Para Kay B

Rating:★★★★
Category:Books
Genre: Literature & Fiction
Author:Ricky Lee
"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?"

Ang librong ito at isang kumpilasyon ng limang kwento maaring totoo o hindi, maaring magkakaugnay o hindi at maaring dapat paniwalaan o hindi. Sa limang kuwentong ito, maisasalamin ang kakaibang kwento ng pag-ibig sa iba't ibang pagkakataon, panahon at sitwasyon. May kapanipaniwala at mayroong dapat manatili na lamang sa utak at wag nang palayain pa.

Ang pag-ibig ang kahinaan ng isang tao. Marahil napalambot niyo ang puso ko at umibig sa bawat karakter na kaibig-ibig at mamuhi sa lahat ng taong nakakayamot. Natawa rin ako sa bawat mapusiyaw nitong biro at nairita sa matingkad na berdeng dulot ng ilang pananalita, akto at pangyayari sa ilang kwento.

Para kay B nga ito.

Sino man si B. Si brenda ba yan o iba pa. May B tayo sa kanya kanyang buhay. May B na nagturo sa ating magmahal. nagpaniwala na ang pag-ibig ay totoo, masarap at hahanap-hanapin mo. Malas mo nga lang na kung sa 4 na 5 na umiibig ay isa ka sakanila na hahayaang masaktan. Si B na minahal mo ng todo ay ang B na ipapakita sa'yo ang mundong noon ay hindi mo inaakalang totoo. si B na kahit sa hinagap mo ay malulungkot ka lang sa katotohanan. si B na unti-unting pumapatay sa mumunti mong pangarap na ikaw yung isa sa limang dapat na sumaya at lumigaya.

(4 stars lang dahil sa sort of kabastusan.)

Comments

Popular posts from this blog

Em talks to Me once again!!!

Finding its Way (UnOfficially Yours n-day Challenge)

ABT