

Prince: Tara, upo muna tayo.

Abby: Bakit?

Prince: Basta.

Abby: O bakit nahiga ka na dyan?

Prince: (Nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya. Nakatingin sa langit. Nakataas ang isang tuhod niya.) Best.

Abby: (Nakaupo. Sumusuporta sa katawan ang dalawang kamay. Nakatingin sa dagat.) Ano?

Prince: Paano...

Abby: Anong paano?

Prince: Ah eh. Paano kung ligawan kita? May pag-asa ba ako?

Abby: Hmmmm.

Prince: Ano?

Abby: ...

Prince: Wag mo nang sagutin. Joke lang yan! (Sabay takbo papunta sa bahay nila.)

Abby: I hate you!

Hinabol ni Abby si Prince. Nagpahabol si Prince kay Abby.

Minsan masaya rin ang ganito. Naghahanap. Nagpapahanap. Pero hindi mo alam, andyan na pala siya. Hindi mo lang pinapansin. Minsan mali tayo ng inaakala na siya. Nabubulagan lang sa bagay na gusto natin. Mas importante sa nakikita ang nararamdaman. Minsan nakakalito. Para kasing parehas. Nakikita. Nararamdaman. Isa lang ang sigurado kapag andyan na siya parang iba.

Comments

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT