A DEAL TO WIN. (WITH PART 4)
Kapag di mo ba naman nagets.
Characters:
Abby - isang perfect na babae. Almost perfect. OK ang grades. Hanep sa extra-curricular. Ayos ang pamilya. Thumbs up sa ugali. Kaso nega ang love life. Will she find the perfect way to win her guy?
Prince - isang dakilang best friend. best friend ng lahat. best friend ng bigo sa pag-ibig, sa pamilya, sa pag-aaral at sa lahat ng bagay. Best friend ni Abby. Will he be the prince to his lucky girl?
---------------
Gabi na. 6:01 PM ng isang malungkot ng gabi ng September. 6:30 PM ang simula ng party at ang escort ng debutante ay wala pa rin. Aburido na si Abby. Wala pa si Prince. Twenty nine minutes to go, the party has to start, whether they like it or not. Nakakahiya sa mga bisita. Nakakahiya.
Isang malakas na tipa ng piano ang bumungad. Sumunod na ang vocals ni Miley. Hudyat na tumatawag na ang kanyang eskorte. "At last! I've been calling you. Now, what?", bungad ni Abby sa best friend. Wala siyang naisagot.
"You can't make it, do you?"
"Best . . ."
"Ano? Tell me."
"Emergency lang talaga. I hope you understand. This thing, I can't control."
"Best! This is just once in my life. I will never be 18 again. Whatever it is, you must be here! We've been planning this, since I met you."
"Please understand. You know how much I prepared for this. I know how important this is to you. But . . ."
(She hanged up.)
"Dad . . ."
"What's wrong, my princess? Will he not make it?"
"Yes, Dad. (starts to cry)"
"Princess, I know him. And I know you know him. He doesn't turn you down. Maybe, there's really an emergency."
"But . . ."
"Don't be selfish, dear. Things will be okay. I promise."
6:30 PM. Dumilim ang hall. Dumilim na rin ang pag-asa ni Abby na magkakaron ng masayang 18 roses. 18 roses - 1 important rose = devastated debut.
Dahil hindi makakarating ang escort, nagulo ang programme. Nauna na ang 18 candles. Sinunod ang 18 treasures at 18 shots. At umaasa pa rin ang debutante na makakarating ang kanyang eskorte. Umaasa na dumating. Umaasa.
8:15 PM.
"Are you still waiting?"
"Dad. . ."
"Why don't you give him a call?"
"I don't want to."
"You're hurting yourself, princess. He said he can't go. Why don't you believe him?"
"I'm just hoping he can still come."
"We shall start. I asked Jake if he can be your escort. You have crush on him when you were young, don't you?"
Ngumiti na lang siya. Pero di masaya. Di siya masaya.
She changed her clothes. She changed her mind. Sigh.
First Dance. Of course. Her dad.
"Princess, are you now okay?"
"Quite, Dad. I don't expect this would be happening."
"Forget about it. This is your day. This is your night. Cheer up!"
Second Dance. Third Dance. Fourth Dance. . . . . Penultimate Dance. Her brother.
"Lil sis, have I told you you're pretty tonight?"
"C'mon."
"Yeah. No kidding."
"Ok. What favor do you want?"
"I'm not kidding. I hope you would like our surprise for you."
"What surprise?"
"You'll see it soon."
Last dance. . .
(Light goes off.)
May narinig na sigaw mula sa babaeng nagulat sa pagkawala ng ilaw. Lalo pang nalungkot ng dalaga dahil sa akdsidenteng ganito. Hindi inaasahan. Hindi karapat-dapat. Gusto na niyang umiyak. Gusto na niya talaga. Wala siyang escort. Wala siyang matinong party. Wala! Lahat ng pinagplanuhan niya ay nasira. At higit sa lahat, wala ang best friend niya na pwede niyang iyakan. Wala.
Paiyak na siya nang tumugtog ang piano. May ilaw mula sa itaas kung saan siya kanina ay bumaba. Hindi si Miley. Pero ang best friend niyang si Prince. "I can almost see it. That dream I'm dreaming but. There's a voice inside my head sayin, You'll never reach it. Every step I'm taking, Every move I make feels. Lost with no direction. My faith is shaking but I. Got to keep trying. Got to keep my head held high."
Napangiti ng todo si Abby. Pagbaba ng best friend, dala ang rose, ay agad siyang niyakap ni Abby. Tuluyan ng umiyak ang debutante. Hindi dahil sa lungkot. Dahil sa saya.
"There's always going to be another mountain. I'm always going to want to make it move. Always going to be an uphill battle, Sometimes you going to have to lose, Ain't about how fast I get there, Ain't about what's waiting on the other side. It's the climb"
And the rest is up to Miley. Si Miley na ang nagpatuloy. Nagsayaw na lang ang dalawa. With the conversation,
"Best, do you hate me for that?"
"Almost! At nang-aagaw ka pa ng eksena ha."
"Di naman. Ayos ba?"
"Ayos?! Ayos bang paiyakin ako for my debut?!"
"Technically speaking, 'di mo debut ngayon. Bukas pa. September 20 right? September 19 lang ngayon. It happens lang na Sunday ang birthday mo. That's why, they chose to celebrate it today."
"Okay. You won. Still, I hate you for that!"
"Wait. Akala ko ba almost lang? Bakit ngayon you hate me na?"
"Hahahahaha."
"Na-disappoint ka ata na hindi si Jake ang escort mo ngayon e."
"Hindi naman. Slight lang. Ha! Ha!"
"Ouch! I thought you would be happy with me."
"Akala mo lang yun. Hahaha!"
"(sad face)"
"Best?"
"Hahahahaha! Got 'ya!"
"Hmp!"
"Seriously, you're gorgeous."
"(blushed) I know. Hahahahahaha!"
"Lakas mo talaga! Umaapaw ka sa self-confidence. Pahingi naman."
"Di mo na kailangan. Kumanta ka nga in front of them oh."
"Pahingi na para makausap ko naman si Karen."
"Yihie!"
"Hahahaha. Selos ka no. Hahahaha."
"Oo. Hahaha."
"Sabi na e."
"Feeling mo naman! Hahaha. Thanks, best!"
"Huwag sa'kin. Sa parents mo. They all planned for this. I'm just one of their accomplices."
"Pero, best, thank you talaga."
Sumingit na si Miley. "Keep on moving. Keep climbing. Keep the faith baby. It's all about. It's all about. The climb. Keep the faith. Keep your faith." Tinapos na niya. Pero di pa tapos ang gabi. Hindi pa.
Nag-uwian na ang halos lahat ng guests sa debut. Naiwan na lang ang close friend ni Abby. Mixed. Boys and Girls. Konting picture taking. Marami pala. Konting chikahan at intrigahan. Marami rin pala. Konting tawanan. Ang lakas pala.
10:00PM. Naglilinis na ang mga waiter. Tapos na ang party. Di pa nagbibihis ang celebrator, as well as the escort. Nasa stage sila. Nakaupo. Nag-uusap. Masinsinan.
"Best, fourth year na tayo."
"Hoy, Boy Genius, ikaw lang."
"Ano ka ba! Seryoso."
"Oo nga. Fourth year na tayo. Malapit na tayong grumaduate."
"Super. Parang ilang tulog at pagpupuyat na lang yan."
"Anong plano mo?"
"Ewan. Baka maghanap ng trabaho sa firm."
"Ang trabaho na ang pupunta sa'yo. Ito naman oh."
"Parang di naman."
"E sa'n mo naman balak magtrabaho, best?"
"Sa abroad?"
"Iiwan mo ako?"
"Sasama ka ba kapag inaya kita?"
"Ewan."
"See."
"Uhmmmmm. Ewan. As much as possible, ayokong iwan sila Daddy at Mommy."
"Hayyyy."
"Grabe. Ang misteryoso ng future no."
"Syempre. Kung alam mo na ang future mo, wala ng thrill ang buhay. Alam mo na yung gagawin mo. Alam mo na ang purpose mo. Parang naging makina na ang tao. He is doomed to do certain things At yung at yun na lang. Nawala na ang essence ng pagiging tao natin. That is, to err."
"Sa bagay."
Nilabas ni Prince ang iPod niya with matching Lego speakers. Pag-press niya ng play, kumanta na ng u-wo niya si Archie. "Accidentally, on purpose. I dropped my watch behind the tire. Threw my alarm clock inside the fireplace - Yeah" at "And I put the parental control on. On the news and the weather channel - Uh. I'm outside in my robe. I'm looking for you - Oh"
Natigil ang pag-uusap ng dalawa. Nakasandal na si Abby sa balikat ni Prince. Nakayakap naman ang isang kamay Prince kay Abby sa baywang. Alam na giniginaw ang dalaga sa suot nito.
Patuloy lang si Archie sa pagkanta. "If everything stopped. I'd listen for your heart. To lead me right to you - Yeah. I tried every way I can."
Hinawakan ni Prince ang kamay ni Abby. Hinawakan niya ng mahigpit. "But it's harder to hold on. To your hands than the hands of time. I need a hand. Girl I'm trying to hold on, Losing strength in these hands of mine. I need you here." Humawak din ng mahigpit si Abby. Sumabay na sila kay Archie.
Natapos na ang kanta. Naubos na ang battery ng Lego speaker ni Prince. Naubos na rin ang lakas ni Abby. Nakatulog na siya sa balikat ng best friend.
"Sir, tulog na ang girl friend niyo."
"Ssshhh. (pabulong) Kuya, di ko siya girl friend. Best friend ko lang siya. Malisyoso naman ni Kuya. Hahaha."
Binuhat na ni Prince si Abby. Papunta sa parking lot. Papunta sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pintuan ng Fortuner niya. inupo ng maayos si Abby at nilagyan ng seatbelt. Pumasok na sa sasakyan at pinatakbo. At nang nasa harap na sila ng bahay nila Abby.
"Best, kung alam lang ng lahat ng manliligaw mo kung gaano ka kalakas maghilik. Hahahaha."
"zzzzzzzzzZZZZ"
"(hinawakan ang mukha) Ang ganda mo talaga."
Kinuha niya ang SLR na camera niya at kumuha ng pictures. May maganda. May hindi. It's all about her.
Nadala na niya si Abby sa kwarto niya. Gising pa ang Daddy ni Abby. Tinawag niya si Prince para makapag-usap-usap sila.
"Iho, salamat sa paghatid mo sa anak ko dito ha."
"Wala po yun. Best friend ko naman si Abby e."
"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Scholar ka pa rin ba?"
"Okay naman po. Scholar pa rin naman po."
"Mabuti naman. Ano naman ang plano mo pagkagraduate mo? Saan ka magtratrabaho?"
"Di ko po alam. Siguro sa isa sa mga firms dito. Depende po."
"Iho, payo ko lang sa'yo, alam kong kahit saan matatanggap ka dahil sa ganda ng grades mo. Pero piliin mo yung gusto mo hindi dahil sa laki ng sweldo, kundi doon ka sasaya."
"Salamat po. Sana yung di masyadong malayo. Para ...."
"Para di mo maiwan si Abby?"
"Isa na rin po yun. Antagal na naming magkaibigan ni Abby at parang hindi ko po alam kung paano mabuhay nang wala siya sa tabi ko."
"Prince, lalaki sa lalaki. Bilang Daddy ni Abby, gusto kong tanungin ito."
"Ano po?"
"Mahal mo ba siya?"
"Po?!"
"Sabi ko, mahal mo na ba siya?"
Natigilan si Prince. "Coffee, boys!", sabi ng Mommy ni Abby. At napabunting-hininga si Prince.
"Prince, di mo na kailangan sabihin. Alam ko na."
"Po?"
"Alagaan mo ang prinsesa ko ha."
12:00 AM. September 20, 2009. Nagpapaalam na si Prince sa Daddy at Mommy ni Abby para umuwi na pero hindi na siya pinayagan ng mga magulang ni Abby. Pinatutulog na nila si Prince dahil delikado na rin at pagod na rin siya. Baka mahirapan itong magdrive ng sasakyan niya.
"Puntahan ko lang po si Abby ha."
"Sige lang, Iho."
Kinakabahan si Prince bago kumatok sa kwarto ni Abby. Wala namang sumasagot kaya binuksan na niya ito. Nakita niyang natutulog ng mahimbing ang dalaga. Paglapit nito sa kama niya.
"Best..."
"Oh? Di ka pa umuuwi?"
"Happy birthday, Best!"
"Thank you."
"Gising ka muna, best."
"Bakit ba?! Wala ka namang ibibigay sakin e. Inaantok pa ako."
"Gumising ka na muna. Kelangan ba kapag ginigising ka may iibigay?"
"Oh ano? May ibibigay ka ba?"
"To naman o. Kahit bagong gising, may tama!"
"Hahahaha."
"Eto oh."
Pinakita niya ang isang maliit na box. Binuksan ito at nakita ang magandang kwintas. Sa silver na kwintas, may mga diamante na bumubuo ng letrang A.
"Best... Thank you!"
"Wala yun."
"Ang ganda. Grabe ka naman magregalo. Paano na kaya kung girl friend mo na ang niregaluhan mo??"
"Ewan. Di pa naman ako nagkakagirl friend e."
"Hayaan mo, ilalakad kita kay Karen."
"Talaga?"
"Bakit parang natuwa ka naman masyado??"
"Di naman. Hahaha."
"Hahahahaha."
"Anong balak mo bukas? Mamaya pala."
"Ewan. Di ko alam. Gusto mo trinoma tayo?"
"Game!"
"Game! Game! Game!!!!"
"Sunduin kita dito?"
"Wag na. Ako na lang ang pupunta sa inyo."
"Ha?"
"Akala mo naman ikaw lang ang may kotse?"
"May tsikot ka na rin?"
"Yeess. At ginaya mo ko. Fortuner ang sakin. Green nga lang."
"Wow. Kaya pala pinagdriving lessons ka nila Tito."
"O siya. Tulog muna ako. Puntahan na lang kita bukas ha."
"Okay, best, good night."
Paglabas niya ng kwarto ng best friend ay nagpaalam na siya. Kailangan daw niyang umuwi sa kanila. Wala naman silang magawa. Inassure na lang ni Prince na kaya niyang umuwi sa kanilang maayos.
1:15 AM. Umaga na. Patulog pa lang si Prince. Di na siya nakapagpalit ng damit. Nakatulog na rin siya sa pagod. Airconditioned ang kwarto. About 40 square meters ang area. Nakabukas pa ang Plasma TV habang tumutugtog ang "My Hands" sa surround sound niya.
Nakanta na ni David A. ang lahat ng kanta nito sa album nito. Nakanta na niya ang Crush. Natapos na rin niya ang A Little Too Not Over You. Pati ang masaya niyang Touch My Hand ay paulit-ulit na niyang nakanta.
8:00 AM. September 20. Isang simula ng bagong araw. Isang simula ng magandang linggo. Kumanta na naman ng uw-o niya si Archie. Medyo gising na si Prince. Medyo lang. Hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya.
"Best, wake up! Andito na ko."
"(sleepy) Anong oras na ba?"
"Eight o'clock."
"Ang aga pa kaya. Let me sleep, best."
"Kawawa ka naman best. (sabay kurot na ilong ng kaibigan)"
"Ikaw ang nagsimula ha. (kiniliti niya ang kaibigan sa tagiliran)"
Naghabulan sila sa 40 square meters niyang kwarto. Hindi naman masyadong maluwang pero may sapat na space pa rin na pwedeng pagtakbuhan. Napasigaw na si Abby na hudyat na umaayaw na siya. Nagpamaywang na lang si Prince.
"O ano? Ikaw kasi e."
"(nakatitig sa best friend na kahit bagong gising ay naka-tux pa rin) . . . ."
"Ano? (hingal)"
"Oo na. Talo na ako sa'yo. Pero."
"Pero ano?"
"Ang cute mo pala kapag nakatux ka. Magtux ka na lang palagi pagpasok."
"Adik. Ano naman kaya sasabihin ng mga tao sakin don?"
"E di ayos. Ang gwapo mo kaya."
"Sus. Nambola pa. Di ko birthday ngayon ha."
"Hehehehe."
"Kumain ka na?"
"Uhmmm. Hindi pa."
"Tara kain tayo sa baba."
Bumaba na sila. Nakaalis na ng kwarto pero kumakanta pa rin si Archie. Nakabukas pa rin ang airconditioning unit sa kwarto niya. Nasa third floor ang kwarto ni Prince.
"Best, bakit walang elevator dito? Anglaki laki ng bahay niyo. Ayaw mong palagyan?"
"Ayos lang yan. E ilang floors lang naman kami. Sayang lang."
"Sabagay."
Umupo si Abby malapit sa counter. Malapit sa two-door fridge. Malapit kay Prince.
"Best, bakit ikaw ang gumagawa niyan?"
"Kaya ko naman 'to e."
"Dami niyong maids e."
"Ayoko namang umasa sa maids. I have to be independent. Kung anong kaya ko, e di gagawin ko."
"Wow."
"Parang ilang beses mo ng tinatanong yan. At 'yan pa rin ang reaksyon mo."
"He he he."
Nagluto ni Prince ng omelet. Omelet na may punung-puno ng...
"Best, ang tagal naman. Hahahaha!"
"Teka lang po kamahalan. (ngiti)"
Nagtawanan ang dalawa. Nagkaintindihan. Nagkaunawan.
"Eto na po. (binaba ang naluto sa lamesa) Kuha ka na lang ng bread don."
"Fine. Hahaha."
"Kain na tayo."
"Oookay."
"Best?"
"What?"
"Yan talaga suot mo mamaya?"
"Ano namang masama dito? Mango shirt? Preppy shorts? Nice flops?"
"Uhmmm."
"Ano ka ba?! Of course, I can't go with these. I brought some clothes."
"Okay. Akala ko."
"Anong akala mo?"
"Wala. Haha."
"Hmmmmp."
"Kain ka na dyan."
Natapos na silang kumain. Natapos na nilang iligpit ang lahat. Pero di pa rin maubos ang pagkwekwentuhan nila. Kahit paulit-ulit, parang bago lang sa kanila. Parang.
"Ligo na ko ha."
"Sige, bihis na rin ako sa guest room."
"Sige. Pa-lock na rin yung kwarto paglabas mo ha. Baka silipan mo pa ko e."
"Ayoko nga. I want to see your body. Bwahahaha."
"Sabi na may pagnanasa ka sa akin e."
"Hahahaha."
"Sige na."
Patuloy pa ring kumakanta si Archie. Tapos na ulit ang Crush. Pati ang A Little Too Not Over You at My Hands. Nag-intro na siya ng plucking ng gitara. "Sitting all alone in your room. Thinking that the world's let you down, mhm. All you ever wanted to do is trust. Someone to always be around. You've had a lot of lessons to learn from, mhm. Some of them hit you so hard. And I keep believing someday you'll see. You don't have to be alone."
Lumabas na si Abby ng kwarto. Nagbibihis na siya ng damit niya. Naliligo pa lang naman si Prince.
Chorus na at parang may tinatamaan. "There's somebody out there, somebody somewhere. To show you the tenderness you need. Somebody to hold you. When worries control you. I'd give anything if only you knew it was me, oh, ooh."
Naka-repeat-one na ang player ni Prince. Naka-apat na kanta din si Archie sa Somebody Out There. Naka-apat na beses ding kumakanta si Prince na kasabay si Archie. Kakalabas lang niya. Nakatowel lang. Nakasocks na. Nakapants na rin. Naka-Adidas na rubber shoes na din siya. At kulay gray pa. Nakashirt na rin siya. Simple lang. Bench shirt. Blue Green. Nakawax na rin ang buhok niya. Nakataas na ang buhok niya. May konting nakapaling sa kanan.
Nakapagpahinga na rin si Archie. Matapos ang magdamagang pagkanta. Matapos ang walang-sawang sound-trip niya. Lumabas na siya ng kwarto niya. Umaamoy ang Penshoppe na pabango niya. Pababa na siya sa sala. Nakaupo si Abby. Nakaskinny jeans. Naka-chucks. Naka-simpleng white shirt with prints lang. Nakalugay lang ang buhok niya na lampas sa balikat nito. At suot ang kwintas na binigay ng binata.
9:00 AM. Lumabas na sila ng bahay nila Prince. Wala ang parents niya. Nasa ibang bansa. Bukas pa ang balik. Umalis na sila papuntang Trinoma. Naka-green na Fortuner. Amoy bago pa. Amoy ano.
"Best, simba muna tayo. Birthday mo eh."
"Okay. Saan?"
"Day By Day tayo. (smile)"
"Okay. . . E di ba sa Folk Arts yun?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Sa MoA na lang kaya tayo?"
"Bahala na."
Almost 10 AM na. Ayos na para sa second service. Nakahanap na sila ng mauupuan. Hindi masyadong gitna pero kita naman ang mga nasa stage. Malamig rin ang lugar dahil sa mga evaporative AC's. Medyo luma na ang lugar dahil kahoy pa rin ang floorings pero matibay pa naman.
Nagsimula na ang kantahan. Awitan. Sayawan. Ang lahat ng tao ay kumakanta ng taos sa puso. Sumasayaw na parang hindi kahoy ang sahig. Ang bawat indak ay nagpaligaya sa buong lugar. Damang-dama ang papuri ng mga tao sa Diyos. Kasama sa kanila sila Abby at Prince.
Scriptures. Sermon. Buti na lang may Bible sila sa cellphone. Nasabayan nila ang bawat sinasabi ng pastor. Patalon-talon ang verses na ginagamit. Mayroon sa Luke, Mark, John, Psalms at marami pa. Parehas silang nanalig. Kahit medyo iba ng relihiyon. Born Again si Prince. Katoliko naman si Abby. Pero walang kaso. Alam naman nila na pangalan lang ang ipinagkaiba nila. May mangilan-ngilan na pinagkaiba pero parehas lang naman sila ng Diyos na sinasamba. At higit sa lahat, di naman sila maliligtas ng relihiyon. Only by God's grace, we are saved.
12:35 PM. Tanghali na. Gutom na sila. Sakto ang dating nila sa Trinoma. Diretso kagad sila sa third floor. California Pizza Kitchen.
"Best, anong gusto mo?"
"Libre mo?"
"Oo. Ayaw mo?"
"Wow. First time. Hahahaha."
"Ako na nga lang mag-oorder. Baka kung anu-ano pa orderin mo e."
"Hahahahaha."
"Garlic Cream Fettuccine, Original BBQ Chicken Chopped, Asparagus Soup and Cafe Latte."
"Wow. Best, you really know me. Hahaha."
"Of course."
"For her, Adobe Chicken Chowder, Pesto Cream Penne, Field Greens and Strawberry Banana."
"Wow. You're really my best friend. Hahaha."
Ibinababa na nila ang menu. Inulit ng waiter ang kanilang order. Inalok sila para sa dessert. At sabay nilang nasabing.
"Tiramisu."
After one hour, tapos na silang maghintay. Tapos na rin silang kumain ng soups. Tapos na rin sila sa Pasta. Patapos na rin sila sa mga salads nila. Parating pa lang ang dessert nilang Tiramisu.
Halos fifteen minutes din nilang pinagsaluhan ang Tiramisu ng CPK. Fifteen minutes na nag-enjoy sa masarap na dessert na kahit kailan ay di nila nakakalimutan. Fifteen minutes.
"Hey. Bakit ka nakatulala, Mr. Genius?"
"Ha? Wala. Teka, anong balak mo ngayon? Saan na tayo pupunta?"
"Nuod tayo ng sine?"
"Ano naman?"
"Uhmmm. The Proposal?"
"Sino ba bida don?"
"Si Sandra Bullock at Ryan Reynolds."
"Ayaw mo ng Harry Potter?"
"Ayoko non."
"E horror? Wala ba ngayon?"
"Ayoko non. The Proposal na lang kasi."
Binayaran na ni Abby ang bill nila. Hindi na nakita ni Prince ang resibo. Umalis na lang sila. Papunta sa sinehan. Tama naman at malapit nang magsimula ang pelikula. Bumili na sila ng ticket. Bumili na rin ng maiinom. Busog pa naman sila sa nakain. Umupo sila sa bandang gitna ng balcony.
Tapos na ang pelikula. Alam na ang ending. Natuwa. Nalungkot. Natuwa ulit.
"Uwi na tayo. I promised your Dad to go home early."
"Eeeh."
"Tara na. Next time mo na lang ako i-date. Hahaha"
"Adik ka."
"San mo pa ba gustong pumunta?"
"Kape tayo."
"Saan? Starbucks?"
"Hindi. Sa Fior Cafe. Malapit lang yun."
"Sige."
6 PM. Nakarating na rin sa bahay nila Abby. May dinner na inihanda ang Mommy ni Abby. Nagpaalam na si Prince sa kanila.
"Mauna na po ako."
"Iho, sumama ka na sa amin."
"Hindi po nakakahiya."
"Wag ka ng mahiya."
"Pero...."
Sumingit na si Abby sa usapan nila. "Best, I insist. Ihahatid na lang kita pauwi. Remember wala kang dalang kotse."
"Best, gabi na rin oh. Delikado kapag hinatid mo ako. Di ka pa ganoon kasanay magdrive sa gabi. I can handle myself, best."
"Okay. Call me kapag nakauwi na ka na ha."
"Okay. Tito, Tita, una na po ako."
Sa tulong ng taxi, nakauwi ng maayos si Prince. Maayos naman. At hindi niya nakalimutang tumawag sa kaibigan.
"Nakauwi na ako."
"Okay. Bye."
"Ganon na lang yun?"
"Pahinga ka na. Alam kong pagod ka na."
"Sige. See you tomorrow."
"Bye, best."
Patapos na ang gabi. Halos pa lang. Nag-online sandali si Prince. Nag-Facebook. Nakachat niya ang ilang kaklase. Nakachat din niya si Abby. Nag-offline. Nagbukas ng notes sa Ethics. Nagdagdag ng page sa thesis niya.
----------
6:45 AM. September 21. Monday. Gising na si Prince. Hindi pa si Abby. Nakahanda nang pumasok si Prince. Ayos na ang damit. Ayos na ang sasakyan. Ayos na ang gamit. Hindi pa dumarating ang parents niya. Pero, padating na. Ooops. Kararating lang nila.
"Mom, Dad, how was the trip?"
"Prince, we're so tired. We'll talk about it later."
"Okay, Mom."
"Prince, we got the deal, anyway."
"Need for a celebration, Dad?"
"Ha ha ha. We've got designer clothers for you and your best friend??"
"Dad?"
"How was her debut? Did you enjoy? Did you both enjoy?"
"Dad, I have to go. I still got classes."
Nakasakay na si Prince sa Fortuner niya. Black na Fortuner. Nakaapak na ang Chucks niya sa Gas. Nakasaksak na rin ang iPod nito. Naka-shuffle. Sakto Close ni Paolo Santos ang nagplay. Hindi naka-repeat one. At isang malaking katanungan kung ano ang susunod na kanta. Isang malaking katanungan din ang katauhan ng dalawa. Sino sila? Ano sila? At bakit sila?
Kaka-18 lang ni Abby. Abby for her friends. Aubrey Elise dela Cruz sa birth certificate niya. Born on September 20, 1991. May dalawang kapatid. Si Vince ang panganay na 25 na this day. Walang girl friend ngayon pero makakahanap na. Si Faith ang bunso. 15 years old. Typical na teenager. Peer pressure. Growing-up. Feeling grown-up.
Princess para sa Daddy niya. Angel naman para sa Mommy niya. Kahit na gitna sa magkakapatid, hindi naman siya black sheep. Hindi man kasing-talino ng Kuya niya, still, she can manage to pass her courses. Most of her courses. Minsan pasa. Minsan pumapalya. Okay lang. Never nagka-boy friend. Intimidated kasi ang boys sa kanya. She's pretty. She's good. She's almost perfect. Nakakaintimidate talaga ang super gandang girls na nag-aact as one of the boys. Mahirap i-maintain. Mahirap. Malakas ang dating. Nakakaover power. Nakakaintimidate.
Natapos na si Paolo Santos sa Close. Hindi man umulan, pero may Rainbow galing sa Southborder. Tama lang siyang magpatakbo. Di lalampas sa 80. Di rin naman masyadong traffic. Di rin masyadong maluwag. Marami na rin ang bumibiyahe kahit ganoong oras. May mas magandang kotse kaysa sa Fortuner niya, pero angat pa rin siya sa iba. Alam mo kung bakit? Di ko alam.
Prince? Prinsepe nga ba talaga siya? Prince Edward Locsin. Born on February 12,1990 with one sibling. Duke is his older brother. Almost 27 turning 28 next month. Engaged. Happily? Happily engaged.
Wala namang rivalry sa dalawa. Dahil na rin sa age gap nila, mahirap i-compare ang achievements ng isa't isa. Successful businessman si Duke. Promising engineer naman si Prince. Parehas na maayos ang grades. Mabait. Hindi sakit ng ulo.
Tutok sa pag-aaral si Prince. Social life lang niya ang mga kaibigan. Close friends. Walang night life. Kasama lang niya palagi ang laptop, notes at mangilan-ngilang libro. Twice na nanligaw. Isa sa high school. Isa sa college. Twice na ring na-busted. Di kasi matinong manligaw. Di rin kasi siya yung boy-friend material. Tingin nila ay perfect best-friend material. Matalino. May hitsura. Mabait. Mabait. at mabait. Parang na-boboringan sila sa kanya.
Tapos na ang up-beat. Medyo up-beat. Shuffle leads on mellow. After Southborder, pinasa na niya ang mikropono kay Janno Gibbs. Uw-o na naman pero di katulad ng kay Archie. Iba. May yeah. Fallin' ang kinanta niya. Hindi Heart of Mine. Hindi rin yung kay Alicia Keys yung kanta. Malapit lang naman ang QC sa Intramuros diba. Mga ilang kanta lang ito. Malapit siya sa Parco. Sa bandang likod non. Sa tapat na hilera andun yung bahay ni Tita Cory. Oo. Cory Aquino. Ambait niya. As of now, nakakarecover siya sa sakit niya. Malakas pa. Kaya pa.
Nasa tapat na siya ng Uste. Na-realize niya na medyo awkward sa umaga ang mga mellow. Nilipat niya kagad kay Pareng Kris. Kris Allen. American Idol! Wastin' Time ang pinakanta niya. Tama. Andaming oras ang nasayang niya. Alam niya yun. Alam na alam. Pero, ano?
Ooops. Nagising na si Abby. Iwan na muna natin si Prince. Makakarating din siya sa Intramuros bago mag 7:30. Hindi masama ang gising ni Abby. Wala siya ngayon. Hindi tulad ng dati. Na halos isumpa niya ang tiyan sa sakit. Suot ang kwintas. Kumain muna siya. Matapos ang pagkain nito ng bread, egg and ham at sinamahan pa ng kape, nag-ayos na siya. Nag-ayos ng gamit. Magulong gamit. Napakagulong gamit. Naghanap ng bag. Inilagay ang file case. Puno ng papel. Punung-puno. Bond papers. May sulat. May wala. Sinunod ang binder. May isang notebook. Sinama ang phone, earphones at susi. Naghanap ng ball pen. Presto. Maliligo na siya.
Wait. may nakalimutan siya. Hindi siya nakaplano ng isusuot para ngayon. Dapat kagabi ay nagawa na niya ito. Inilabas ang pantalon from her closet. Pumili ng blouse. Hinawakan niya ang mangas nito at kung saan tumigil ay yun na ang susuotin niya. Galing!
Di tulad ng best friend. Di na niya kailangan ang player para kumanta para sa kanya. Cell phone lang ay ayos na sa kanya. Siyempre si Miley ang pinakanta niya. Lagi naman. Simula ng marinig niya ito noong March 9, 2009, parati na lang si Miley. Buti hindi namamaos si Miley. Buti na lang.
Nakaapat na rin si Miley. Hindi pa rin tapos si Abby. Patapos pa lang. Bago niya makanta ang second chorus ay napatahimik na ni Abby ang ngumangawang cell phone. Nakalabas na siya. Magbibihis na siya.
Nakarating na rin sa Intramuros si Prince. Nagpark siya sa labas. Dun sa may ginibang McDo. Dun malapit sa ginagawang building ng Lyceum. Naglakad na siya papunta sa loob ng MIT. Wala kasi siyang sticker. Hindi naman kasi hinulog ang CM para sa raffle. Ayos lang. Mas madali naman kasi kung sa labas. Tama lang ang dating niya. Malapit nang mag 7:30 AM. Pero kaunti pa lang ang tao. Sa South ang room niya. Malapit lang yun.
Nasa room na siya. Kaunti pa lang ang tao. Mukhang wala ang prof niya. Mukhang wala. Lagi naman e. Umupo muna siya sa upuan niya. Wow. Bago na. Ang dating upuang kombinasyon ng kahoy at bakal ay nagtransform na bilang plastic. Yung parang sa North. Matibay naman. Itim pa ang kulay. Mahirap sulatan ng ball pen. Makakaiwas na sa malulupit na kamay ng mga vandalista sa mundo. Di nga lang makakaiwas sa white ink na maaari nilang gamitin. Pero, mapapalitan naman kasi natatanggal ang sulatan.
Ganon pa din ang kulay. Mint green. Minsan nagiging puti sa mga color blind. Ganon pa rin ang hitsura. Composite ang columns. Habang bumababa ay lumiliit ang section nito. Halata rin na hinati ang isang hall para gawing kwarto. Ang dingding mula sa loob ay halong concrete halong plywood. Tsk.
Anong masama? Hindi naman naigagapos sa room ang matututunan ng isang estudyante. Nasa guro. At nasa estudyante pa rin ang kapalaran nito. Teka, nasabi ko bang Level IV na sila? Ahem!
Nakatapos nang magbihis si Abby. Nakaalis na rin siya sa bahay nila. Kanina pa. 7:30 na siya umalis sa kanila. Aabot pa naman sa 9:00 AM classes niya. Ganito siya noon umaalis kapag nagcocommute pa siya. Noon yon. Pero mali siya.
Dumating ang secretary ng prof nila Prince. Alas otso na rin yun. Ayos lang. At least, dumating pa rin. Nag-iwan na lang ng assignment na ipapasa sa susunod na meeting. Anong bago?
Matapos makopya ang dapat gawin, umalis na ang lahat ng estudyante sa room. Nakakabore kapag nag-stay ka pa. Nakakabore. Wala ka namang mapapala since wala ang prof. Wala. Sayang ang bayad mo sa jeep na hindi naman aandar. Sayang.
Naghintay na lang si Prince sa kotse nito. Fortuner. Black. Ayos. Pagbukas niya ng cell phone nito, nasabi na lang niyang, "As usual." Natambakan na naman siya ng mga messages mula sa mga taong excited sa unli. GM, quote marathon, sharing insights, batian portion at ilang PM. Ilan lang.
"23 messages received."
"22 deleted."
"Di ba nila alam na kapag naoverdo ang pagtetext nila, di na binabasa yung texts nila. Sus."
Ang natitirang message na hindi binura. Hindi napasama sa mga GM, quotes, sharings, batian and the like. Text mula kay Abby. Isang PM. Private Message. "Best, dumating prof mo? Mapapaaga ata ako ng dating e."
Sumagot siya. "Best, dito ako sa labas. Wala si sir. Kumusta phone mo? Naghihinalo na rin ba?"
Habang nagdadrive si Abby. Habang alam na niya ang tumatakbo sa isipan ng best friend. Nagtext ito ng, "Best, malapit na ako. Talk about it later."
Hindi nga siya binigo ng kaibigan. After 5 minutes, andyan na ang kakambal ng sasakyan nito. Fortuner. Green. Buti may parking space pa sa tabi ng sasakyan ni Prince. Nakihitch na lang muna si Prince sa kotse ng dalaga. Nag-usap sila. Masinsinan? Hindi naman.
"Best, chill ka lang okay."
"Nakakainis lang e."
"Ano ka ba? Parang dati hindi ka ganyan ah."
"That's the point. I've been. Kaya nga di na ako nagtetext ng kung anu-ano e. Alam ko kung gaano ka-importante ang isang text na dumarating."
"Delete mo na lang."
"Done."
"Best, canteen tayo. Palamig ka muna."
"Sige."
Umaga pa lang. Medyo marami nang tao sa canteen. Frosh. Sophs. Juniors. Kaunti lang ang mga Seniors. Siguro sila lang. Umupo sila malapit sa may Milo. Soft Freez. Pampalamig ng ulo. Kwentuhan. Kamustahan. Parang hindi sila magkasama kahapon lang. Nagmasid-masid sila sa paligid. Iba na ang canteen. Dati maliit. Dati mausok. Dati maalinsangan. Ngayon iba na. Medyo malaki. Pati tambayan ng mga org nadamay. Di na gaanong mausok. Medyo na lang. Medyo lumamig. Nagmukhang food court ng SM.
Maraming nagbrebreakfast sa canteen. Marami ring naglalunch na. Mas marami ang nagrereview para sa susunod na exam. Mas marami rin ang gumagawa ng mga requirements para sa next class. Kasama na ang lab reports. Assignments. Notes. At iba pa. Mas marami pa rin ang nagkwekwentuhan lang. Nag-uusap. Nang-iintriga. Nag-chi-chismisan.
Okay na si Prince. Hindi na si Abby. Class na niya. Design. Isa sa mga hindi niya gusto. Wala siya sa mood ngayon sa walang patumanggang sermunan at life's lessons. Paulit ulit. Palaging yun na lang. Masakit na sa ulo. Masakit na sa tenga. Nasa second row siya sa klaseng iyon. Ilan lang naman sila. One hour and thirty minutes. Antagal. Sana palaging vacant. Sana lang.
Habang halos magdugo na naman ang tenga ni Abby sa walang hanggang sermon ng prof nito. Kilala mo kung sino? Habang akala ng lahat ay ayos lang. Habangan.
Tipikal na Lunes. Tipikal na tao. May nagkakasakit. May gumagaling. May nauubo. May nilalagnat. May sumasakit ang ulo. May mayroon lahat. Malubha? Ewan.
Nagreresearch sa library si Prince nang nagtext si Abby. Nagreresearch para sa assignment nito. Masipag. Nagreresearch pero sa cell phone na nakatuon ang atensyon. Ah ewan.
"Best, nasan ka?"
"Lib, bakit?"
"Nasa clinic ako."
"Anong sakit mo?"
"Nilalagnat ako e."
"Kelan pa yan? Teka, puntahan kita."
Hindi pa man nakapagreply si Abby, nakarating na si Prince sa clinic. Natuloy ang usapan nila. Hindi na sa text. Personal na.
"Best, kagabi lang 'to."
"Bakit di mo sinabi sakin kanina?"
"E okay pa naman ako kanina e."
"Sana di ka na lang muna pumasok."
"E kasi malapit na ang finals."
"Sana hindi na lang. Pahinga ka na muna diyan. Kakausapin ko na lang muna ang mga prof mo."
"Okay."
Umalis na si Prince. Lumapit ang isang intrigerang nurse.
"Miss, ang sweet naman ng boy friend mo."
"Ate, ang intrigera niyo naman. Best friend ko lang yun."
"Woooo. Parang mahal na mahal ka niya e."
"Caring lang siya masyado. Ate, naman oh."
"Anyway, okay ka lang ba?"
"Medyo okay na rin po."
"Kelan ka ba nilagnat?"
"Kahapon po."
"Anong gamot na ang ininom mo?"
"Paracetamol po."
"Inuubo ka ba?"
"Makati po yung lalamunan ko."
"Okay, as of now, inumin mo muna to. Baka H1N1 yan."
"Di naman po delikado yun diba?"
"Oo. Pahinga lang din at gagaling yan."
"Sige po."
Umalis na ang intigerang nurse. Hindi pa dumarating si Prince. Natagal ang mokong sa pagkausap ng prof at ng mga kaklase ni Abby para magpaxerox ng notes sa mga klase nila. Hindi pa rin dumarating si Prince. Halos 10 minutes na siya. Mali. Ayan na pala siya.
"Best, tagal mo ata."
"Kinausap ko pa kasi mga classmates mo na ipa-photocopy ka ng notes. Buti nga nahagilap ko sila e."
"Salamat, best."
"Best, pasalamat ka ito lang ang klase ko kapag Monday. Maihahatid kita."
"Timing lang akong magkasakit. Nakaschedule."
"To talaga o. May sakit ka ba? Nagjojoke ka pa e."
"Hahaha."
"Buti na lang at nagkaroon tayo ng 10-day vacation dati. Kundi, baka hindi ka nakapag-exam."
"Sabi ko sa'yo timing ako magkasakit e."
"Tara na. Hatid na kita sa inyo. Lakas ng tama mo e."
Lumabas na sila ng MIT. Nakaalalay si Prince kay Abby. Pinagtitinginan sila ng lahat ng tao. Pinagtitinginan sila ng lahat ng may crush kay Prince. Pinagtitinginan sila ng lahat ng may gusto kay Abby. Lahat sila. Pero, wala silang pakielam. Gusto lang nilang matapos ang lahat.
Kinuha ni Prince ang susi ng Fortuner ni Abby. Isinakay niya ito sa passenger seat katabi nito. Nagseat belt na si Abby. Binuksan ni Prince ang engine pati ang aircon. Tumawag muna siya sa bahay nila. Ipapakuha ang sasakyan niya. Buti nag-iiwan siya ng spare key sa bahay. Buti na lang.
"Prince, pano yung kotse mo?"
"Aubrey Elise dela Cruz, tumawag na ko sa bahay."
"Huwhaaat? Did you just call me in my full name?"
"You called me in my first name. I always hear you calling me best."
"Ooookay."
"Anong sabi nila?"
"Baka h1n1 daw."
"What?"
"You've heard me right, H1N1."
"Baka lang naman diba?"
"Bakit? Natatakot kang mahawa?"
"Hindi no. Malakas ata resistensya nito."
"Hmmmp. Anong gusto mong palabasin?"
"Wala naman."
"Weh?"
"Wait, wala ka bang naalala kahapon?"
"Uhmmm. Wala."
"Teka."
Remote please. Flashback. Teka, sobra. Ayan. Sakto.
"(sneeze)"
"Kuya, magpatingin ka sa doktor baka H1N1 na yan."
"Best, don't be so mean."
"Best, I'm not mean. Nag-aalala lang ako. Baka mahawa ka."
"Hindi rin."
Stop. Play.
"Tanda mo na?"
"Yun? Parang hindi naman yun yun. Nabahing lang naman si Kuya."
"Nabahing pero ansama ng ubo niya."
"Ewan. Pahinga na lang muna ako."
"Sige. Gisingin na lang kita kapag nasa bahay ka na."
Naiinip na si Prince sa katahimikan. Oo. Natahimik si Abby. Hindi naman niya magawang magpatugtog ng radyo o makinig sa balita. Baka magising ang kaibigan. Nag-aalangan siya. Pero di niya magawa. Tiniis na lang niya ang katahimikan.
Hinawakan niya ang kaibigan. Medyo mainit ito. Nasa 38 - 40 siguro ang lagnat niya. Inuubo na rin siya.
"Best, okay ka lang?"
Hindi na siya nakasagot. Hindi na rin alam ni Prince ang gagawin. Nagmadali na ito. Buti at medyo malapit na siya. Buti may express way. Buti na lang. Lumampas na siya sa speed limit na 80. Umabot na siya ng 120. Aabot pa ata ng 140. Ambilis. Sana makarating ng maayos ang dalawa.
11:48 AM. Nakarating na sila. Nag-aalala na rin ang mga magulang ni Abby. Buti home-based ang negosyo nila. Andoon sila para alagaan si Abby.
"Prince, salamat sa paghatid kay Abby."
"Wala po yun."
"Kumain ka na muna dito."
"Hindi na po. Andyan na rin po yung driver namin sa labas e."
"Ganon ba?"
"Mauna na po ako."
"Sige. Mag-ingat ka ha."
Andyan na nga ang Fortuner na black. Hindi si Prince ang driver. Pasahero siya ngayon. Medyo problemado. Medyo aburido. Nag-aalala sa best friend. Sana okay lang siya. Nag-aalala sa studies ng best friend. Sana okay pa siya.
Ang aga pa lang pero gusto na niyang tapusin ang araw. Tapusin. Para may bukas na. On the way pauwi, iniisip pa rin niya ang best friend. Huwag naman sana H1N1 ang sakit niya. Hindi niya kayang makitang nahihirapan ang kaibigan. Lalo na't hindi niya kayang alagaan ang kaibigan dahil na rin malapit nang mag-finals. Maraming requirements. Marami. Sobrang dami.
Naka-face mask na si Prince. Ayaw makahawa. In case na may virus na rin siya. Naligo siya. In case may virus siya sa katawan. Uminom ng Vitamins A, C and E. Idinamay pa ang Zinc. Para palakasin ang lungs. In case kakayanin pa ng mga ito. In case.
It was almost 1 PM. Sa kwarto ni Prince makikita ang sinasabi kaninang designer clothes. Nakahiwalay na. Para sa kanya. Para sa best friend niya. Para sa iba pa niyang kaibigan. Alam niyang wala ang magulang niya sa bahay sa ganitong oras. Busy sa trabaho. Busy. Tinawagan niya ang mga magulang para sabihin ang nadarama niya. Self-quarantine. Pero alam niyang wala siyang sakit. Alam niya. Pero bakit parang may dinaramdam siya. Ewan.
On the phone.
"Gusto mong magpa-throat swab?"
"Matagal naman ata makuha yung results niyan e."
"Mabilis lang. May kakilala ako."
"Sige po."
Pagkatapos niyang ma-throat swab. Pagkatapos non. Nag-online muna siya. Walang halong kaba. Ayaw niyang ipakita. Ayaw niyang ilagay na status sa Facebook. Ayaw niyang ipagkalat. Naglaro na lang muna siya ng Happy Farm. Restaurant City. Barn Buddy. Tapos na siya. Hindi naman siya natuwa masyado. Sakto lang. Nag-aalala pa rin siya.
Sinubukan niyang tawagan ang best friend. Gustong itanong kung kumusta na siya. Gusto niyang itanong kung gusto niyang pumunta ito sa kanya. Gusto niya. Gustung-gusto. Kaso. Pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang maistorbo ang kaibigan. Nagtext na lang siya.
"Best, kumusta ka na? Get well soon. ;*"
Ilang beses niyang binasa bago isend. Ayaw niyang ipakita na nag-aalala siya ng masyado. Ayaw din niyang ipakita na hindi siya nag-aalala. Pagkasend niya ay umaasa na mabasa niya ito kaagad. Magreply kaagad.
Apat na oras siyang naghihintay ng reply. Apat na oras na siyang nakahiga. Umuupo. Tumatayo. Naglalakad sa 40 square meters nitong kwarto. Naka-rest mode si Archie at ang iba pa niyang singers. Nakabukas ang mga notes nito. Apat na oras na ang nasayang na sana ay tapos na siyang mag-aral. Apat na oras.
Dinner time. Nasa labas na ang pagkain. Kakain siyang mag-isa. Sa kwarto niya. Para wala siyang makasalamuha. Bilin na rin niya. Ayos. Masarap naman ang pagkain. Pero wala siyang gana. Lutang ang isip. Ang gaan. Parang lobo. May helium. Nakarating ng Bulacan. Hindi naman malayo yun sa Quezon City. Almost 1 hour lang ang biyahe. Kaya pa. Siguro.
Nag-check siya ng e-mail. Andoon na ang lectures for the last week ng term na iyon. Konti lang. Pero medyo mahirap. Prinint niya muna. Pinag-aralan ulit. Tiningnan kung alam pa niya. Galing. Alam na alam niya. Parang kinukuha lang niya ngayon yung mga courses.
Nag-vibrate ang phone niya. Hindi niya alam kung nasaan pero alam niyang may nagtext. Hinahanap niya kung nasaan ang phone niya. Umaasa na hindi spammers ang nagtext. Umaasa na sana ay nabasa na ng kaibigan ang text nito. Umaasa na nakapagreply siya kahit masama ang pakiramdam. Naglalakad palayo sa kama niya. Pinakinggang mabuti ang tunog ng vibrator mula sa cellphone. Mababa kumpara sa normal. Nasa likod.
Hindi nga siya binigo ng pandinig. Nasa kama niya ito. Nagvibrate sa notes nito. 1 message received. 1 hope received.
"Kuya Prince, si Faith ito. Okay naman si ate. Pasend na lang daw ng notes sa e-mail."
"Punta na lang ako diyan."
"Sige daw po."
Nakakain na rin sa wakas si Prince. Ambilis. Nakapag-ayos na rin siya. Ambilis. Nahanda na niya ang dadalhin. Ambilis. Notes para kay Abby. Check. Notes niya. Check. May nakalimutan ata siya. Mukhang may hinahanap e. Wallet lang pala.
Nakalabas na naman ang Fortuner na Black. Buti hindi siya coding. Bukas pa. 4 kasi e. Ayos lang. Ang importante sa kanya ang ngayon. Bumili siya ng ilang prutas sa Parco.
Lumipad na si Superman. Ambilis. Parang may emergency. Buti wala siyang "wang-wang" kundi nahawi na ang daan. Buti medyo sumusunod pa siya sa traffic rules. Buti na lang.
Ang galing. Ang tahimik ng sasakyan niya. Hindi niya pinakanta sila Archie. Hindi niya pinadakdak ang mga reporters ng AM. Hindi rin niya pinahirapang ilipat-lipat ang mga istasyon sa radyo. Concentrated siya pagdadrive. Pagdadrive ng mabilis. Mahinahon. Pero mabilis. Hindi naman siya madalas mag-overtake, pero ngayon parang siya ang hari ng overtaking.
Hindi siya dumaan sa McArthur Highway. Maraming ginagawa. Ma-traffic. Di niya kayang mag-overtake at tumakbo hanggang 140. Di niya madadaanan ang Fatima, SM Valenzuela, at ang ilang bahay na nagiba dahil sa gagawing train. Matagal na yun a. Pero ni isang bakal nagagawing riles wala pang makita. Wala. Kaya nag-NLEx na lang siya. Matino ang daan. Holcim Cement daw ang gamit don. Malay ko. Ewan. Buti na lang nakarating na siya sa simbahang bilog.
Medyo malayo pa siya. Dadaan pa siya sa Renato's. Kung ganon, di na siya dadaan sa 7/11. Hindi na niya makikita ang makipot na daan papunta sa MC Annex. Hindi na rin niya makikita ang dating terminal ng jeep na namatay dahil sa Fortune market. Pero madadaanan niya ang Fortune market. Makikita niya sa gilid ng mata. Hindi naman ito ganoon kumikita. Mahal ang renta. Mas mura pa doon sa bayan. Duon.
Hindi sa Bancal Extension nakatira sila Abby. Malapit na yun masyado sa Valenzuela. Hindi doon. Sa may Banga lang ang bahay nila Abby. Katabi ng isang mala-haunted house na two-storey building. Abandoned na kasi. Katabi ang isang abandonadong eskuwelahan. Lumipat na kasi doon malapit sa sinehan. Para mas kita raw. Parang lang.
Dumaan siya sa lugawan. Hindi siya bumili. Dumaan lang talaga. Less than an hour nakarating na rin siya sa wakas. Medyo mabilis. Mabilis pala talaga.
Kumatok na si Prince sa gate nila Abby. Green na gate. Hindi mataas. Sakto lang para maprotektahan ang sino mang magtangkang pumasok. Pero wala namang nagtatangka. Ewan.
Habang naghihintay, pinagmasdan niya ang bahay nila. Medyo luma na rin. Halata sa mga kupas na pintura. Dahil na rin sa mga bakal na naulanan. Nangalawang. Pero kita mo na magaling ang arkitekto nila. Ang ilang bahay na ganon na din katagal baka mas luma ang hitsura. O kaya sira na. Bago pa man niya masabi ang ilang obserbasyon na bahay nila Abby, napagbuksan na siya ni Faith.
7:30 PM. Kakatapos lang maghapunan nila Abby. Pamilya lang pala ni Abby. Ayaw daw niyang kumain. Hindi pa siya gutom. Wala naman kasing ginagawa. Nakakabagot. Nakahiga lang siya. Buti na lang naimbento ang pelikula. Napanuod niya ulit ang Hannah Montana: The Movie. Isinunod na niya ang Confessions of a Shopaholic. Tawa siya ng tawa. Buti hindi siya ganoon napwepwersa.
"Best?"
"Pasok. (hawak ang unan, kinikilig)"
"Best, okay ka lang."
"Oo. Medyo. (kinikilig.)"
"Ano bang pinapanuod mo?"
"Confessions."
"Bakit parag kinikilig ka dyan? Kinikilig ka dahil dumating ako?"
"Sira."
Kawawang Isla Fisher. Na-pause. Kinikiss pa man din siya ni Hugh Dancy. Gusto din naman ata niya. Ewan. Di ko natanong.
"Kinikilig lang ako sa sinabi ni Luke."
"Ano?"
"Yung she's not my girl friend. She's not you."
"Sus."
"Mas maganda yung sakin."
"Sige nga?!"
"If loving you is a disease, I would find no cure."
"Cheesy naman."
"Kung sino una kong sabihin niyan, siya na talaga."
"Nasabi mo na kay Karen yan?"
"Kumain ka na muna o."
"Nyek. Best, iniiba mo naman ang usapan e."
"Haha. Kumain ka na. Tuturuan pa kita."
"Fine."
Nakakain na rin si Abby. Nakakain na rin ng prutas galing sa best friend. Pagkatapos ay tinuruan na ni Prince si Abby. Salamat sa notes. Salamat sa stack knowledge. Salamat kay Prince parang hindi umabsent si Abby.
Monday palang. Pero parang ansarap nang tapusin ang buong linggo. Pagsubok. Trials. Sakit. Pangamba. Monday pa lang. What's in store for the rest of the week. Ano pa? Kaya pa kaya nila? Monday pa lang. May Tuesday pa. Hanngang Saturday pa sila. Kakayanin kaya? Kaya yan. Aja!
Kung ang tanong na iyan ay mahirap sagutin nang hindi mo alam ang future. Nang hindi mo man lang masilip ang mangyayari kinabukasan. Sa hinaharap. Buti na lang. May remote. May fast forward.
Kinabukasan. Pumasok si Prince. Para sa kanya. Para na rin kay Abby. Dala niya ang bawat notes nito. Requirements na kailangang ipasa. Buti ibang test nila ay tapos na.
Matapos ang klase nito, tinitingnan niya ang mga kaklase ni Abby kung ano ang mga ginawa nila. Notes na rin ang nagsisilbing attendance niya sa klase. Buti excused siya. Buti na lang.
Pagkatapos ng lahat ng klase niya. Dala ang notes niya at para kay Abby. Pumupunta siya sa bahay nila. Tinuturuan si Abby. Nakikipagkwentuhan. Nakikipagkulitan.
Sa loob ng natitirang araw na may pasok siya. Ganito na lang ng ganito. Paulit-ulit. Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo. At buong maghapon ay tinuturan niya siya. Hindi magkahawak ang kamay. Hindi naman El Bimbo yan e. At least alam natin ang nangyari.
Wait. Nasira ang remote. Nawalan ng baterya. Papalitan lang.
--------------
Ayan napalitan na rin ang baterya. Bagong baterya. Mas mabilis. Kaso mukhang maganda ang eksena ngayon. Mukha lang. Ewan. Tingnan na lang natin.
Nalampasan na ang Saturday. Nalampasan na ang oras na nag-aaral ng matino si Prince para sa exam nito. Nalampasan na rin ang sandali na pinipilit ni Abby na tandaan ang lahat ng tinuro ng kaibigan. Nalampasan na rin ang pagdarasal nila para pumasa at magkaron ng mataas na grade. Nalampasan na ang oras na nakakangiti sila dahil sa isa't isa. Nalampasan natin yun. Sayang. Pero ayos lang. Feeling ko naman may next time pa.
Monday. September 28, 2009. Medyo maulan. Medyo malamig. Nakalabas na naman ang Fortuner na black. Hindi na problemado. Hindi na aburido. Hindi na rin naka-mask ang driver nito. Cleared na sa H1N1 noong Wednesday pa. Hindi naman kasi delikado ang sakit na iyon. Naparanoid lang ang mga tao. Naibaba na rin ang pandemic alert ng sakit ng WHO. Halos gumaling na lahat ang nagkasakit nito. Iilan na lang ang tinitingnan. Ang kinakatakutang new wave ay di naman ganon katindi. Ayos na ang lahat. I suppose.
Lahat ng may Math. Mga frosh. simpleng math pa lang. Mga Sophies. Medyo higher level na math. Mga Juniors. Inulit na lang yan. Ibang may majors. Kabilang si Prince. Kabilang na rin si Abby. Kabilang lahat ng naapektuhan ng virus. Naapektuhan dahil nausod ang schedules. Mga planong outing. Mga get-togethers. High school. Tsk.
Okay na ba si Abby? Di ko alam. Parang narinig ko ito sa phone conversation ng dalawa.
"Best, kumusta ka na?"
"Okay na ako. Medyo pahinga na lang."
"Buti naman. Nagpathroat swab ako nong Monday. Kakalabas lang kanina. Wala naman akong H1N1."
"Di pa lumalabas yung sakin e. Baka trangkaso lang to."
"Sana nga. Para makapag-finals ka."
"Sige, best. Pahinga lang ako."
Medyo tanghali nang gumising ang halos lahat ng may exam. Hapon naman kasi nagsisimula ang mga exam. Kaya ang iba sa kanila. Gumagala muna day before. At sa umaga na lang yan pumaparaan na mag-aral. Sa kasamaang palad naman, may mga temptasyon pa rin na magaganap para hindi sila makapag-aral nang matiwasay. Kawawa. Tsk. Nakahanay na sa mga ito ang internet, cell phone, games, movies at iba pa. Maaari na rin nating itago sa pangalang kaibigan ang iba. Kapag maswerte ka naman sila ang makakatulong sa'yo para makapagtino ka.
Madalas mangyari ang tulungan na ito sa mga 2nd year. Well-bonded na ang mga yan. Dumaan na sa hirap ng mga assignment. Dumaan na ang mga yan sa terror na prof. Dumaan na rin ang yan sa mga professors na sure pass. Magkakasama ang mga yan sa library. Minsan naman sa bleachers. Madalas sa galaan. Pero pagdating ng mga bandang third year, mahirap nang maulit pa ang lahat. Nagkakaiwanan. Nagkakaunahan. Nauuna ang mga matatalino. Nakikisabay ang mga malakas ang appeal at PR. Sumasabit pa diyan ang mga specific na grupo ng mga istudyante - ang mga strawberries. Strawberry. Very straw. Straw as in panipsip. Sipsip. At sa kasamaang palad, naiiwan ang mga slow learners. Slow executors at ang mga mapapride.
Napindot ko ata ang fast forward. Bigla na lang gumalaw ang oras mula umaga papuntang hapon. Hapon na! Exam na nila. Tara.
Nandoon na lahat ng mga mag-eexam. Halu-halo ang naroon. May mga frosh. May mga iba pang year levels. Makikita mo rin ang mga fashionistas. Feeling fashionistas. Mga jinajabar. Mga fresh. Mga haggard sa pag-aaral. Mga haggard sa paggawa ng kodigo. Mga confident. Mga tumatawag sa lahat ng santo na magkaroon ng milagro sa grade nila at sa pag-iisip ng professors nila.
Nakapasok na ang mga naka-schedule na mag-exam. Yung mga ibang pumasok sa room ay yung mga maagang pumasok at bakante ang room nila. Yung iba naman mga nag-maaga lang para makapag-aral. Kasama na si Prince sa mga pumasok dahil exam na nila. Medyo nakapag-review naman siya ayon sa nakita ko.
Iilan lang sila sa room. Ganoon pa rin ang kulay. Sa south kasi. Mint green na nagiging puti sa mga color blind. Bago na ang upuan. Pero iilan pa lang talaga ang tao sa room. Ganoon lang talaga ata sila. Tipong lampas lang ng kaunti sa minimum na allowed na estudyante sa isang klase. Kaunti lang ang regular takers.
Pagkatanggap ng questionnaire nagdasal agad si Prince. Sana ay gabayan siya sa pagkuha ng exam. Sana mataas ang kanyang makuha. At sana maalala niya ang napag-aralan niya noong week-end. Sana. Sana talaga.
Pero bakit first question pa lang wala na siyang maisulat. Walang maisagot. Strategy ba ito? Mukhang hindi. Hawak ng dalawang kamay niya ang ulo. Sinasabunutan. Matindi. Parang wala siyang maisip. Wala siyang maisulat. May balloon na lumabas sa ulo niya.
Lumabas ang Pythagorean theorem. Sumunod na ang sine at cosine laws. Humarurot naman ang formulas sa area at volume. Sumama naman ang general equations ng locus ng points. Nakakagulat naman ang related rates. Sumabay pa ang mga chemical reactions. Syntax naman ang mga umariba. Mga bulate at functions ang sumunod. Nagpakitang-gilas ang mga i. Umentra naman ang mga matrices. Nagpakita na ang Newton's Laws of Motion. Lumabas naman ang mga instrumento sa surveying. Mga beams naman ang nagpakita sa balloon. Archimedes' Principle naman ang umeksena. Elecrtic current ang nanguryente sa mga orthogonal curves. Andaming sumusulpot. Pero wala ang kailangan niyan impormasyon. Wala ang napag-aralan niya. Bumabalik lang ang lahat. Simula ng first term. Simula noon. Pero wala ang ngayon.
Bumilis ang paglabas ng mga bagay - mga figures, equations, laws, principles, at iba pa. Hindi sila makausad dahil sa isang tao. Dahil sa kanya. Ang maganda niyang buhok. Maitim na buhok. Lampas sa balikat. Mapupungay na mata. Matangos na ilong. Mamumula-mulang labi. Malalim niyang dimple sa kanang parte ng kanyang mukha. Hayyy. Best friend.
Bumabagabag sa kanya ang best friend. Dahil ba mahal na niya ito? Wala siyang kontrol sa nadarama. Hindi niya maloloko ang kanyang isipan.
Nagulo ang lahat. Parang sinipsip ng vacuum ang eksena. Dumilim. Biglang lumiwanag. Binuksan ni Prince ang kanyang ilaw. Isang panaginip. Masama at magandang panaginip. Masamang pangitain para sa exam kinabukasan. Linggo na nang madaling-araw. Nakapaghanda siya ng todo sa tulong ng inspirasyon. Sa tulong na rin ng sariling kaisipan. Magandang panaginip sapagkat binisita niya ang kanyang diwa. Kahit sa gabing parang tahimik na ay ginugulo pa rin niya para mas maging maligaya ito.
Gumawa ng sariling monologue si Prince.
"Panaginip?
"Parang may naiwan na libro tungkol diyan si Abby a."
"Teka, parang andito lang yun."
(Naghalungkat ng mga libro sa cabinet. Hinahanap ang maliit na pulang libro.)
"Eto na nga iyon. (Hawak ang nasabing libro.)"
Hawak na niya ang pulang libro. Maliit. May mga kakaibang linya sa cover nito. Ito ang librong naglalaman ng mga ibig sabihin ng mga panaginip. Pero, in general ang buong context ng mga ito. Makakatulong naman siguro ito. Siguro.
Nakita niya ang ibig sabihin ng dugo. Isang senyales ng buhay daw. Pero una niyang nasulyapan ang ibig sabihin ng mga langgam sa panaginip. Mga bagay na nakakapagdulot ng inis sa iyo raw. Nahanap na niya ang ibig sabihin ng exam. Mahaharap daw sa sitwasyon na masusubukan ang tiwala.
Isang oras lahat naganap ang nangyari sa kanyang panaginip. Katumbas ng 5 oras na kanyang pagtulog. Alas onse na siya nakatulog. Alas kwatro siya nagising. Medyo naghahabol ng hininga. Hinanap ang libro. Medyo masaya. Tiningnan ang cell phone kung may nagtext.
Nagdasal siya na sana ay hindi mangyari ang napanaginipan. Sana ay hindi siya mangamote sa exam dahil sa kaibigan. Sana ay hindi rin mangyari sa kaibigan ang ganon. Sana ay bisitahin siya ng kaibigan sa panaginip pero hindi na masama ang mangyayari.
Matapos magdasal. Matapos muling magbuklat ng notes. Matapos huminga ng malalim. Matapos mag-alala. Matapos lahat ng bagay na gusto niyang gawin para mapanatag. Muli siyang bumalik sa pagtulog. Umaasa na sa pagtulog ay ayos na ang panaginip. Umaasa na muli siyang dalawin ng kaibigan.
Wala na siyang natandaan sa sumunod niyang panaginip. Hindi na ako naglapastangang umusisa. Hindi rin naman nakita. Hindi kaya ng zoom. Isa lang ang napansin ko, nangingiti si Prince. Mukhang maganda. Mukhang okay naman.
Kumpleto ang walong oras na tulog. Lumabis pa nga. Nagising na siya ng mag-aalas onse ng umaga. Antagal ng tulog niya. Pero tama lang naman ito. Nag-ayos na siya ng dadalhin sa pagkuha ng exam. Nag-ayos na siya ng sarili. Pinakain ang sarili pati ang isa pa nitong aspeto. Nag-ayos na rin siya ng mga files sa utak. Ginawang primary ang mga kakailanganin sa exam. Secondary na lang iba pa. Pero naka-bookmark ang lahat ng memorya tungkol sa kaibigan.
"Best, kumusta ka na?"
"Okay lang ako, best."
"Kaya mo nang mag-exam?"
"Oo naman. I-peperfect ko nga yun e. Galing kaya ng tutor ko!"
"Sino ba tutor mo? Paturo naman sa kanya?"
"Hindi mo-afford. Masyado siyang mahal."
"Wow. Ganon?"
"Oo."
"Teka, ikaw lang mag-isa papasok?"
"Ihahatid ako ni Kuya."
"Ah ok."
"O sige. Alam ko namang okay na ang exam mo e. Hindi ko na itatanong."
"Ganon?"
"Syempre! Ikaw pa!"
"Teka, nanaginip ako. Hindi daw ako makasagot sa exam. Hay."
"Naku, hindi totoo yan, best. Baka, wala kang hindi masagutan."
"Hindi ko daw maaalala lahat ng na-aral ko."
"Bakit naman?"
"May nagba-block ng memory ko."
"Ano?"
"Hindi ano. Sino."
"Sino?"
"Hindi ko alam. Basta tanda ko maganda siya."
"Wow. Soulmate mo ata yun best."
"Ewan. Di ko alam. Sana. Siguro."
Hindi niya masabi na siya yung babaeng yun. Hindi niya kaya. Nagpatuloy na lang siya sa pag-aayos. Nagpatuloy sa lahat ng dapat niyang gawin. Nagpatuloy sa buhay. Nagpatuloy sa pagdrive. Nagpatuloy hanggang sa lahat ng bagay na nararapat ay nangyari na. Nagpatuloy hanggang sa exam niya. Nagpatuloy hanggang sa matapos ito. Nagpatuloy hanggang sa makarating si Abby sa MIT. Nagpatuloy hanggang sa matapos na rin siya. Nagpatuloy hanggang sa makita niyang tapos si Abby. Nagpatuloy hanggang sa makausap niya ang mga kasabayan niya sa pagkuha ng exam. Nagpatuloy hanggang sa makita niyang tama naman ang sagot niya at sagot ng iba. Nagpatuloy hanggang sa makita niyang ayos na si Abby. Nagpatuloy hanggang maihatid na niya si Abby sa Fortuner nito sa green. Nagpatuloy hanggang sa simula nang idrive ng kuya ni Abby ang Fortuner nito. Nagpatuloy lang hanggang sa lahat ng bagay ay nasa ayos na. Kahit sa sandaling panahon. Kahit sa isang saglit man lang ay umayos ang lahat. Siguro. Sana. Ewan.
Sa susunod na exam, ayos na ang lahat. Wala nang panaginip tungkol sa exam. Tungkol sa langgam. O kahit sa dugo. O kahit ano pa man. Hindi na rin nagpakita ang kaibigan sa panaginip niya. Hindi pa.
Wala namang kakaibang nangyari sa exam. Hindi na uso ang garapalang cheating. Hindi na uso ang nagliliparang papel. Hindi na uso ang palitan ng sagot. Hindi na rin gaano uso ang tanungan sa katabi. Hindi na rin uso ang kalokohan ng mga estudyante para pumasa. Wish ko lang.
Ayos namang natapos ang 1st term ng 4th year nila. Galing. Kaso hindi nakagala ang block nila dahil na rin iba-iba na ang sched. May mga mag-eexam pa. May mga may tatapusin pang requirements para pumasa. May iba namang di na gaanong active sa school. At may sakit si Abby. Hindi na sila nakapag-mall-hopping tulad ng dati. Hindi na sila nakanuod ng kahit ano pang bago o magandang pelikula. Hindi na sila nakakain sa restaurant o kahit food chain na ililibre ni Prince o kahit na sinong may pera o dapat manlibre. Hindi na tulad ng dati. Dati.
Natapos na nga ang term.Pero di pa tapos ang ligaya. May darating pa. Bakasyon na! Masaya na ang lahat. O halos lahat. Halos 1 week vacation rin. Kasama na doon ang madugong enrolment. Kasama sa enrolment na yon ang madugong paghihintay na pagloload ng website ng Mapua. Mapula ang website. Kapag minamalas ka naman, mabilis ngang magload pero papatayin din nito ang pag-asa mong makapag-encode sabay sabi ng "Server is too busy." Nakakaloko nga. Minsan may nagsabi. "Sino ba yang si Server? Busy daw. Ano siya artista?" Nakakatuwa ang mga nagaganap bago ang lahat ng ito. Nakabukas ang lahat ng YM nila. Conference kung conference. Kung alam lang nila kung gaano nagiging sagabal sa mabilis na pag-load ang YM. Siguro alam naman nila yun. Sadya lang na gusto nilang maaliw para kahit sandali ay makalimutan nila ang madugong website.
Mga frosh at juniors ang madalas mag-YM tuwing nag-eencode. Hindi pa kasi sila allowed sa privileges na magpareserve sa mga majors. Hindi rin nila trip sa in-campus encoding. Kung alam nila ang hassles sa in-campus. Matutuwa sila. Kukunin ang grades sa mahabang pila sa may gym. Sa kamalasan mo, makakapila ka sa maling queue. Pagkatapos mong kunin ang grade pipila ka naman sa encoding centers ng program niyo. Sa South Bridge ang encoding center ng mga CE. Nakakatuwa doon. Parang palengke. Nagkakausap ang lahat ng magblockmates at mga nakikiblockmates. Kahit magkakalayo sila, sigawan at lipatan ng upuan sila to the max. May mga ibang two hours na doon. May mga iba naman na parang umupo lang doon. Excited masyado sa paggawa ng sched. Finalize kagad. Hindi na hinintay ang ibang blockmates. Nagbayad na sila habang nag-eencode pa rin ang iba nilang block. In the end, i-rerevise rin nila knowing na meron pa silang makuha at may mga nang-iwan sa mga kasama nila. Dadaan sa mahabang pila sa library para sa revision ng load. Habang ang iba ay tapos nang dumaan sa pilahan sa treasury para magbayad. Tapos na ring magpaprint ng CM sa N104. Dito na lang maaaring magkita ang mga magkakaibigan mula sa iba't ibang program. Mahirap na rin magkita. Iba-iba ng sched. Iba-iba ng preferred sched. Minsan panggabi. Minsan umaga. Minsan may sched na pang-guard. Ikaw ang magbubukas ng Mapua sa aga. Ikaw na rin ang magsasara kasi gabi ka na uuwi. Hitik sa vacanat ang sched. Wow.
Napakaganda rin ng mga experiences ng ibang tao pagtungtong ng third year. Napakasaya nilang pumasok dahil regular takers sila. Ayos sa sched. Ayos rin sa free days. Pero siyempre hindi mawawala ang mga hassles. Pagtingin mo ng sched mo sa madugong website ng myMapua, malalaman mong abolished ang section niyo. Hindi mo alam ang gagawin mo kapag ganito. Papasok ka pa ba sa course na iyon o hahayaan mo na lang ang pagpapalit ng course. Mas maganda na rin na pumasok ka. Minsan kasi nasasalba pa. Nagiging tutorial kapag umabot ng 11. O kahit hindi. Basta babayaran mo na lang ang natitirang units para maging isang section. Pero iba ang nangyari. Abolished na talaga. Regular daw kasi ang offering na iyon kaya hindi pwede ang magpatutorial classes. Wala kang magagawa kundi ang lumipat. Lumipat na ayon sa gusto nila. Masaya? Ewan.
Ganyan talaga ang mag-aral. Minsan mahirap. Dahil sa homeworks. Dahil sa projects. Dahil sa finals. Dahil sa departmental exams. (note: minsan nagiging departamental ito sa ibang tao. Kasama ka ba sa kanila? Hmmm) Pero mas madalas ang saya. Ma-eexperience mo ang napakaraming bagay. Makakakilala ka ng iba't ibang tao. May sobrang talino. May katamtaman ang talino pero dinadaan sa sipag. May katamtaman din na dinadaan sa swerte. May mga boplaks na masipag. Meron ding maswerte. Meron ding tamad. Marami. May makikilala ka pang henyo. May mga feeling henyo. May mga feeling close. May mga taong hangad lang ay magkasyota. May mga walang hangad. May mga ubod ng dami ang hangad.
Sa dami ng nakwento ko. Nasabi ko. Mga opinyon. Mga kuru-kuro. At iba pang bagay-bagay na hindi naman kasama sa kwento. At napindot ko pa pala ang mahiwagang button na may arrow na tumuturo pakanan. Natapos na pala sila ng exam. Natapos na sila ng viewing ng grades. Natapos na rin sila sa pag-eencode. Bakasyon na! Ilang days din.
Bakasyon? Maraming mga Mapuans ang hindi na alam ang ibig sabihin nito. Oo. Alam kong exaggerated pero totoo naman kasi. Sa dami ng school works nila. Sa dami ng lahat ng requirements. Minsan kahit bakasyon pinaghahandaan nila yun. Minsan advance study na ang nangyayari sa bakasyon nila. Minsan naman sa enrolment pa lang ubos na ang kakarampot na bakasyon nila. Unless for Christmas break at summer "vacation." Nakakalimutan na ang vacation. Nagiging rest day na lang ito. Yung tipong matutulog ka ng halos 11 hours sa buong araw. Hindi pa kasama ang online-gaming pati na rin ang facebook-ing. Mahirap na talagang magkaroon ng get-away. Parang "stress detoxification."
Pero sinong nagsabi applicable ito sa characters ng ating kwento. Who said na hindi pwedeng mag-enjoy. Choice na naman din ng karamihan sa mga Mapuans na ma-stuck na lang sa bahay at matulog. Hindi naman bawal sa handbook yon. Enjoy!
"Best, may gagawin ka this vacation?"
"Vacation ba matatawag ang halos 4 days na natitira sa atin?"
"Best, nakapag-enroll ka na naman sa tulong ng org diba. Wala na tayong aalalahanin."
"Best, parang I can't enjoy in that span of days."
"Last term mo na to sa Mapua. Gagraduate ka na."
"What?"
"Again, gagraduate ka na!"
"What? Parang wala pa sa isip ko. Oo nga. Gagraduate na ako."
"Anlakas mo naman kasi sa CE e. Nakapag-overload ka kahit more than 33 units ka pa."
"Oo nga e. Naipagpilitan ko kasi na kaya ko naman i-overload ang lahat."
"Wow. Ilakad mo ako sa ganyan sa kanila ha."
"Buti rin nakita nila na magiging asset ako.
"Best, hindi ka naman nagyayabang niyan?"
"Ano ka ba?! It's not my type. Nagyayabang lang ako kapag may isang epal na maangas."
"Oo nga. Natatandaan ko si CI."
"Natatandaan mo pa yun?"
"Oo naman. You're mean that time pero lahat naman kami humanga sa'yo non."
"Talaga?"
"Lahat talaga ng classmates natin dati. Kasi ba naman tong si CI ang angas."
"Buti na lang mas matalino at magaling ang best friend ko."
"Idagdag mo na yung cute."
"Kapal mo naman best. Hahaha. Pero in fairness, anlayo ng hitsura niyo ni CI ha."
"Naman!"
"Mas guwapo siya. Hahaha."
"Buti pala gagraduate na ako. Makakapaghanap na ako ng totoong best friend."
"Seryoso ka?"
"E seryoso ka ba na mas guwapo siya!"
"Siyempre hindi. To naman o."
"Best friend ba talaga turing mo sakin?"
"Best, kailangan ko pa bang ipakilala kung bakit tayo naging mag-best friends?"
"Hindi na. Mukhang kakalimutan ko na yun e."
"Awww."
(pinipigil ang tawa)
"I was supposed to invite you sa Tagaytay this Thursday. Pero mukhang that won't happen."
"Real deal ba yan best?"
"Dapat kaso mukhang hindi na matutuloy e."
"Ayain mo na lang si Jake."
"Hindi naman si Jake ang best friend ko."
"Substitute ko."
"Best, napaka-ano mo."
"Ano?"
"Sasama ka ba o hindi?"
"Sasama?"
"Bakit patanong?"
"Matutuloy ba yan kapag sasama ako?"
"Oo naman!"
"Sino pa ba mga kasama?"
"Sila Lara, Denice, Paul at Bryan."
"Bakit hindi kasama yung iba?"
"Yung iba kasi uuwi sa kanila. Yung iba hindi na nasabihan e."
"Ahhh. Sige! Sama na nga ako."
"Kailan naman ba yan?"
"Sa Thursday nga!"
"What?! Bukas na yan ah."
"Oo. Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?"
"E ngayon lang um-okay yung iba e."
"Bakit hindi mo ako sinama sa pagpaplano?"
"Alam ko namang sasama ka e."
"Sige, pag-iisipan ko pa kung sasama ako."
"Ano? Are you serious, best?"
"Oo na. Sasama na. Anghaba na nito. Itext mo na lang ako."
"Sige, best! I love you talaga."
"Bye."
"Bye."
Parang anghaba lang ng pag-uusap nila. Sobrang haba. Parang may narinig akong nag-ILY back.
"Best, ano balak mo?"
"Bukas, pahatid ako diyan. Akyat na tayo sa Tagaytay. Sunod na lang daw sila."
"Okay. Ano bang gagawin natin don?"
"Swimming. Plano nila sa Batangas daw sa Friday. Depende na rin sa kanila kung mag-oovernight."
"Ah. May reservation na ba kayo?"
"Wala pa. Hindi naman peak season e. Ayos lang yun."
"Sabagay. Teka, anong oras ka pupunta dito?"
"Alas kwatro para maaga tayong makaalis. Baka kasi matraffic tayo e."
"Sige. Sige. Anong dadalhin ko?"
"Dala ka na lang ng pera, best. Saka food natin papunta."
"Sige. Bili na ako ngayon ha."
"Okay. See you tomorrow."
Nag-ayos na ang lahat ng kasama. Nag-ayos na si Prince. Chineck na niya ang sasakyan niya. Nag-ayos na si Abby. Chineck na rin niya lahat ng dadalhin at kakailangan para sa bakasyon nila. Pumunta muna siya sa Parco. Bumili siya ng inumin nila. Medyo marami. Bumili siya ng junk foods. Medyo marami rin. Bumili siya ng candies. Bumili na rin siya ng iba pang necessities. Galing.
Maaga pa lang. Hindi na siya mapakali. Napagpaalam na rin siya sa mga magulang niya. Buti na lang ang maganda talaga ang record niya sa kanila. Hindi umiinom. Hindi naninigarilyo. Walang bisyo. Hindi pa napapaaway ng grabe. Pinayagan na rin siya. Andoon na rin kasi si Abby. Alam nilang hindi siya makakagawa ng masama kapag andon siya. They know it.
"Best?"
"O bakit?"
"Matutulog ka na ba?"
"Medyo. Bakit ka napatawag?"
"Hindi ako makatulog e."
"Baka may nag-iisip sa'yo?"
"Sino naman?"
"Ako! Iniisip ko na kapag hindi ka nakatulog baka maaksidente tayo bukas."
"Hahaha."
"Tulog ka na kasi."
"Sige. Sabi mo e. Alam mo namang malakas ka sa akin e."
"Adik ka. Hahaha."
Mag-aalas diyes na at hindi pa rin makatulog si Prince. Kahit tinotodo na niya ang pampatulog niyang Word Challenge sa FB. Hindi pa rin siya makatulog. Nahihiya na siyang tawagan ang best friend. Baka tulog na siya. Pinakanta na lang niya si Archie. Touch My Hand. Yan ang drama niya sa gabing ito. Naka-repeat one. Paulit-ulit. Pero effective. Di pa natatapos ang unang chorus ng ikalawang ulit nito ay tuluyan na siyang nakatulog.
Umexit na ang buwan. Parating na in a few hours ang araw. Kumakanta pa rin si Archie. Touch My Hand. Hindi pa rin siya napapaos. Walang panaginip. Walang masakit sa ulo. Nakahiga siya sa dalawang magkapatong na unan. Nakapatong ang kanang binti sa kaliwa. Nakalagay lang ang kamay nito sa kama sa magkabila. Diretso lang ang katawan. Medyo nakapaling sa kanan ang ulo niya. Tulog. Pero alas kwatro na. Nakalimutan niyang mag-alarm.
"Best, gising ka na?"
Nang mapansin niyang tulog pa ang best friend, pinagmasdan na lang niya kung paano matulog ang kaibigan.
"Best, anong sosyal mo naman matulog?"
"Nakakatuwa ka naman!"
"Ang cute mo. Kahit tulog ka, naka-smile ka parin."
"O nagpapacute ka lang sa akin?"
"Hahaha."
Sa tawa ng kaibigan nagising si Prince. Kilala niyang ang tawang iyon. Alam niya na andoon siya.
"Best, ipalagay mo na lang ang lahat ng gamit mo sa sasakyan."
"Okay."
"Pasama na rin yung pinabili ko kagabi."
"Finey. Bilisan mo ha."
"Sige, mag-aayos na ako."
Wala pang 10 minutes ay ayos na si Prince. Ayos na siya. Nakacheckered na shorts. Naka-flops. Naka-simple shirt. Naka-cap. Lahat ng gamit niya na dadalhin ay nasa sasakyan na. Paalis na sila. Sa wakas.
"Best, nice outfit."
"Hahaha."
Kwentuhan sila to the max. October 8. 4:20 AM. Papunta na sila sa Tagaytay. Dumaan sila sa Coastal. Para hindi ma-traffic. Amazing. Hindi nga traffic. Pero mukhang enjoy ang mga susunod na eksena. Maganda sanang bitinin.
-----------
October 8, 2009. Thursday. Madaling araw na ng umalis sila sa Quezon City. Kahit medyo madilim ay nakita pa rin nila ang beautification project ng lungsod. Mga bricks na inayos sa tapat ng mga establisyamento para maging parking lot. Wow. Maayos naman. Pati mga junk shops nagkaroon ng parking lot.
Mag-a-alas sais na ng umaga ng makarating sila sa bahay nila Abby sa Tagaytay. Dapat 5:30 ay nakarating na sila. Pero dumaan muna sila sa iba't ibang stopovers. Bumaba sila sa Tropical Hut pagkapasok mo ng Cavite. Kumain sila ng club house. Madalas din nilang kainan iyon kahit ano man ang okasyon. Basta't dumadaan sila roon. Bumili rin sila ng Japanese sweet corn sa mga nagbebenta sa gilid ng kalsada. Matamis ang mga ito. Mainit. Pero masarap. Tumingin din sila ng mga bulaklak papuntang Tagaytay. Sa dami ng mga bulaklak, nagmistulang garden ang parehas na gilid ng kalsada. May ibang nagbebenta ng mga ceramics. At iba pa. Pero madami talaga ang bulaklak doon.
Sa dami ng stopovers nila. Sa dami ng pinuntahan nila. Sa dami ng nabili nila. Picture taking. Madalas si Abby lang. Wacky poses. Serious. Stolen. Si Prince ay may hawak ng cam. Silang dalawa. Magkadikit ang ulo. Magkadikit ang pisngi. Naglalaro ng hitsura. Naglalaro ng mata. Minsan stolen shots ng best friend. Si Abby ang may hawak ng camera.
Sa loob ng halos isang oras at kalahati na pagbiyahe nila. Si Prince ang driver. Si Abby ang natatangi niyang pasahero. Masaya na sila. Sa loob ng halos tatlong taon ng pagkakaibigan nila. Sa loob ng mga panahong ito. Ganito na lang ang eksena. Kailan kaya maiiba?
"Best, naaalala mo pa ba kung paano tayo naging mag-best friends?"
"Oo naman."
"Ang galing nga e. Parang coincidental lang ang nangyari."
"Sobra. I din't expect na ganoon ang mangyayari. Ang galing ni Ma'am Hamilton."
"Akalain mo bang tawagin tayo na mag-usap as best friends in front of the class."
"Buti na lang ang malapit nang mag-time noon kaya next meeting na lang itutuloy."
"Doon na nagsimula ang lahat."
"I invited you na magpractice tayo after class."
"Akala ko nga kung anong gagawin mo sa akin noon eh."
"Hahaha. Mukha ba akong manyak noon?"
"Hindi. Pero kasama mo kasi yung mga manyakers sa block e."
"Hindi naman tayo nagpractice after class. Nag-kwentuhan lang tayo noon tungkol sa high school, sa likes, dislikes, pati na rin sa buhay-buhay."
"Yeah. Naaalala ko yan."
"Pero, idol ko talaga si Ma'am Hamilton."
"Ikaw ba naman ang paborito niya e. Hindi mo ba naman maging idol yun?"
"Hindi yon. Isa siya kasi sa mga naniwala sa talents ko. Amazing."
(kinuha ni Abby ang phone niya)
"Best, bukas pa raw sila makakapunta dito. May problema ata sa sasakyan nila e."
"Awww."
"Bakit? Sawa ka na ba sa akin?"
"Baka kasi pagsamantalahan mo sa malamig na gabi. Hahaha."
"Tsss. Paano mo nalaman ang plano ko?"
"Halata kasi sa kilos mo."
"Hahaha."
Nagtawanan na lang ang dalawa. Sa sala lang muna sila. Hanggang tuluyan nang sumikat ang araw. Salamat sa caretaker ng bahay nila Abby sa Tagaytay at properly maintained ang bahay. Ayos ang mga kwarto. Ayos ang mga furnitures. Ayos lahat. Pati na ang landscaping ginagawa na rin nila.
Nakaupo si Prince sa bilog na upuan na blue. Naiikot ito. May kumportable rin na sandalan ng likod at patungan ng kamay. Magkalayo ang mga binti niya ng halos isa't kalahating ruler. Katapat niya si Abby. Gitna nila ang isang oblong na la mesa. May mga nakalagay na minature na halaman. May carpet sa ilalim. Nakaupo si Abby sa mahabang sofa na medyo kakulay ng blue na inuupan ni Prince pero medyo darker lang ng kaunti. Nakasandal si Abby. Nakadekwatro. Nilalaro niya ang kanyang shades.
Nagkwekwentuhan sila. Tungkol na naman sa kanila. Sa unang beses ni Abby sa bahay na iyon. Sa susunod. Sa unang beses ni Prince doon. Sa sumunod. At ngayon. Napagplanuhan na nila kung saang kwarto ang sino. Naayos na nila.
"Best, sa isang room tayo mayang gabi ha."
"Sabi na may pagnanasa ka sa akin e."
"Ano ka ba? Kunwari di mo alam."
"Sige. Sige. Saan tayo?"
"Sa Room # 1."
"Hala. Ano yun diyan?"
"Hahaha. Wala akong magawa kasi noong nakaraang pumunta kami dito. Kaya nilagyan ko ng numbers."
"Adik ka talaga."
"Well, mana sa best friend. Hahaha. Yung #1 yung unang makikitang kwarto pag-akyat mo ng second floor. Katabi ng CR. Green ang wallpaper. Sumunod na malaki pagkatapos ng Master's Bedroom. Malaki ang kama. May kama pa rin sa ibaba nito na de-hatak. May wooden cabinet."
"Saan sila Lara at Denice? Pati si Paul at Bryan?"
"Sila Lara at Denice sa room #3. Pink ang wallpaper. Sa dulo na kahilera ng room natin. Medyo maliit ng kaunti. Pero halos ganoon din ang laman. Sila Paul naman sa room #4. Sa third floor. Sa itaas ng kwarto natin. Blue naman ang wallpaper. Parehas lang ng laki sa #3."
"Planado talaga ha."
"Siyempre naman."
"Kaya pala andito na sila. Kasama sa plano niyo to no."
"I hate you, best!"
Binato ni Abby ng unan si Prince. Alerto naman si Prince. Nasalo niya ang throw pillow na binato sa kanya. Kahit medyo maraming babasagin sa sala nila, hindi siya kabado na mambato. Alam niyan magaling siyang bumato at higit sa lahat magaling sumalo ang best friend niya.
Parang pamilyar yun. Parehas silang careless sa isa't isa. Alam naman nila na kaya nilang i-handle ang anong sitwasyon. Just like what real best friends do, kapag hindi kaya ng isa, pinupunan ng isa. Kaya rin siguro naging totoo ang pagkakaibigan nila. Hindi lang sa tawagan na best friend natatapos ang pagkakaibigan nila. It's more of the care na ibinibigay ng isa't isa. Hindi lang nakakahon sa tawag. Kaya mayroong hindi nagtatagal na best friendship. May ilang natatapos sa loob ng ilang taon. Mayroong sa loob lang ng ilang buwan. Mayroon ding sa loob ng three weeks. Dogmatic.
Naglibot muna sila sa buong village. May mga bagong bahay. Nandoon pa rin ang mga dating bahay. Ang iba lang ay hindi na gaanong napupuntahan ng may-ari. Halata kasi medyo marumi. Wala sigurong caretaker. Meron namang doon na sila tumitira. Marami kasi sa kanila vacation house lang ang mga iyon. Tiga-Manila kasi ang karaniwang nagpapatayo roon. Medyo iba kasi sa Manila ang location na yon. Medyo kaunti lang ang mga magagandang schools na pagpipilian. Pero merong maganda. Medyo malayo nga lang. Malayo ang mall. Pero tahimik. Halos lahat ng tao ay tulog na pagdating ng 7 PM.
Naglakad-lakad sila sa village na yon. Hindi ko sasabihin kung anong pangalan. Pero obvious naman sa description. Hindi gaanong patag ang mga kalsada. May pababa. Meron ding paakyat. Ayos lang. Nilakaran nila yon. Medyo malamig pero ganon pa rin ang suot nila. Shorts and shirt. Nilakaran nila ang mga bricks na bumubuo sa kalsada. May red. May parang gray dahil sa alikabok. Tumitingin lang sila ng mga bahay. Tinitingnan ang aesthetic and architectural designs. Pinupuna ang mga mali sa construction. Natutuwa sa mga magagandang pagkakagawa ng bahay. Pinupuri ang roofing ng mga bahay na hindi lang simple. Yung tipong sa kahit saan mong tingnan may porma. Pati mga landscaping ng garden. Hindi nakatakas sa mga mata nila.
May mga bahay na bongga. May mga bahay na pinagplanuhan. Ayos lang sa laki. Ayos lang din sa design. Pero halata mo na ayos ang mga furnitures. May mga bahay na no comment na lang. May mga bahay na ansarap tingnan. May mga bahay na ansarap tirhan. Pero bottom line, makikita ang importansya ng bahay. Hindi lang comfort ang maibibigay nito. Pati na rin safety. Kapag pinalad, it can be something you can brag about.
CE na CE ang dating nila. May pagka-architect pa. Pero sa loob ng maikling oras na iyon na nag-ikot-ikot sila, parang walang problema. Parang sila lang ang magsasaya. Pero parang lang naman yun.
Tutal malapit lang naman ang Starbucks sa village nila, pumunta muna sila para makapag-frappe. Fortuner. Less than five minutes nasa Starbucks na sila. Katabi nito ang maraming establishments. Mga restaurants. Pero, marami talaga ang pumupunta sa Starbucks, Kahit Holy Week, walang palya ang Starbucks!
As usual. Java Chip Frappucino. Mocha Frappucino. Abby. Prince. Respectively. Multigrain bagel with tomato, basil and mozzarella. For both of them. Silence was never part of them.
"Best, hindi pa rin nauubusan ng customers ang Starbucks no."
"Oo nga e. Kahit Holy Week na, andami pa rin."
"Paano mo naman nalaman yun?"
"Madalas kami ditong magkakapatid. Hahaha!"
"Kaya naman pala e."
"Best, tingnan mo yung mag-asawa. Ang sweet nila."
"Oo nga. Baka bago pa lang. Joke!"
"Tingin mo marami rin kaya silang parehas gusto sa buhay? Mga hobbies? Ganon?"
"Ewan. Siguro. Hindi ko alam."
"Weh? Ikaw kaya itong makapagpayo sa iba, akala mo expert na expert sa love."
"Ano ka ba? Ginagamit ko lang naman ang mga experiences ng iba sa pagpayo. Isa pa, ginagamit ko lang ang logic at view ng isang taong spectator lang. Objectivity ang pinapagana ko. Ayon."
"Andami mo naman palang ginagamit. Hahaha."
"Adik."
"Ano nga sa tingin mo?"
"Alin? Sila?"
"Oo."
"Naalala ko tuloy yung sabi ko sa 2nd year na nagpaturo sakin sa PHY13. Tungkol sa magnetism. Opposite [poles] attract."
"E ano naman tungkol don?"
"Wait ka lang kasi. Amazing lang yung mga magkakaiba ng ugali na nagkakatuluyan."
"E paano yung dalawang taong na halos parehas ng gusto sa buhay, hindi ba sila pwedeng maging masaya?"
"Hindi ko naman sinasabing hindi na sila pwede. What I meant was kaya minsan complete opposites ang mga nagkakatuluyan kasi they are offered to enjoy both worlds without losing their own."
"Wow. Lalim non ha. Ano sabi naman sa'yo nong bagets?"
"Oo na lang siya."
"Ikaw naman kasi e. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo."
"Wala kasi akong mapagtripan noong araw na iyon. Hahaha."
"Adik ka talaga."
"Medyo lang."
"Hahaha."
"Ikaw, ano sa tingin mo?"
"Ako? Mas masaya kapag kaparehas mo ng hilig yung isang tao. Parang isa na kayong tao."
"Hindi ba boring yun?"
"Walang boring kung kasama mo naman sa lahat ng ginagawa mo e yung mahal mo ang kasama mo."
"Ah. Sabagay."
"May point din naman ako."
"Pero hindi supported ng Physics yung side mo."
"Hmp."
Nagkwentuhan na lang sila. Tungkol sa buhay ng may buhay. Tungkol sa iba. Tungkol sa lahat ng nakapaligid sa kanila. Tungkol sa lahat ng kakilala nila. Tungkol sa kanila. Tungkol sa lahat ng bagay na pwede. Tungkol sa kaya pang pag-usapan at the moment. Marami. Pero limited. May boundaries. May limitations. May hangganan. Kahit parang sa tingin nating lahat ng bagay napag-usapan na nila. Kahit parang buong buhay nila magkakasama sila. Kahit parang ganon. Hindi parin.
Friends have the most thing to talk about. They can talk about their ex-es. Imaginary ex-es. Crushes. Ultimate crushes. Parang crushes lang. Pwedeng love life ng iba. Love life ng katropa. Love life ng kahit sino sa mundo. Kahit ano. It will just boil down to katatawanan. Friends. Ang swerte ng mga magkakaibigan. Paano kung gusto ng isang i-elevate ang relation nila? Will this be the ending to the built friendship? Or will this be a new beginning to a sweeter friendship that exceeds the limits of love?
"Hindi ba talaga sila makakarating ngayon?"
"Nagsasawa ka na ba sa akin, best?"
"Hindi naman. Pero hindi ba kayo ang nag-ayos nito?"
"E baka may inaasikaso lang talaga sila. Hintayin na lang natin. Baka parating na rin sila."
"Ano na gagawin natin? Uwi na lang muna tayo?"
"Best, ang corny mo. Enjoy your vacation. Last vacation mo na ito. Sasabak ka na sa madugong correl."
"Yeah, I know."
"Kaya i-enjoy na lang natin ito."
"Ano pa nga ba?"
"Punta na lang tayo sa Palace."
"Sige. Ikaw naman magdrive medyo pagod na ako, best."
"Fine. Tara na."
Kanina pa sila nandoon. Hindi pa lunch time andoon na sila sa Starbucks. Lumampas na ang lunch. Nandoon pa rin sila. Nakailang palit na ng customers. Nakailang palit na ng mga kasabayan. Hindi pa rin sila umaalis. Ayos lang. Hindi naman ganoon karami ang mga tao. After ng few more long years, umalis na sila. Almost alas dos na ng hapon ng umalis sila. Ilang minuto lang ang papunta doon. Pag walang traffic. Pag may okasyon. Kapag Holy Week. Christmas. New Year. Aabutin ka ng oras makausod lang ng iilang metro. Goodluck.
Hindi naman ganoong kahirap ang maghintay para sa kanila. Pero parang nag-iba. Dati hindi marunong maghintay si Prince. Ni hindi niya alam kung paano maghintay sa mga restaurants. Parating may umoorder na ahead of time. Pumupunta na lang sila sa restaurants kapag andyan na ang mga pagkain. Weird. Pero totoo. Kahit sa mahabang pila. Kahit sa anong bagay. Hindi siya marunong maghintay. Pero ngayon parang andali na lang. Parang he's been waiting for four long years. Parang lang naman.
It wasn't too hard kung iisipin. Pero para sa katulad niya. Medyo nakakapanibago. Dahil ba sa hinihintay? O dahil sa kasama niyang maghintay? Is it worth the wait or worth waiting? Ano bang pinagkaiba?
Sa fortuner ni Prince. Na madalas na saksi ng lahat ng ginagawa ng dalawa. Kumakain. Nagtatawanan. Nagpapayabangan. Nag-aaway. Nagkakabati. Naglolokohan. Madaming nangyari. Hindi lang ngayon. Hindi lang din kahapon. Pati bukas. At bukas pa ng bukas.
Habang nasa itaas sila. Habang malamig ang hangin. Habang giniginaw si Abby. Habang ang lahat ng tao doon ay nag-eenjoy sa view. Habang lahat ng tao ay concentrated sa mga ginagawa nila. Kinuha ni Prince ang jacket niya para ibigay sa best friend.
"Best, akala ko ba tiga-rito ka?"
"Hindi ka ba giginawin sa suot kong to?"
"Hahahaha."
"Thanks, best."
"Swerte ng magiging girl friend mo. Alam mo yun?"
"Alam ko. Hahaha."
"Lakas ha!"
"Seryoso ha. Hindi ko nga alam e. Parang hindi pa ako ready. Hindi ako prepared."
"Naks, gawin mo lang yung ginagawa mo sakin."
"Iba ka. Best friend kita e."
"Naks!"
"Kilig ka naman."
"Hahaha."
"Tuwa ka diyan. Ikaw kailan ka magkakaboy friend? Kung makaintriga ka naman sa akin."
"Ewan, kapag kaya nilang higitan ang ginagawa mo?"
"Mahihirapan ka lang makahanap noon. (ngiti)"
"Lakas mo talaga. Meron naman siguro."
"Siguro. Pero kung ganyan ang criteria mo baka mahirapan sila."
"Seryoso ba yan o joke?"
"Parehas."
"Ah okay."
"Hahaha."
Kwentuhan sila. Hanggang papalubog na ang araw. Habang dumidilim na. Umeexit na ulit ang araw. Gumagawa naman ng grand entrance ang buwan. Papasa naman kaya?
"Best, may nabasa akong prophecy sa Ownage."
"Ano naman yun? End of the world na?"
"According sa Mayan Prophecy, sa December 21, 2012..."
"End of the world na?!"
"Relax. Hindi naman. Magkakaroon ng bagong cycle. Ayon yun sa calculations nila. Kilala diba sa inclination sa Math."
"Anong mangyayari?"
"Hindi ko alam. Inantok na ako kagabi kaya hindi ko na tinapos."
"Tinakot mo naman ako."
"Hindi ah. Naishare ko lang baka kasi may plano ka sa araw na yon."
"Wala naman. Wait!"
"Ano?"
"Kelan ba lalabas yung results ng mock board niyo?"
"Sa pasukan daw."
"E kumusta naman? Mahirap ba?"
"Medyo."
"I'd like to make a deal."
"Anong deal yan?"
"Kapag ikaw ang pinakamataas sa buong CE..."
"Hala, ano yan?"
"Kapag ikaw ang pinakamataas sa buong CE, panalo ako. Kapag hindi, ikaw ang panalo."
"Ano namang prize?"
"Teka, ano bang maganda?!"
"Alila kita for a day."
"What?! Sure na sure kang panalo ka ha."
"Oo naman. Sino pa bang tatalo sa'yo?"
"Ewan. Paano kapag ako nanalo?"
"Alila mo ako for a day."
"Hmmm. Mukhang maganda yan! Kahit ano susundin mo?"
"Oo! Kapag ikaw ang nanalo."
"DEAL!"
"DEAL rin!"
"Kailan naman yung araw na yun?"
"Ikaw naman mag-isip."
"December 22, 2012! Para kung totoong end of the world, ligtas ako!"
"Sigurado ka atang talo ka e."
"E Sigurado ka rin bang end of the world na?"
"Hindi."
"Hindi rin ako!"
"Usapan yan ha!"
"Oo naman!"
"Maghanda ka na sa mga iuutos ko sa'yo."
"Tingnan na lang natin."
Hindi na sila gumawa ng kasulatan. Parehas silang humahawak sa salita ng bawat isa. Alam na hindi sila aatas sa usapang ito. Nakakatuwang deal. Pero nakakaexcite kung ano ang kakalabasan. Successful kaya?
Pauwi na sila dahil gabi na rin. Si Prince na ang nagdrive. Pagod na si Abby. Nakacharge naman si Prince. Sanay din siyang magdrive kahit gabi. Si Abby hindi pa masyado. Pauwi na sila. Malapit na pero nang-inis si Abby.
"Sure ka ba na hindi ikaw ang pinakamataas? Baka gusto mong makipagpalit?"
"Hindi. Ayos na ko dito. Alam kong ikaw na ang utusan ko sa Dec. 22."
"Asa ka naman, best. Inililista ko na lahat ng iuutos ko sa'yo."
"Itapon mo na yan."
Tawanan na lang sila. Kahit na parang joke lang ang deal na yon. Seryoso yun para sa kanilang dalawa. Mas seryoso pa sa kahit anong bagay na dapat seryosohin. Importante.
Pauwi na sila. Malapit na sila sa bahay nila Abby. May kaunting ilaw ito dati kapag walang naiiwang tao bukod sa caretaker. Pero, ngayon ay parang bukas na bukas lahat ng ilaw. May tatlong kotse na nakaparada. Isang Frontier. Hilux. At Altis. Hindi pamilyar ang Hilux na yun. Pero parang alam na nila kung kanino yun?
Pag pasok nila sa bahay, nagulat sila at nandoon na sila Lara, Denice, Paul at Bryan. Hindi lang sila. Kasama si Jake at Karen. Masaya si Jake. Medyo malungkot naman si Karen.
Bago pa man nakapagsalita ang iba pang characters, bigla namang dumilim dito. Awww! Nagbrown-out! Sayang.
this is nice. sulat ka sa Fictionpress.com! :)
ReplyDelete